Inday TrendingInday Trending
Limang Dekada Naghintay ang Dalaga Para sa Sundalong Kasintahan, Nawasak ang Kanyang Puso nang Malaman ang Dahilan ng Hindi Nito Pagbalik

Limang Dekada Naghintay ang Dalaga Para sa Sundalong Kasintahan, Nawasak ang Kanyang Puso nang Malaman ang Dahilan ng Hindi Nito Pagbalik

“Maghihintay ako sayo ha?”

“Huwag mo akong kakalimutan.”

“Mahal na mahal kita.”

Nagising si Delaila sa isang malungkot at paulit-ulit na panaginip. Hindi niya alam kung bakit kahit lumipas na ang ilang dekada ay hindi niya pa rin makalimutan si Conrado, ang lalaking unang bumihag ng kanyang puso.

Isa itong sundalo na handang ialay ang lahat, kahit na ang buhay nito para sa bansang pinagsisilbihan.

Nagkakilala sila noong sila’y parehong 18-anyos pa lamang. Niligawan siya nito na tila talaga siya isang dalagang Filipina. Dahil gusto niya rin naman ito ay sinagot niya rin sa huli.

Ngunit hindi pa nagtatagal ng limang buwan ang kanilang relasyon ay pinatawag na ito para sa military duty nito. Dahil doon ay naging sulatan na lamang ang kanilang komunikasyon. Masaya siya dahil kahit magkalayo sila ay hindi pa rin siya nakakalimutan nito.

Nakakauwi rin ito sa tuwing ikaanim na buwan ng duty. Sa tuwing umuuwi ito ay nagde-date sila sa paborito nilang pasyalan sa tabing-dagat. Bawat araw na magkasama sila ay nagiging magagandang memorya para kay Delaila.

Ngunit dumating ang panahon na nagpaalam sa kanya ang sinisinta at hindi niya alam kung bakit tila kinabahan siya sa pamamaalam nito.

“Huwag ka na kayang umalis?” tanong niya sa nobyo.

Umiling ang lalaki, “Hindi ba napag-usapan na natin ito? Kailangan kong mag-ipon para sa kinabukasan natin. Kaunti nalang naman ang iipunin ko. At saka baka huling duty ko na ito. Kapag naikasal na tayo, magfofocus na ako sa pamilya ko,” anito sabay halik sa kanyang noo.

Napaiyak siya. Hindi niya alam kung bakit talagang kinakabahan siya sa pagkakataong ito. Ngunit kahit na ganoon ay wala pa rin siyang magawa upang pigilan ito.
Advertisement

“Saglit nalang naman ang hihintayin mo, magkakasama na tayo pang-habambuhay. Hindi na ako mawawalay sayo.”

Hanggang sa lumipas ang panahon–saktong limang dekada kung bibilangin, ay hindi niya na kailanman muling nakita si Conrado. Hindi niya na rin nagawang mag-asawa pa at magkasariling pamilya dahil sa pag-asang babalik pa ang unang lalaking pinag-alayan niya ng puso’t kaluluwa.

Hindi namalayan ni Delaila na muli na naman palang pumatak ang kanyang mga luha sa pag-alala kay Conrado. Tinignan niya ang sarili sa salamin, 68-anyos na siya, at wala nang bakas ng dalagang Delaila noon. Mag-isa na lamang siya ngayon.

“Mag-isa nalang ako ngayon,” ika niya sa sarili.

“Hindi ka nag-iisa. Hindi ka na mag-iisa kailanman…”

Gulat na gulat si Delaila nang marinig niya ang pamilyar na boses. Kilala niya iyon kahit medyo tumanda ang tinig. Tinignan niya ang bulto ng lalaki sa salamin. Agad niyang nakilala ang mga mata nito. Kahit napakalaki na rin ng itinanda nito ay hindi niya pa rin nalilimutan ang tamis ng ngiti nito.

“Conrado!” hinarap niya ang lalaki.

Niyakap siya nito habang umiiyak, “Pasensya ka na kung natagalan ka sa paghihintay. Pangako, hindi na kita muling iiwan pa.”

Nalaman niyang nabaril pala ito at ilang taong na-comatosed. At nang magising ay nawalan pa ng memorya. Inalagaan siya ng sibilyan sa kabundukan at kamakailan lamang nang maalala niya ang babaeng iniwan niyang naghihintay sa kanya–si Delaila.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!
Advertisement