Inday TrendingInday Trending
Matagal na Panahong Hiniling ng Ina ang Atensyon ng Kanyang Anak, Ngunit Bigo Siyang Makuha Ito Hanggang sa Huling Hininga

Matagal na Panahong Hiniling ng Ina ang Atensyon ng Kanyang Anak, Ngunit Bigo Siyang Makuha Ito Hanggang sa Huling Hininga

“Nakahawak ka na naman sa tablet mo, Paulo. Hindi mo na pinapansin si Mama,” ika ni Aling Louisa sa kanyang labintatlong taong gulang na anak. Hindi niya akalain na sa pagbibinata nito ay kasama rin ang paglayo ng loob nito sa kanya. Nahihiya na itong maglambing sa kanya o magsabi man lang ng “I love you”. Nalulungkot siya dahil namimiss niya na ang bunso niyang napaka-sweet noon. Wala na rin naman siyang ibang makakausap sa bahay dahil bukod sa matagal nang yumao ang kanyang mahal na asawa ay pare-pareho na ring may trabaho ang mas nakatatanda niyang mga anak. Kaya naman sila na lamang ng bunso niyang si Paulo ang palaging magkasama sa bahay. Ngunit dahil nga nagbibinata na ito ay hindi niya na ito malambing o makausap man lang. Sa tuwing gabi ay hindi niya mapigilang mapaiyak sa isiping nag-iisa nalang siya. Kung minsan pa nga’y napapailing nalang siya, “Tumatanda na talaga ako.” Ganoon na lamang ang iniisip niya. Upang hindi masisi ang kanyang mga anak sa kalungkutang nadarama niya. Madalas niya kasing maalala ang masasaya nilang alaala noong buo pa ang kanilang pamilya. Ngunit isang araw ay tuluyan niya nang napagalitan ang kanyang anak dahil natabig nito ang pagkain dahil hindi nito iyon kakalaro ng tablet. “Ano ka ba naman, Paulo? Hindi naman pinupulot ng mga kapatid mo ang perang pinapakain sa atin. Baka naman pwedeng bitawan mo muna ‘yang tablet mo at kumain ka ng maayos dito?” naiinis niyang sermon sa anak. “Sorry po, Ma.” Habang kumakain ay nakonsensya naman si Aling Louisa dahil sa nagawang panenermon sa anak. Hindi tuloy ito nakakain nang marami. “Tapos ka na agad?” tanong niya sa anak. “Opo, Ma.” Doon lalong nakaramdam ng lungkot si Aling Louisa. Sa isip niya’y babawi na lamang siya sa anak pagkatapos niyang maghugas ng plato. Habang naghuhugas ay nakaisip siya ng magandang paraan. Kaya naman binilisan niya na ang paghuhugas at agad na tumabi sa anak na naglalaro pa rin sa tablet nito. “Anak, pwede mo ba akong turuan kung paano gumamit ng tablet?” ika niya dito sa buong paglalambing na tono. Hindi naman siya pinansin ng anak na busy pa din sa paglalaro. “Anak?” tawag-pansin niya dito. “Sige ka, kapag nawala si Mama, mamimiss mo ang pagbubunganga ko. Sorry kanina anak, ha?” Tumango lang ang binata at nagpatuloy pa rin sa paglalaro. “Anak, tutulog na ako. Ingat ka. Mahal na mahal ka ni Mama,” paalam niya sa anak. Wala ‘ni isa sa kanila ang may alam na ang pagpapaalam na iyon ni Aling Louisa sa anak ay ang huling pagpapaalam niya nang talaga. Nang gabing iyon nang matulog ang ginang ay hindi na siya nagising pa kinabukasan. Iyak nang iyak ang kanyang mga anak at labis ang paghingi ng tawad sa kanilang ina. Lalo na ang bunso niyang si Paulo. Kung hindi sana siya nagmatigas at sa halip ay sinunod ang huling kahilingan ng ina, masaya sana nitong nilisan ang mundo. Hindi niya alam kung bakit simula nang magbinata siya ay nahiya na siyang ipakita ang paglalambing at pagmamahal sa kanyang ina. Dahil sa pangyayaring iyon ay isang aral sa buhay ang kanyang natutunan–ito ay ang iparamdam na natin ang ating pagmamahal sa ating mga mahal sa buhay hangga’t naririnig at nararamdaman pa nila ito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement