Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Pangarap na Bumukod sa Byenan, Napilitang Maging Kabit ng Mayaman na Boss ang Babaeng Ito at Iniwan ang Sariling Pamilya

Dahil sa Pangarap na Bumukod sa Byenan, Napilitang Maging Kabit ng Mayaman na Boss ang Babaeng Ito at Iniwan ang Sariling Pamilya

“Kailan tayo bubukod, Hon?” muling tanong ni Donna sa kanyang asawa na si Kelveen. Hindi naman nakasagot ang lalaki sa tanong niya. Nagkunwari pa itong busy sa ginagawa at hindi siya naririnig. Alam niyang umiiwas na naman ito sa usapan. “Hon,” muli niyang tawag sa asawa. Sa wakas ay lumingon rin ito sa kanya. Ngunit nakita niya ang lungkot sa mga mata nito, “Hon, kulang pa ang ipon ko eh.” Nalungkot rin siya sa sinabi nito. Hindi niya naman ito minamadali pero ilang taon na kasi siyang naghihintay at nahihirapan makisama sa pamilya ng kanyang asawa. Gusto niya naman magkaroon ng sariling privacy. Pangarap niya kasi noon pa man na magkaroon ng sariling tahanan na kahit simple ay magagawa niyang dekorasyunan at ipalipat-lipat ang mga gamit sa kahit saang pwesto ay walang magrereklamo. Hindi katulad ngayon na nakapisan siya sa pamilya ng asawa. Napakarami nila sa bahay at tila konting galaw niya lang ay hindi na siya makahinga. “Pagsumikapan mo naman Hon, ang tagal ko nang nagtitiis sa maliit na bahay na’to oh,” inis na siya dahil paulit-ulit niya nalang itong pinapaalala sa asawa. Sa inis ni Donna ay pumasok na lamang siya nang napakaaga sa trabaho. Doon ay nakabunggo niya ang kanyang boss. Nagtaka siya kung bakit galing ito sa kumpanya nila na halos sarado pa. “Boss? Bakit ang aga niyo?” Napangiti ito at saka sinabi ang sikreto sa kanya. Gulat siya nang makita ang isang babaeng lumabas mula sa opisina nito. Simula noon ay hindi na siya gaanong takot sa boss dahil alam niya na ang sikreto nito. “Hi, Donita. Kamusta na? Libre ka bang lumabas kasama ko mamayang gabi?” yaya nito sa kanya isang araw. Nagtaka siya sa biglaang pagyayaya nito, “Anong meron boss? Birthday niyo ba?” Ngumiti ito nang makahulugan sa kanya, “Wala naman. Napansin ko kasi simula nang makita mo ‘yung “alam mo na”, tumapang na ang awra mo sa akin. At nagustuhan ko iyon.” Siya naman ang inumpisahang ligawan ng kanyang boss. Hindi siya makapaniwala dito dahil isa lamang siyang sekretarya nito. Noong una’y hindi niya ito pinatulan ngunit nang pangakuan siya ng mayamang boss ng bahay at lupa ay agad na nagbago ang desisyon niya. Sa isip-isip niya’y matutupad na rin sa wakas ang pangarap niya. Dahil doon ay tuluyang nasira ang kanyang pamilya. Nagkahiwalay sila ng asawa at lumayo ang loob ng kanyang mga anak sa kanya. Bandang huli’y napagtanto niya na ang pag-abot pala sa kanyang pangarap ay ang pagsakripisyo sa kanyang pamilya. Dahil nagkaroon nga siya ng sariling bahay at lupa, nawala naman ang masayang alaala niya sa mga anak at sa dating asawa. Sa huli’y iniwan rin niya ang kanyang boss at ang kayamanang binigay nito sa kanya. Humingi siya ng tawad sa kanyang mga anak ngunit hindi na siya tinanggap pang muli. Nagpasalamat nalang siya dito dahil kahit na ganoon ang kinahantungan ng kanilang relasyon ay hindi pa rin nito ipinagdamot sa kanya ang mga anak. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement