Nakita ng Lalaki ang Binatilyong Ito na Umiiyak sa Lansangan, Isang Rebelasyon Mula Dito ang Nag-udyok sa Kanyang Magbagong-buhay
Masyadong abala si Andrei sa kanyang trabaho sa Maynila, ang nanay ay nakatira sa Isabela at isang beses sa isang buwan na lang kung ito ay dalawin niya.Minsan nga ay hindi pa siya nakakadalaw dahil mas pinipili niya na lang ipahinga ang ilang oras na igugugol niya kung bibyahe papunta sa probinsya, kahit pa may sarili na siyang kotse. “Drei, dalaw ka naman dito minsan. Ipagluluto kita.” madalas na lambing ng ina sa telepono, paulit ulit na mangangako rito si Andrei ngunit madalas ay hindi naman natutupad. Mabuti na nga lang ang hindi ito nagtatampo sa kanya. Biyuda na ang kanyang 65 years old na ina at mag isa sa bahay, bunso si Andrei sa apat na magkakapatid at ang tatlong ate niya ay may kanya kanya nang pamilya. Hindi rin nakakadalaw ang mga ito sa ina. Dahil Mother’s Day, naisipan ng binata na ibili ng mga bulaklak ang ina at ipadeliver na lang ito. Nang papalabas na siya ng flower shop ay natanaw niya ang isang binatilyo na lumuluha di kalayuan sa kanyang kotse. Mukha namang matino ang binatilyo at naawa si Andrei kaya nilapitan niya ito. “Toy? Ayos ka lang? Anong problema?” tanong niya rito dahil hindi madalas na may makita siyang umiiyak na lalaki, malaki siguro talaga ang problema nito. “Wala ho kasi akong maibigay sa nanay ko. Mother’s day ho kasi diba?” malungkot na sagot nito. Naantig naman si Andrei kaya niyaya niya ito sa flower shop at sinabing kumuha na ito ng mga bulaklak, siya na ang magbabayad. Tuwang tuwa naman ang binatilyo na ang pangalan pala ay Sonny. “Salamat kuya, matutuwa ang nanay.” ngiting ngiti ito. “Sus, wala ‘yan. Saan ba kayo nakatira? Baka madadaanan ko sumabay ka na sa akin.” Tamang madaraanan niya nga ang kantong sinabi ng binatilyo kaya isinabay niya na ito. Laking gulat niya nang sa sementeryo ito bumaba. Inisip niyang isa ito sa mga may bahay sa sementeryo katulad noong sa balita pero mali siya, lumapit ito sa isang puntod at lumuhod doon. “Nanay, happy mother’s day. Pasensya ka na at ngayon lang kita nabigyan ng magagandang bulaklak, salamat kay Kuya na nagbayad nito para sa iyo. Mahal kita nanay, at miss na miss na kita.” masuyong sabi nito sa tapat ng puntod. Dali dali namang naglakad si Andrei patungong sasakyan. Bumalik siya sa flower shop at ipina-cancel ang delivery. Dinagdagan niya pa ng isang bouquet ang order niya at nagdrive na patungong Isabela, siya mismo ang magbibigay niyon sa kanyang ina habang hindi pa huli ang lahat. Ayaw niyang magsisi at kailangang masabi niya sa kanyang ina kung gaano niya ito kamahal. Ano ang aral na napulot ninyo sa kwentong ito? sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.