Nagbigay ng Katakot-takot na Pagsubok ang Businessman na Ito Para sa Lalaking Gustong Ligawan ang Kanyang Dalagang Anak, Hindi Niya Inasahan ang Susunod na Pangyayari
Matagumpay ang lahat ng negosyo ni Ruben, halos ilang taon niya ring pinagtrabahuhan ito. Nagsimula siya sa maliit hanggang lumago nang lumago ang negosyo. Mayroon siyang nag iisang anak na dalaga, si Ruby Mae. Nais nang mag retire ni Ruben sa negosyo ngunit sa tingin niya ay hindi kakayanin ni Ruby Mae na i-manage ito nang mag isa, kailangan nito ng katuwang. Bukod doon, 27 years old na ang dalaga at si Ruben naman ay hindi na rin bumabata, gusto na niyang magkaapo. Marahil ay dapat na niyang kausapin ang anak hinggil dito. Isang gabi ay may party sa kanilang tahanan, ipinagdiriwang ang ika 28 kaarawan ni Ruby Mae. Nakausap na niya ang anak ngunit ang sagot lang nito ay, “Bahala ka Dad.” Napuno ang malaking bakuran ng mga bisita, naroon ang mga kaibigan at dating kaklase ng dalaga, mga business partners nila at pati na rin ang mga binatang anak ng mga kaibigan ni Ruben, ito na ang gabing hinihintay niya.Ipakikilala niya sa mga binata ang anak. Sobrang excited ni Ruben dahil may plano na siya para sa gabing ito. Matapos ang kainan ay nagsalita siya at nagbigay ng mensahe para sa anak. “Happy Birthday RM, mahal na mahal kita. Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng dumalo, hindi magiging kumpleto ang gabi kung wala kayo. Dahil riyan ay nakaisip ako ng isang magandang palaro, pero napakaganda ng premyong rito. Isang date kasama si RM. O, tatay na ang pumapayag ha? galingan ninyo.”Wika ni Ruben at sumenyas na sa mga guard na ilabas ang mga gagamitin para sa palaro. Pero hindi pala gamit ang mga iyon kundi hayop, mga maliliit na buwaya. Natawa na lang sa ideya ng ama si Ruby Mae, gusto ba talaga nitong may makipag date sa kanya? “Simple lang, katuwaan lang. Ang unang makatawid sa kabilang side ng pool, may date kasama si RM bukas na bukas rin.” pagpapatuloy ni Ruben. Katatapos niya lang magsalita nang biglang may narinig silang malakas na splash sa tubig. Isang binata ang naroon! Kay bilis nitong lumangoy, at iniwasan ang maliliit at gutum na gutom na mga buwaya. Pagkaahon ng makisig na binata ay may mga galos ito, pero kahanga hanga pa rin ang katapangan, ganito ang gustong manugang ni Ruben. “Hijo, pinahanga mo ako. Gustong gusto mo talaga ang anak ko ano?” Nakangiting wika ni Ruben, nanlilisik naman ang mata na sumagot ang binata, inuubo ubo pa. “Gusto ko nga ho. Pero mas gusto kong malaman kung sino ang nagtulak sa akin.” Hindi man ginusto ng binata ang pagtalon sa pool ay tila naging destiny naman dahil matapos ang unang date nito kay RM ay hindi na napaghiwalay ang dalawa. Ngayon ay may tatlo nang apo si Ruben sa mga ito, ang manugang niya ay bumili ng isang lupa para pagtayuan ng crocodile farm. Ano ang reaksyon mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming update, i-like lamang ang aming Facebook page.