Aburido ang Lalaki sa Pag-aalaga sa Ulyaning Kapatid na Laging Tumatakas Para Magtulak ng Kariton, Pero Nawasak ang Puso Niya Nang Magsalita ang Matanda Tungkol sa Nakaraan
Aburido ang 63 anyos na si Dario isang umaga dahil nawawala nanaman ang kuya niyang ulyanin. Sa kanila na kasi tumitigil ito matapos sukuan ng isa pa nilang kapatid dahil lagi nga raw tumatakas ang 89 anyos na matanda. Panigurado niyang dala dala nanaman nito ang kariton nitong punung puno ng walang kwentang bagay, nagagalit ang matanda kapag pinakikialaman nila ang kariton na iyon kaya pinababayaan niya na lang ito. Ang ayaw niya lang ay iyong kailangan pa itong hanapin dahil hindi naman makauwing mag isa. “Denden! Hanapin mo nga ang lolo Dencio mo diyan sa kabilang barangay! Bwisit na matanda yun, kaaga aga ay namemerwisyo eh.” utos niya sa apo. Nakatira sila sa isa sa pinakamahihirap na lugar sa Maynila. Dikit dikit ang mga bahay, ang mga batang maliliit ay hubad barong naglalaro sa lansangan. “Sige po.” sagot naman ng bata at tumakbo na para hanapin ang matanda. Habang nagkakape ay nakatanaw si Dario sa labas ng bahay, kay hirap talaga ng kanilang buhay. Namatay na ang kanyang asawa isang taon na ang nakakalipas, ang tatlong anak niya ay may asawa na lahat at sama sama silang nakatira sa barung barong na ito kasama ang asawa at mga anak ng kanyang mga kapatid. Dumagdag pa sa pakakainin ang kanyang kuya, ang pinakanakakainis pa rito, hindi na nga nakakatulong ay alagain pa. Wala naman silang choice dahil wala itong asawa at mga anak na mag aalaga. Matapos ang ilang sandali ay bumalik na ang apong inutusan kasama ang matanda na galit na galit dahil tinutulak ng bata ang kariton. “Sabi wag pakialam eh! Wag pakialam mo yang benta ko eh!” sigaw ng matanda na ang tinutukoy ay ang kariton. “Lo mainit kasi kapag hindi ko kayo tinulungang magtulak matatagalan tayo tapos mahihilo na kayo sa init.” sagot naman ng apo. “Doon ka! Doon ka nga Dario! Wag mo pakialam ito!” sigaw ulit ng matanda, na tinawag ang apo sa pangalan niya. Natawa ng bahagya si Dario, nag uulyanin na talaga ang kuya niya dahil akala nito ay siya si Denden. Lumapit na siya para awatin ang dalawa, kinausap niya rin ang matanda. “Kuya, itatabi lang yan.Hindi namin gagalawin, tatago lang yang benta mo.” sabi niya na tinawag na benta ang kariton para magkaintindihan sila ng matanda. “Takpan nyo, lagyan yelo, masisira ang mga isda.” utos nito sa kanya. Natawa naman si Dario dahil wala namang isda ang kariton, puno iyon ng basahan at mga basura. Nag uulyanin na talaga, akala niya ay nagtitinda parin siya ng isda tulad dati, sa isip isip niya. Pero natahimik siya nang muling magsalita ang matanda, at nadurog ang kanyang puso. “Gising ako maaga para ilako yan. Wala kakainin mga kapatid ko eh, mahal ko mga kapatid ko. Pag ako nakabenta bibili ko ng ulam namin, maliliit pa kasi sila. Wala na kami magulang, ako kuya. Kuya ang aalaga sa kanila.” bubulong bulong ito. Napaluha si Dario, kahit nag uulyanin ay sila pa rin pala ang iniisip ng matanda. Tumanim pala sa isip nito na kailangan pa ring maglako ng isda para sa maliliit na kapatid. Niyakap niya ang matanda at simula noon, kahit mahirap ang buhay ay tyinagaan nilang alagaan ito at itrato ng maayos, bilang ganti sa lahat ng sakripisyo nito sa kanila. sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.