Inday TrendingInday Trending
Pinagtatawanan ng mga Katrabaho ang Pagtulong ng Guro na Ito sa Isang Pulubi, Hindi Nila Inaasahang ang Pulubi ang may Kakayahang Baguhin ang Kapalaran Nila

Pinagtatawanan ng mga Katrabaho ang Pagtulong ng Guro na Ito sa Isang Pulubi, Hindi Nila Inaasahang ang Pulubi ang may Kakayahang Baguhin ang Kapalaran Nila

Si Bea, isang teacher sa paaralang elementarya sa kanyang baryo. Mabait siya, hindi lamang sa mga kaibigan, kamag-anak, at estudyante, kundi pati na rin sa mga taong kakikilala niya pa lang o sa mga di niya kilala. Karamihan sa mga kakilala niya ay tinatawag siyang anghel dahil sa sobrang kabaitan. Mayroon namang tinatawag siyang sumobra daw sa bait at tila uto-uto na sa paningin ng iba. Hindi pinapansin iyon ni Bea, sa halip ay patuloy lang siya sa pagtulong sa kapwa. Para sa kanya ay maiksi lang ang buhay ng tao. Kaya’t hangga’t maaari ay puro kabutihan lang ang ginagawa niya sa kapwa. Isang araw habang papasok siya sa eskwelang pinapasukan niya ay may napansin siyang tila kakaiba sa gilid ng kalsada. Mariin niyang tinitigan ito at ganun nalang ang pagkagulat niya nang mapagtantong tao itong nakahandusay sa kalsada. Agad siyang tumakbo upang lapitan ito. Nakita niya ang isang lalaking hinihingal at tila mawawalan na ng malay. Marungis ang katawan at pananamit. Tila isa itong pulubi “Kuya, anong nangyari sa inyo? Okay lang po ba kayo?” Tinignan siya ng matanda ngunit hindi pa rin makasagot dahil tila nahihirapan talaga ito. Marahil ay dahil sa tindi ng sikat ng araw kaya nahilo ito. Agad niyang inilabas ang payong at sinilungan ang matanda mula sa matinding sikat ng araw. Pagkatapos ay pinainom niya ito ng tubig at pinaypayan. Matapos ang ilang minuto ay naging okay naman ang matanda at nagpasalamat kay Bea. Samantala, hindi alam ng dalaga na pinagmamasdan at pinag-uusapan na pala siya ng mga kapwa-guro dahil sa ginawang pagtulong sa matanda. Dahil doon kasi’y late na naman siya sa klase niya. “Ano ba naman ‘yan, Bea. Sumobra naman ‘yang kabaitan mo. Pati ba naman pulubi, pinagtutuunan mo ng pansin?” inis na turan sa kanya ng ni Charlene, kapwa-guro na nag-sub sa kanya habang wala pa siya sa klase kanina. “Sorry,” hinging-paumanhin niya dito. “Thank you din.” Ngunit isang irap ang tinugon nito sa kanya, “Masyado kang uto-uto. Hindi ka nalang mag-focus sa teacher’s promotion. Paniguradong hindi ka mapipili n’yan panay late ka na kakatulong mo!” Hindi na pinansin pa ni Bea ang kasamahan, sa halip ay nagpatuloy nalang siya sa pagtuturo. Sanay na siya sa mga ganoong senaryo, marami sa mga kapwa niya guro ang naiinis dahil sobrang bait niya raw at ang iba’y hindi na naniniwala na sinsero niyang ginagawa ang mga iyon. Hindi na mahalaga para kay Bea kung ano ang sabihin ng iba, ang mahalaga’y maipagpatuloy niya ang pagtulong sa kapwa dahil doon siya masaya. Hindi naman niya inaasahan na isa siya sa mga teacher na mapapabilang sa promotion. Mas gusto niya ang simpleng trabaho at simpleng buhay. Kinabukasan ay inaalala pa rin ni Bea ang matandang lalaki na tinulungan niya kahapon, “Kamusta na kaya yung lalaki? Maayos na kaya ang lagay niya?” “Hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin yung pulubing ‘yun? Bakit di mo isipin yung promotion day? Ngayon na ang announcement nun ah!” “Good morning, Charlene,” sa halip ay bati niya dito. Muli ay inirapan lang siya nito. Nangiti lang siya sa reaksyon ng guro. Kahit masungit ito ay alam niyang iniisip lang nito ang kapakanan at makabubuti sa kanya. “Good morning teachers, mabilisang announcement lamang po ito mula sa director ng ating school,” anunsyo ng principal ng eskwelahan. Kinabahan ang lahat ng guro, ito ang unang beses na makikita nila ang direktor ng school. Lumabas ang may kaedaran nang lalaki. Napasinghap ang grupo ng mga guro sa pwesto nina Bea. Nakilala nila ang lalaki. Hindi rin makapaniwala si Bea sa nakikita. “Ngayong taon, isang guro lamang ang napili kong makakakamit ng promotion. Dahil sa kanyang tunay na kabutihan, na siyang dapat na pamarisan ng lahat ng guro, ay ginagantimpalaan ko siya ng karapat-dapat na promotion, Miss Beatriz Reyes!” Napaluha si Bea, hindi niya akalaing ang lalaking tinulungan niya kahapon ay ang direktor ng kanilang eskwelahan. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement