Nagsungit ang Dalawang Estudyante nang Pinagsabihan Sila ng Babaeng Ito na Wag Magsayang ng Pagkain, May Mas Malalim Pala Itong Dahilan
Matalino si Chen, kahit kapos at ang tanging pinagkukunan ng panggastos ay ang konting perang padala ng tita niya, nagagawa niya iyong pagkasyahin sa isang buwan. Isa rin kasi siyang working student, pagkatapos ng klase o kaya naman pag may bakanteng oras ay isa siyang student assistant, binabayaran siya ng eskwelahan para tumulong sa library o school registrar, minsan naman ay naglilinis rin siya ng mga classroom. Kapalit niyon ay libre na ang kanyang tuition fee at 2000 pesos na allowance. Buhay pa ang papa niya kaya lang wala naman itong trabaho at tila walang pakialam sa kanya. Kinakaya ni Chen ang lahat dahil alam niya, ito ang gusto nang mama niya. Pumanaw ito isang taon na ang nakalilipas, at gusto ni Chen na ituloy ang pangarap nito sa kanya, ang makapagtapos siya ng pag aaral. Noong buhay ang mama niya ay kapos na rin sila sa buhay pero mas magaan, dahil magkatuwang silang dalawa. Samantalang ngayon at tila pasan ng dalaga ang daigdig. Isang hapon, naglilinis ng classroom si Chen nang may napansin siyang dalawang estudyanteng nagtatawanan sa tabi ng basurahan. “Ayan kasi! Nagpapasikat di naman pala kayang ubusin,” sabi ng isa. “Puno na ang tyan ko eh, sabi mo kasi hati tayo. Hayaan na tapon mo nalang.” sagot naman ng isa na akmang itatapon ang pancit luglug na naka-plastic. “Miss, sayang naman ang pagkain.” sabi ni Chen sa mga ito, tinignan siya ng dalawa mula ulo hanggang paa. Alam na ng dalaga ang iniisip ng mga ito, isang S.A (Student Assistant), mababa ang tingin ng iba sa mga S.A dahil parang katulong raw. Katwiran ng mga estudyante, sila ang nagpapasahod sa mga S.A sa pamamagitan ng tuition na ibinabayad nila kaya dapat lang igalang sila ng mga ito at may karapatan silang utus utusan ang mga ito. “Ay miss, kausap ka?” pambabastos ng isa sa kanya. “Sayang lang naman kasi talaga, sana ipamigay nyo na lang sa mga gutom.” kalmado niyang sabi sa mga ito. “O di sayo na lang. Hihingi ka lang pala ang dami mo pang hanash dyan. Di ka ba pinapakain ng mama mo? Sabagay baka hindi ka nga mahal kasi pinayagan kang mag S.A, Hahaha!” nang aasar na sagot naman ng isa. Napahiya naman ang dalawa sa sinagot ni Chen. “S.A ako kasi wala na ang mama ko, nagtitinda kami dati ng mga ulam pero dahil sa panghihinayang na makatinda pa ng marami ay patikim tikim lang ang mama ko at nalilipasan ng gutom, nagkaroon siya ng colon cancer. Tiniis niya ang gutom para sa akin, kung sana sa mama ko na lang yang pancit na itatapon niyo. Wag nyong sayangin.” Iyon lang at umalis na ang lumuluhang dalaga. Ano ang napulot mong aral sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.