Sinwerte na Makatagpo ng Gwapong Mapapangasawa ang Babaeng Ito Matapos Niyang Tulungan ang Isang Matanda na Mare-remata na ang Bahay
Simula nang mabiyuda si Lola Mercy dalawang taon na ang nakakaraan ay mga anak na sa abroad na ang tumutulong sa kanya. Sa edad niya kasing 78 ay hindi na niya kaya pang magtrabaho. Nitong mga nakaraang buwan lang ay medyo minalas dahil nagkasakit ang kanyang anak at di nagagawang magpadala.
Bale ba ay malaki pa ang utang nila sa bangko at bahay nila ang collateral, iyon ay dalawang taon na ang nakalilipas. Ginamit nila ang pera pampagamot sa kanyang asawa. Hanggang ngayon ay di pa rin sila tapos magbayad sa utang.
Dali-daling nagbihis si Aling Mercy, sumakay sa tricycle at nagtungo sa bangko. Naka-receive na kasi siya ng notice na kailangan nang kunin ng bangko ang bahay niya kung hindi pa rin siya makakabayad ngayong buwan.
Wala siyang choice, kung kinakailangang magmakaawa upang makahingi ng extension sa ikaapat na beses ay gagawin niya. Sana tumalab pa, mabait naman ang staff na naka-assign sa kanyang utang.
Pagpasok niya sa bangko ay agad siyang kumuha ng number, bagamat mangilan ngilan lamang ang tao sa araw na iyon. Agad niyang natanaw si Clara, ito ang nag aasikaso ng mga papeles, nasa likod ng information clerk ang table nito. Maya-maya pa ay siya na ang tinawag.
“Goodmorning lola,” magiliw na sabi nito sa kanya.
“Goodmorning ma’am. Regarding po ito sa utang ko,” sabi niya, kilala na siya ng babae dahil dito siya palaging nagbabayad.
“Ay opo, kaya lang dahil ilang buwan na po kayong delayed ay may kalakihan na ang interes, magbabayad na po sila?” sabi nito habang nagta-type sa computer at chinecheck ang record niya.
“Iyon na nga ma’am eh. Katatawag lang ng anak ko mula Australia, sa isang buwan pa raw siya makakapagpadala dahil malaki ang ginastos niya sa gamutan..” halos pabulong na sabi ng matanda.
Napasulyap naman si Clara, may awa at pag aalala sa mukha nito.
“Lola, wala ho ba kayo kahit magkano? Kasi po.. may rule po na, kung hindi makakabayad ay kukunin po ng bank ang titulo ng bahay ninyo, iyon po kasi ang collateral na nakalagay rito,” paliwanag nito sa kanya.
Saglit na nakaramdam ng kaba si Lola Mercy. Sa sobrang desperada niya noon na magkapera para sa mister, kung ano ang maaring ibenta ay ibinenta na nila. Natatakot siya ngayon na mawala sa kanila ang bahay na pinaghirapang maipatayo ng asawa.
“C-clara, wala kasi talaga eh. Kung mayroon lang, maniwala ka ibibigay ko sa iyo. Pero ni singkong duling ay wala ako, saksi ka naman noon na hindi ako pumapalya sa pagbabayad.” pakiusap niya, halos hawakan na ang kamay nito.
Nag-isip ang dalaga saka muling nagsalita, “Wala kasi ang branch manager namin ngayon kaya hindi po ako makapagdesisyon sa ganyang bagay.” naaawang sabi nito sa kanya.
“A-anak..parang awa mo na. Ang bahay na iyon na lang ang natitirang alaala ng asawa ko sa akin. Doon namin pinalaki ang aming mga anak, ipinundar namin yon. Parang awa mo na..” sabi ni Lola Mercy, naiiyak na.
“Titignan ko po kung ano’ng magagawa ko lola..”sabi ng babae at umalis sandali, pumasok ito sa loob ng isang kwartong may karatulang ‘STAFF ONLY.’
Nagdasal naman ng tahimik so Lola Mercy. Nagsasabi naman kasi siya ng totoo, magbabayad na talaga siya sa susunod na buwan. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang bumalik ang dalaga.
Naghihintay siya ng sagot nito, bumuntong hininga si Clara at nagsalita, “Sige po lola, okay na po next month.”
Halos mapatalon sa tuwa ang matanda, buti na lang mabait ang dalaga!
Mabilis lumipas ang isang buwan, masayang-masaya si Lola Mercy dahil nakapagpadala na ang kanyang anak, higit pa roon, magaling na ito sa sakit. Maaga siyang gumising, araw ng Lunes at pupunta agad siya sa bangko upang tuparin ang pangako niya sa bangko na babayaran ang ilang buwang hulog sa utang.
Pagpunta niya roon, agad niyang hinanap si Clara. Tiyak niyang matutuwa ito dahil tumupad siya sa usapan. Medyo nagtaka siya dahil ibang mukha na ang nakaupo sa table nito.
Nalaman niya mula sa babae na wala na raw doon si Clara, noong isang buwan pa at ito raw ang pumalit sa posisyon nito.
Nanghinayang si Lola Mercy, sayang naman. Ni hindi siya nakapagpasalamat sa mabait na dalaga.Palabas na siya sa bangko nang magkwento ang security guard.
“Kawawa nga lola yung staff dyan eh, yung lagi mong kinakausap?” sabi nito sa kanya.
“Bakit naman kawawa hijo? Hindi ba siya ang nagresign?” tanong niya rito.
“Hindi ah, pinagalitan iyon ng manager dahil nagdedesisyon daw ng sarili, sinigaw-sigawan dyan maraming nakaharap. Alam ko na-sisante dahil binigyan ng palugit iyong isang nagungutang eh dapat i-ilitin na ang bahay,” napapailing pang kwento nito.
Tulalang naglakad si Lola Mercy, dahil sa kanya ay nawalan ng trabaho ang dalaga. Tila naman itinadhanang makasalubong niya ito.
“Clara!” agad na tawag niya.
“Lola! Kumusta? Nakabayad na po kayo? Naku, baka tuluyang kunin na ng bangko ang bahay ninyo,” medyo nag-aalalang sabi ng dalaga sa kanya.
“Bayad na ako hija. Diba sabi ko naman sayo, magpapadala ang anak ko. Pasensya ka na ha? Dahil sa akin ay nawalan ka pa ng trabaho,” sabi niya rito.
“Naku, parang blessing in disguise nga po eh.Hindi rin ako bagay sa ganoong posisyon, masyadong malambot ang puso ko.”
Napangiti naman si Lola Mercy. Dahil malaki ang utang na loob niya kay Clara ay pinakiusapan niya ang anak sa Australia na tulungan itong makahanap ng trabaho.
Swerte namang naghahanap pa ng isang office staff sa trabaho nito kaya ipinasok nito doon ang dalaga. Binata pa rin ang anak ni Lola Mercy at na-love at first sight ito sa dalaga, ganoon din naman ang huli. Akalain mo nga naman ano? Dahil sa simpleng bukal sa pusong pagtulong niya nakatagpo si Clara ng lalaking iibiin habang buhay, bonus pa’t nagkaroon siya ng magandang buhay sa Australia.
Masayang ibinaba ni Lola Mercy ang videocall niya sa dalawa na pagkalipas ng tatlong taon ay nagpakasal rin sa Australia. Alam ng matanda na magiging masaya ang buhay ng kanyang anak kay Clara, dahil mabuti ang puso ng kanyang manugang.
Akalain mo nga naman ano? Dahil sa simpleng bukal sa pusong pagtulong ay nakatagpo si Clara ng lalaking iibigin habang buhay, bonus pa’t nagkaroon siya ng magandang buhay sa Australia.
Tunay nga namang napakalaki ng biyayang babalik kung lagi tayong handang magsakripisyo para sa kapwa natin. Maliit man o malaki.
sa ibaba.Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.