Chini-chismis ng Kasambahay ang Kaniyang mga Amo; Nang Umalis sa Puder ng mga Ito’y Isang Malaking Bangungot ang Naging Karanasan Nito sa Kamay ng Malulupit na Amo
Dahil sa hirap ng buhay ay napilitang lumuwas ang 20 anyos na dalagang si Marjorie sa Maynila upang mamasukang kasambahay. Dahil maraming kakilala ang kaniyang tiyahing si Aling Nita na namamasukan namang mayordoma ay ipinasok siya nito sa kapatid ng amo nito.
Mabait ang pamilya Chiong, sadyang natural lamang sa isang pamilya ang magkaroon minsan ng away o di pagkakaunawaan. Wala naman kasi talagang perpektong pamilya.
Dalawang taon na rin ang nakalipas at medyo sawa na si Marjorie sa araw-araw na gawain nito sa bahay ng kaniyang mga among si Rose at Jonathan Chiong. Dahil sa pagod ay ibinubuhos na lamang nito ang libreng oras sa pakikipag-tsismisan.
“Walang ginawa yong mga amo ko kung hindi magsugal tuwing Sabado’t Linggo. Ewan ko na lang kapag naubos ang yaman ng mga yan kakasugal.” Lingid sa kaalaman ni Marjorie, nagpupunta man sa casino ang mag-asawa’y dahil lamang ito sa kanilang mga kliyente sa construction firm. Importanteng kunin din nila ang loob at tiwala ng mga ito.
“Yong panganay na anak, inuuwi kada Linggo ang syota, ang panget panget naman ng nobya! Nakakulong lang sila sa kuwarto maghapon at magdamag. Kay guwapong bata eh mahilig sa pangit! Ang lakas pang uminom ng batang iyon, mana sa ama. Pero pakiramdam ko type ako nyang si Albert. Di hamak naman na mas maganda ako sa syota nya no!” Tunay namang hindi kagandahan ang kasitahan ng panganay na anak ng mag-asawa ngunit mabait ito kay Marjorie at galante pa. Naroong kapag nagdadala ito ng pasalubong sa mga magulang at kapatid ng nobyo ay dinadamay na rin siya nito at hindi kinakalimutang bilhan ng pagkain o damit. Si Albert naman ay likas na maginoo at mabait na bata. Dahil sa pagiging maginoo nito’y iniisip na ni Marjorie na may gusto ang binata sa kaniya.
“Si Stephanie, naturingang babae. Diyos ko po, napakababoy! Ang panty, napakabaho’t nanggigitata. Kung gaano kakinis ay siyang asim naman ng kilikili.” Ang dalagitang si Stephanie ay 18 anyos pa lamang. Imbes na ito’y turuan ni Marjorie ng proper hygiene ay pinagkakalat pa nito ang mga bagay na normal namang pinagdadaanan ng mga kabataan.
“At itong bunso nilang si Drew, maysakit yata sa utak. Nakakairita na ang kakulitan. Dapat mapa-check up yan. Parang di na normal mga pinaggagagawa ng batang yan!” Wala namang batang hindi makulit, lalo na sa edad ng bunsong si Drew na 7 ay nasa tuktok ito ng kalikutan at kakulitan.
Inis na inis ang mayordoma ng kanilang kapitbahay na si Inday sapagkat alam nitong mabubuting tao naman ang amo ni Marjorie kaya’t nagpasya itong magsumbong sa amo. Kinausap naman ng kaniyang amo si Mr. and Mrs. Chiong.
Nang malaman nito ang mga ginagawa ni Marjorie ay agad na kinausap ang dalaga. Nais pa sana nilang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang dalaga ngunit nagmalaki pa ito. Ika nito, kahit malaki silang magpasuweldo ay nakakapagod naman ang trabaho kaya’t aalis na lamang siya.
Namahinga muna si Marjorie ng dalawang buwan sa kanilang probinsya at namasukang muli sa kaibigan ng amo ng kaniyang kasintahang si Ronald.
Unang araw pa lamang niya sa among banyaga ay hindi na niya gusto ang aura ng mga ito. Tila matapobre at walang pakisama sa kaniya. Katulong lamang talaga ang tingin ng mga ito sa kaniya.
Ilang linggo ang lumipas, ilang beses siyang nasigawan at pinahiya sa harap ng mga bisita ng mga ito. “Look at the monkey, she’s washing the dishes!” Panunukso sa kaniya ni Spence ang bunsong anak ng amo. Minsan ay tinatawag din siya nitong stupid, ugly at moron. Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang namura ng among babae. May pagkakataon pang nasampal siya nito dahil nabasag niya ang mamahaling flowervase ng mga ito. Hindi niya makakalimutan nang pagbintangan siya ng mga ito na nagnakaw ng kanilang wedding ring. Dinala siya ng among babae sa banyo at doon hinubaran. Hiyang hiya ang dalaga sa sarili sapagkat pinabuka pa nito ang maselang parte ng katawan upang masigurong hindi niya ito itinago doon. Ilang araw ang lumipas, naiwan lamang pala ng mga ito ang wedding ring sa isang resort kung saan sila nagbakasyon. Wala man lamang siyang natanggap na “sorry” galing sa mga ito.
Ibinawas din sa kaniyang suweldo ang flowervase na nabasag kaya’t umabot ang apat na buwan ay walang sinuweldo si Marjorie maski singkong duling.
Umiiyak na tumawag siya sa kaniyang kaibigang si Aling Inday at nagpapatulong na bumalik sa bahay nila Mrs. Chiong. Sa kasamaang palad ay may nahanap na daw na bagong kapalit ang mga ito.
Gabi-gabi ay umiiyak si Marjorie. Sa halo walong buwan niya sa poder ng banyagang amo ay hindi pa siya nakakapag day off. Samantalang tatlo hanggang apat na beses ang kaniyang day off noong siya’y namamasukan pa kela Mrs. Chiong.
Hindi ito makatulog sa hinagpis ng damdamin kaya’t naisipan niyang tawagan ang panganay na anak ng dating among si Albert.
Bilang likas na maalalahanin at mabuting bata, nangako naman si Albert na kakausapin ang mga magulang upang makabalik na ito sa kanilang poder.
Dumating ang araw na katatakutan ng husto ni Marjorie, nasira niya ang automatic washing machine habang naglalaba. Hindi kasi napansin ng pobreng dalaga na may laman pa palang barya ang isa sa mga bulsa ng damit na nalabhan.
Sa sobrang gigil ng banyagang amo ay hinataw nito si Marjorie ng payong sa likod, pagkatapos ay inuntog sa pader. Dumurugo ang ulo nito at umiiyak na nakalupasay sa sahig.
Tinatawagan niya ang mga magulang ngunit tila walang signal ang mga ito. Naalala niya na panahon nga pala ng bagyuhan sa kanilang probinsya. Malamang ay wala na namang kuryente doon. Hindi naman sinasagot ng mga kaibigan ang tawag sapagkat iniiisip ng mga ito na siya’y nagpapanggap lamang na inaapi at gumagawa na naman ng tsismis.
Ginamot niya ang sugat sa ulo habang umiiyak sa kirot ng bawat pagpahid niya ng bulak na may gamot dito. Awang awa siya sa kaniyang sarili dahil sa sinapit. Gayunpaman, lubos ang pagkahiya niya sa dating mga amo sapagkat kahit napakabuti ng mga ito’y sinisiraan niya ang mga ito.
Maya-maya’s nag-ring ang kaniyang telepono. Tinawagan na siya ni Mrs. Chiong. Ika nito “Marjorie, anong nangyari sa yo? Kawawa ka naman. Ano ang address diyan? Pupuntahan ka namin. May kasama kaming mga pulis.”
Lalong nahiya sa sarili ang dalaga. Sadyang napakabuti ng puso ng pamilyang Chiong.
Nang dumating sila Mrs. Chiong sa bahay ng banyagang amo ay habag na habag ito sa itsura ng dalaga. Noong una’y ayaw pa silang papasukin ng banyaga ngunit natakot ito sa mga pulis.
Sinampahan ng kaso ni Marjorie ang mga amo ngunit pinili niyang patawarin ang mga ito matapos humingi ng tawad at ibigay ang kaniyang buong suweldo.
“Ma’am. Napakabuti niyo po sa akin. Patawarin niyo po ako sa lahat ng kasamaang ginawa ko sa inyo. Babawi po ako. Promise.” Wika ng pobreng dalaga.
“Marjorie, ang hinihintay lamang naman namin ay ang paghingi mo ng tawad at ang pagpapakumbaba mo. Marami pang pagkakataon upang maituwid mo ang mga pagkakamali mo. Sa ngayon ay magpagaling ka muna sa bahay.” Saad ni Mr. Chiong.
Nang makarecover ang dalaga’y talaga namang bumawi ito ng husto sa mga ito. Ang dating chismosang si Marjorie ay nagkaroon na ng tunay na malasakit sa pamilya ng kaniyang mga amo.
Nakagawa na rin ba kayo ng mali sa kapwa kahit naging mabuti naman sila sa inyo? Kung sa iyo ito nangyari, ano ang gagawin mo sa iyong kasambahay? Tama ba ang desisyon ng mga amo ni Marjorie na bigyan siya ng ikalawang pagkakataon? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.