Hinoldap ang Babaeng Ito Ngunit Imbes na Mamutla sa Nerbiyos ay Namula Ito sa Kilig
“Holdap to! Walang kikilos!” Sigaw ng balbasing lalakeng tila nasa edad na 23. Tumayo ang tatlo pang lalake na tila nasa ganoon ding edad, ang isa ay may hawak na bukas na bag habang ang dalawa ay may kung anong hawak na nakabalot sa supot. May kahabaan ito, maaaring baril o kutsilyo ang laman.
Si Aiza na isang call center agent ay isa sa pitong nakasakay sa jeep. Abot-abot ang nerbiyos niya. Kakabigay lamang sa kaniya ng iPhone XS Max ng kaniyang ateng nasa Italy. Naka upo siya sa gilid ng estribo at napansin niyang ang holdaper na katabi ay panay ang sulyap sa kanya. “Hala, ang guwapo naman nito para maging holdaper lang, sayang!” Saloobin ng dalaga. Napuna din niya na parang may halong malasakit ang tingin nito sa kanya. Tila nawala ang nerbiyos sa kanyang dibdib nang magtama ang mga mata niya at ng guwapong holdaper na ito. Napalitan na iyon ng kilig. “Nakupo baka ma in love ako dito”. Natatawa tawang mutawi ni Aida.
Maya-maya pa, ang holdaper na may hawak ng bag ay sinimulan na ang pag ikot sa mga pasahero at nag deklara “Ilagay ninyo ang inyong mga cellphone dito sa bag pati na ang inyong mga pera. Kilos! Bilis!”
“Habulin kaya nila ako kung makalundag ako sabay takbo? O barilin kaya nila ako?” Ito ang naglalaro sa isip ni Aiza nang makaramdam siya ng mabilis na kalabit sa kanyang braso.
Tila kinukuha ng guwapong holdaper ang kaniyang atensyon, sinesenyasan siya nitong bumaba na ng sinasakyang jeep. Lalong lumakas ang loob ni Aiza at sinabayan ng maliksing lundag pababa ng jeep. Pag sayad ng paa, mabilis itong tumakbo palayo. Runner si Aiza noong High School pero di siya pinasali ng ina sa National Competition.
Imbes na magpablotter o magreport sa pulis ay dumiretso si Aiza sa kanilang bahay at excited na ibinida sa mga kapatid ang nakakatawa niyang karanasan. “Type ka ng holdaper.” ”Baka biglang bumisita yan dito sa bahay at magpakilala kay nanay at tatay.” “Okay din naman sabi mo puro pogi sila baka may masteral pa yan, mukha palang mga rich. Baka trip trip lang” “Puwede!!! Branded daw ang mga shirts” Hindi na halos makahinga ang magkakapatid kakatawa.
Kinagabihan, nang papasok na ng opisina si Aiza ay biglang dumaan ang isang jeep, sakto at biyaheng Cubao ito, agad niya itong pinara. Hindi siya hinintuan ng jeep kaya’t inis na inis ang dalaga. “Huwag ka nang sumimangot. Lalo kang gumaganda. Baka lalo akong mabaliw sa yo.” Ito ang guwapong holdaper! “Sorry, Miss. Alam ko natakot ka sa kin pero pwede ba tayong mag-usap sandali? Explain ko lang yung nangyari. Di talaga ko holdaper…”
Hindi alam ni Aiza ang gagawin, sa tuwing nakikita niya ang lalakeng ito’y naglalakbay ang kaniyang diwa’t tila nasa ulap siya. Para siyang nalalasing sa bango ng gamit nitong perfume. Sakto namang may dumaang taxi, sa katulirohan ay pinara niya ito agad at sumakay.
Habang nasa trabaho’y walang nagawang maayos si Aiza. Ang isip niya’y nasa lalakeng iyon. “My God, ano ba ito. In love yata ako. Nakakatawa naman. Ako lang yata ang kauna-unahang babaeng maiinlab sa isang holdaper. Wala nga siyang nakuha sa akin pero…. Haay naku. Puso ko ata ang na holdap niya.”
Lutang na lutang pa rin si Aiza ng mag abang ng jeep pauwi ng kanilang bahay. Di niya napansin ang lalaking tumabi sa kanya. “Hi“ Lumukso ang puso ni Aiza ngunit di sa takot, ang ganda ng boses niya sa umaga! Kilig na kilig na naman ang dalaga.
Di pa nakasasagot si Aiza ng muli itong magsalita, “Marami akong dapat na ipaliwanag. Sana bigyan mo ako ng pagkakataon. Hindi naman ako masamang tao. Puede ba tayong kumain dito sa harap ng Manila Police Station upang di ka matakot?”
Paraang na hypnotize si Aiza at napuna na lang niyang naka upo na sila ng lalake sa isang karinderya. ”Name ko nga pala is Paulo Cortez. Fraternity initiation ang nangyari. Walang laman ang supot baril man o kutsilyo.. Dahil sa pagtulong ko sa iyo ay itiniwalag ako. Mabuti na rin iyon. Maling initiation, mabuti nga walang masamang nangyari.”
“Bakit mo ako tinulungan kung frat order yan.” Sa di malaman ang sasabihin ay iyan na lamang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Aiza.
“Hindi din ako aware sa ginawa kong pagtulong. Nakita ko na lang ang sarili ko na nag-aalala sa yo. Sa totoo lang, binalik din namin ang phones at pera nila at naipaliwanag ang lahat. Pero ewan ko, sobrang di ko kinaya nang makita kitang sobra ang takot at putla.” Pagtatapat ng lalaki.
”Para maging buo ang pagtatapat ko sa iyo, wala na akong itatago pa. Di lang awa ang naramdaman ko ng makita kita. Ewan kung maniniwala ka. Ngayon lang ako nakaramdan ng totoong attraction. Nong nakita kita, parang umangat ako sa lupa. Sa isang iglap naging anghel ako, nakatanaw sa isang Diyosa. Ito nga pala listahan ng mga bro ko sa Frat. Tumawag ka sa school ng ma confirm mo. Paniwalaan mo sana ako.”
Namumula pa sa sinabi ng binata ang dalaga nang magpakilala ito. “Aiza nga pala. Aiza Marie Guzon.” Hindi lang nito masabi na hindi siya natatakot nang naganap ang holdapan, bagkus ay kinikilig. Natatawa siya sa pag-iisip lamang dito. Kaya pala!
Pagdating na pagdating sa bahay ay ipinamalita ni Aiza sa mga kapatid ang naganap na pagtatapat. Hagalpakan sa kakatawa at lahat ay nakangiti’t kilig na kilig.
Hindi na nakatiis si Aiza. Kinagabihan pa lamang ay ipinagdarasal na niyang magpakitang muli sa kaniya si Paulo kinabukasan. Tila dininig naman ng Diyos ang panalangin nito. Sa oras na nagtagpo ang mga mata nila’y niyakap ni Aiza ang binata. “Noong tumalon ako sa jeep, sabi ko sa sarili ko… Bahala na… Basta, magtitiwala ako dito kay kuya dahil mukha naman siyang mabait… Unang kita ko pa lang sa yo, parang kakaiba yung naramdaman ko.. Agad-agad, wala nang kung ano-ano pa… Nakuha mo tiwala ko kahit sino ka pa… Kaya ito, susugal ako… Di ko sinasabing iniiisip kong masamang tao ka.. Di pa kita lubusang kilala pero sabi ng puso ko, mahal kita..” Pagtatapat ng dalaga.
Nang marinig ito ni Paulo ay tila nanalo ito sa Lotto. “Yes! Yes! Yes! Grabe, mas mababaliw ako kung hindi mo ako sasagutin kasi hindi na talaga ako nakakatulog kakaisip sa iyo e. Mahal na mahal kita!”
Makalipas ang ilang buwan, tila hindi nagkamali ng desisyon si Aiza. Mas lalo pa siyang inalagaan, pinotektahan at minahal ni Paulo. Pinakilala pa siya nito sa kaniyang mga magulang at kapatid. Hindi maiiwasan na minsa’y magkatampuhan ang dalawa ngunit agad naman nila itong pinag-uusapan.
Sa ika-pitong taon ng kanilang relasyon ay napagdesisyonan nilang magpakasal na, biniyayaan sila ng tatlong anak at doon mas lalong napatunayan ni Paulo ang pagiging mapagmahal at responsableng asawa at ama sa kanilang mga supling.
Naniniwala ka ba sa love at first sight? Ano ang masasabi mo sa kuwento? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.