“Alfred, hindi na lumabas ng kwarto ‘yang misis mo? Bakit hindi siya makihalubilo rito?” masungit na sabi ng Aling Nelia sa kanyang anak na si Alfred.
Halos mag-iisang buwan na kasi nang lumipat na sa kanila at doon na tumira ang nobyo ni Alfred na si Rose. Nabuntis kasi niya ito, kaya pinili na nilang magsama. Ngunit dahil magkasintahan pa lamang noon si Alfred at Rose, ikinagulat ng lubos ng kanilang magulang ang biglaang pagdadalang tao ni Rose. Nang mga panahon na iyon ay patungo na sanang ibang bansa si Alfred, kaso nang malaman niya na nagdadalang tao na ang kasintahan ay hindi na niya ito tinuloy.
Matapos malaman ay agad na nagpasya si Alfred na magsama na sila ni Rose. At habang pinapagawa pa ni Alfred ang bahay na kanilang lilipatan ay doon muna sila sa bahay ng biyenan nila titira, dahil may sarili naman na kwarto roon si Alfred.
Noong una ay hindi sumasang-ayon si Rose sa pasya ng kasintahan, ngunit naisip nito na walang naman silang matutuluyan sa kaniyang pamilya, lalo na at sampu ang kapatid ni Rose. Kaya sa huli ay napapayag na rin ito ni Alfred, at nagkasundo ang dalawa na hindi ito masyadong maglalalabas ng kwarto si Rose.
Sobrang nahihiya kasi si Rose sa pamilya ni Alfred. Pakiramdam kasi nito na kasalanan niya kung bakit nasayang ni Alfred ang pagkakataon na magtrabaho sa ibang bansa. Kaya mula nung tumira ito sa bahay ng biyenan ay nahihiya na itong lumabas ng kwarto. Hinahatiran na lamang ito ni Alfred ng pagkain, at pag magbabanyo na lamang ito lumalabas.
Noong unang linggo ay hinayaan lang ng nanay ni Alfred ang pagkukulong ng magkasintahan sa kanilang kwarto, ngunit habang lumilipas ang panahon ay hindi na niya ito nagugustuhan. Maging ang anak kasi nitong si Alfred ay hindi na nakiki-halubilo sa kaniya at sa kanilang mga kamag-anak.
“Ano ‘nay, hindi na ba lalabas yang manugang mo sa kwarto nila ha?” inis na wika ng panganay na anak ni Aling Nelia.
“Aba! Napakasarap naman ng pamumuhay niya rito, kain at tulog na lang siya,” dagdag nito.
“Ano man lang kung lumabas at makipag-kwentuhan kahit man lang kay nanay, kung hirap na itong kumilos sa bahay. Hindi yung ganiyan na nagkukulong kayo sa kwarto. Naku kung patuloy kayong ganyan, ay bumukod na lamang kayo,” patuloy na sermon ng ate ni Alfred, na bumista lamang noon sa kanyang ina.
Naglalabas din kasi ng sama ng loob si Aling Nelia sa anak nito, dahil naiinis na ito sa ginagawa ng mag-asawa. Minsan ay iniisip niya na baka dahil sa kanya kaya hindi ito lumalabas, at baka masama siyang tao para katakutan ng manugang.
Lumipas ang ilang buwan at patuloy na naging ganoon ang sitwasyon sa bahay ni Aling Nelia. Hanggang sa nagkaroon ng sakit si Aling Nelia, at kinailangan na may magbabantay sa kanya palagi at mag-aalaga. Ngunit abala rin ang ibang mga anak ni Aling Nelia, kay si Alfred at ang manugang nito ang naatasan na maybantay sa kanya lalo na at sila ang nakatira kasama ni Aling Nelia.
Dahil nagta-trabaho si Alfred, at madalas ay gabi na umuuwi, ang asawa niyang si Karen ang naiwan upang bantayan at alagaan si Aling Nelia.
Noong una ay hindi masyadong nagkikibuan ang dalawa, dahil mula noong lumipat si karen sa kanila ay hindi pa sila nakakapag-usap. Nagsimula sa pahatid-hatid ng gamot at pagkain, hanggang sa nakikiramdam na ang dalawa sa isa’t isa at unti-unti nang nag-uusap
Minsan pag hapon, sa may sofa sa kwarto ni Aling Nelia na natutulog si Karen, upang mabantayan niya ito. May pagkakataon naman na pinapaki-usapan ni Aling Nelia ang manugang na doon matulog sa kaniyang kwarto pag gabi, lalo na pag masakit ang naradamdaman nito. Madalas kasi ay gumigising ito, na masakit na masakit ang pakiramdam.
Haband lumilipas ang araw at linggo, ay unti-unti nang naging magaan ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Hindi sukat akalain ni Aling Nelia na maalaga naman pala ang kanyang manugang.
“Aling Nelia…” wika ni Karen habang sila ay parehas na nasa loob ng kwarto.
Tahimik ang kwarto. Hindi sumagot si Aling Nelia. kaya muli itong inulit ni Karen.
“Aling Nelia…” ulit ni Karen.
“Oh, Bakit?” sagot ni Aling Nelia.
“Gusto ko po sanang humingi po ng tawad at paumanhin. Hindi po kasi naging maganda po ang ating simula. Mula po nung iuwi ako ni Alfred dito ay hindi ko pa po kayo nagagawang kausapin,” ani Karen.
“Nahihiya po kasi ako sa inyong lahat. Pakiramdam ko po kasi ay galit po kayo sa akin, lalo na po at naudlot ang planong pag-alis ni Alfred dahil sa amin ng batang dinadala ko,” wika pa nito.
“Sobrang nahihiya po talaga ako, at iyon ang dahilan ng pagkukulong ko sa kwarto. Hindi ko po kasi alam anong mukha po ang ihaharap ko po sa inyo Aling Nelia,” naiiyak na sabi nito.
“Alam ko po na sumama po ang loob niyo sa akin, lalo na po at hindi maganda ang ginawa kong pagbalewala po sa inyo bilang pamilya at nanay po ni Alfred. Sana po ay mapagpasensiyahan niyo po ako at mapatawad,” patuloy na sabi ni Karen.
Tahimik na nakinig si Aling Nelia sa sinabi ni Karen.
“Karen, anak? Hindi dapat ganoon ang nararamdaman mo. Mali na inisip mo agad na galit kami sayo o may sama kami ng loob,” sagot ni Aling Nelia.
“Alam mo ba, nang malaman namin na nabuntis ka ay natuwa kaming lahat at nasabik dahil iyan ang aming magiging unang apo! Syempre hindi maiiwasan ang magkaroon ng kaunting inis at pagkadismaya, dahil biglaan at hindi ito planado. Hindi ka pa nga napapakilala sa amin ni Alfred bilang nobyo, kaya nagulat na lang kmai nang mabalitaan na nakabuntis siya,” kwento ni Aling Nelia.
“Pero wala na ‘yon, lalo na nung nalaman namin na dito ka na sa amin titira. Sabik na sabik kaming lahat, hindi lang naman sukat akalain na hindi mo magagawang makihalubilo sa amin anak,” malungkot na sabi ni Aling Nelia.
“Patawarin niyo po ako Aling Nelia, naunahan po talaga ako ng takot at hiya. Inisip ko po agad na baka ayaw niyo po sa akin at sa batang dinadala ko,” naiiyak na sabi nito.
“Wala iyon, anak. Nanay Nelia na ang itawag mo sa akin, dahil Lola Nelia ang itatawag sa akin ng apo ko na ‘yan,” wika ni Aling Nelia na inaabot ang tiyan ni Karen.
“Sana po hindi pa huli ang lahat ‘nay para magsimula tayong muli,” wika ni Karen.
“Hindi pa anak, pwede pa tayong magsimula ulit. Sa katunayan nga ay nagsisimula na ulit tayo eh. Patawarin mo rin ako kung may nasabi akong hindi maganda tungkol sa’yo, pati na rin ang mga anak ko. Hayaan mo magpapalakas ako para pag lumabas na si baby ay tutulungan kitang mag-alaga sa kanya,” ani Aling Nelia.
“Salamat po ‘nay ha. Sa pagpapatawad at pagtanggap po sa akin, at sa baby ko po,” sabi ni Karen.
Patuloy na nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa mga sandaling hindi pa sila masyadong nagkikibuan. Unti-unti, mula sa mga kwento nila ay nakilala nila ang isa’t isa. Kung gaano ka-ulirang ina si Aling Nelia kila Alfred at sa mga kapatid nito, at kung gaano kasipag at kabait ang manugang nitong si Karen.
Sa paglipas ng mga araw, ay nagkaroon na ng lakas ng loob si Karen upang magpakilala at ilabas ang sarili mula sa kwartong ginawa niyang kulungan. Nagsilbing aral din ito sa kanya na ‘wag mauna lagi ang takot at mga hinuha, na hayaan natin tayo ay magkaroon na maayos na komunikasyon sa ibang tao, upang mas maintidihan natin ang isa’t isa.
Nagpatuloy ang magandang samahan ng mag-biyenan. At naging daan rin si Aling Nelia, upang makilala at mapalapit si karen sa kaniyang pamilya. Habang mas nagiging komportable si Karen, ay mas napapakita niya ang kanyang tunay na sarili, na masipag, maasikaso at maalaga. Unti-unti na rin gumaling si Aling Nelia, at mula noon ay mga mabubuting bagay na ang nakukwento ni Aling Nelia tungkol sa kanyang magulang.
Isang magandang simula at bungad sa paparating na biyaya, ang munting sanggol na nasa tiyan ni Karen, mas magpapaliyab ng pagmamahal sa pamilya ni Aling Nelia.