Inday TrendingInday Trending
Ikinabahala ng Nanay na Ito nang Malamang May Kinakausap na Imaginary Friend ang 4-anyos Niyang Anak, Mas Nanghina Siya nang Makilala Ito ng Lola ng Bata

Ikinabahala ng Nanay na Ito nang Malamang May Kinakausap na Imaginary Friend ang 4-anyos Niyang Anak, Mas Nanghina Siya nang Makilala Ito ng Lola ng Bata

Simula nang ipanganak ni Rachel si Janelle, na ngayo’y 4 na taong gulang na ay tumigil na siya sa trabaho. Mas pinili niyang maging housewife at tutukan ang pag aalaga sa bata, wala namang kaso iyon sa mister niya dahil isa itong engineer at maganda ang sahod. Bibo at madaldal ang batang si Janelle na ikinatutuwa ng lahat maliban kay Rachelle, minsan kasi ay nahuhuli niyang nagsasalitang mag isa ang bata. Tumatawa ito at tila may kalaro. (Photos are for illustration purposes only.) “Enda!” madalas nitong sabi sa hindi niya nakikitang kausap nito. Nawiwili na ito sa lutu lutuan mag isa, madalas ay kinakalaro niya ang anak para maiwasang kausapin nito ang ‘kalaro’. (Photos are for illustration purposes only.) Isang gabi, inanyayahan ni Rachel ang kanyang mga magulang na sa kanila na maghapunan, tutal ay miss na miss na rin ng lolo at lola si Janelle. Matapos ang hapunan ay nanood na ng TV ang mister at tatay ni Rachel. Naiwan siyang naghuhugas ng pinggan kasama ang kanyang ina at ang batang si Janelle, na naglalaro ng manika. (Photos are for illustration purposes only.) “Enda!” sabi na naman ng kanyang anak. Napalingon si Rachel sa kanyang ina, siguro ay dapat na siyang humingi ng advice dito dahil nababahala na siya sa imaginary friend ng anak. Ngunit bago pa siya magsalita ay nauna na ang kanyang ina. “Ang nanay talaga..” sabi nito habang umiiling iling ngunit may ngiti sa mga labi. “Ho?” nalilitong tanong niya nanaman sa matanda. “Ang lola mo talaga.. sabik sa bata. Palibhasa’y ganyang edad ka noong mawala siya.” sabi ulit nito habang may dinudukot sa bulsa. “Ano hong ibig mong sabihin ma? Ano’ng tungkol kay Lola Florenda?” naguguluhan na siya. Nilabas ng matanda ang wallet na kanina pa dnudukot nito. Mula roon ay may kinuha itong lumang litrato. “Janelle, apo halika saglit may ipapakita si yoya sa iyo.” masuyong tawag nito sa bata. Lumapit naman ang bata, iniharap ng kanyang ina ang litrato dito at bago pa sila makapagtanong ay nagsalita na ang bata, (Photos are for illustration purposes only.) “Enda! Enda!” turo nito sa babae sa larawan, tuwang tuwa at pumapalakpak pa si Janelle. “Nagpapakita rin siya sa iyo noong kaedad mo si Janelle, at ganyan din ang sinasabi mo, Enda. Siguro nakalimutan mo na lang.” paliwanag ng kanyang ina. Isa lang patunay ang kwentong ito na kahit sa kabilang buhay ay binabantayan tayo ng ating mga mahal sa buhay. Ano ang iyong reaksyon sa kwento ni Rachel? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement