Inday TrendingInday Trending
Ilang Beses Lumabas na Negatibo ang Pregnancy Test ni Misis Kung Kaya Napagdesisyunan ni Mister na Gawin ang Bagay na Ito

Ilang Beses Lumabas na Negatibo ang Pregnancy Test ni Misis Kung Kaya Napagdesisyunan ni Mister na Gawin ang Bagay na Ito

Matagal nang magkasintahan si Irina at Marvin bago pa man sila ikasal. Simula kolehiyo pa lamang ay magkasama na sila hanggang sa makahanap ng kani kaniyang trabaho. Gayunpaman, isang taon matapos ang kasal ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng supling. Siguro ay palagi kasing pagod at busy ang dalawa sa trabaho. Nakabili na sila ng sariling bahay at kotse, ika nga’y wala na silang mahihiling pa, isa nalang- at iyon ay ang magkaanak. May mga oras na pinanghihinaan na ng loob ang mag asawa, at kinakain sila ng matinding lungkot lalo na kapag delayed si Irina, pero pag nag pregnancy test ay negative naman ang lumalabas. “Ano ba’ng kulang? ano ba’ng kasalanan natin?” mangiyak ngiyak na sabi ng babae. “Hayaan mo na, baka hindi pa talaga para sa atin.” Bagamat malungkot rin ay itinago na lang iyon ni Marvin dahil alam niyang mas nasasaktan ang misis niya. Nagising si Irina kinabukasan at nakaalis na ang asawa papuntang trabaho. Sa tabi ng kama ay naroon ang 12 pirasong mapupulang rosas. At may note na nakaipit: Mamahalin kita hanggang malanta ang pinakahuling bulaklak dito. Nakangiting inamoy ang mga ito ng babae at pagkatapos ay nilagay sa isang vase. Makalipas ang ilang buwan, nakaramdam ng kakaiba si Irina. Palagi siyang inaantok at pagod, hindi niya na inisip na buntis siya dahil, ayaw niyang masaktan nanaman. Hindi na siya naghihintay, kapag dumating, salamat.Pero kapag hindi, hahayaan niya na lang. Siguro stressed lang ako sa trabaho, sa isip isip niya. Hanggang sa gabi ng anniversary nila ay suka siya nang suka,mabuti na lang at nakauwi na sila mula sa restaurant. Halos isinuka niya na lahat ng kinain sa dinner nila ng asawa. Hiniling ni Marvin na magpregnancy test siya, at para matapos na lang ang usapan ay sinunod na iyon ng babae. “Pustahan tayo hon, negative to. Nagsayang lang tayo ng pregnancy test.” Sabi ni Irina, ngunit sa loob loob niya, ay may munting pag asa na sana, sana ito na nga. Pero mas lamang ang takot na masaktang muli. Sabi sa pregnancy test, kailangang maghintay ng dalawa hanggang tatlong minuto bago ang resulta kaya lumabas muna ng banyo ang babae. Umupo siya sa kama at umiyak. “Hon…” hinagod ni Marvin ang likuran niya. “Pagod na ako ‘Vin. Nagsasawa na ako, wala akong kwenta. Anong klaseng asawa ako kung hindi kita mabigyan ng anak? Mahina ako. Kung magsawa ka sa akin iwan mo na lang ako, ayokong ikulong ka sa walang kwentang buhay na maibibigay ko sayo.” madamdaming wika niya sa asawa habang umiiyak, hindi niya alam pero nagiging emosyonal siya pagdating sa usaping anak. “Dyan ka lang.” sabi lang ng lalaki at tumayo, kinuha pala nito ang vase na kinalalagyan ng mga rosas na ibinigay nito ilang buwan na ang nakalilipas. “Tignan mo..” sabi ulit ni Marvin na ipinakita niya ang mga bulaklak, lanta na ang mga ito bukod sa isa. PLASTIC PALA IYON. “Bakit plastic tong isa?” maang na tanong ni Irina. “Sabi ko mamahalin kita hanggang malanta ang pinakahuling bulaklak, na hindi naman mangyayari dahil plastic.Mabigyan mo man ako ng anak o hindi ay nandito pa rin ako.Pinakasalan kita dahil mahal kita,walang ibang dahilan.” sabi ni Marvin at hinalikan ang noo ng asawa. Nasa ganoong posisyon sila nang masuka muli si Irina kaya tumakbo ito sa banyo, halos malaglag ang panga ng babae nang makita ang pregnancy test sa ibabaw ng lababo. May resulta na ito, POSITIVE. Ano ang napulot mong aral sa kwento nina Irina at Marvin? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement