Upang Makuha ang Kayamanan ng Mister at Malayang Makasama ang Kalaguyo, Pinagtangkaan ng Misis na Tapusin ang Buhay Nito
Limang taon nang mag-asawa sina Mylene at Orland. Gayunpaman, hindi mahal ng babae ang lalaki, pinakasalan niya lamang ito upang maging US citizen na rin siya, sa Amerika na kasi ito nakatira at doon ipinanganak bagamat kapwa magulang nito ay Pilipino. At alam ni Mylene, kailanman ay di niya matututunang mahalin ang lalaki, dahil may ibang laman ang kanyang puso. Ang kanyang kalaguyo, si Hernan. Nasa Pilipinas ang lalaki pero pinadadalhan niya ito ng pera at dinadalaw niya, ang paalam niya kay Orland ay uuwi siya sa kamag anak pero ang totoo ay kay Hernan siya umuuwi, isang buwan nilang pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang kataksilan.
“Yes, yes honey. Ah, nandito ako ngayon sa k-kusina..” kausap ni Mylene si Orland ngayon sa telepono at kung anu-anong kasinungalingan ang pinagsasasabi sa lalaki. Ang totoo kasi ay narito siya sa bahay ni Hernan umuuwi at kasalukuyan nitong hinahalikan ang leeg niya habang nasa telepono siya.
“Oh good, nagkita kami kanina ng pinsan ko. Dito na rin pala siya sa US naka-base.” pagbabahagi ni Orland, nais niyang lahat ng kanyang ginagawa ay alam ng misis niya.
“G-ganon ba? Maganda iyan, uhm, honey. S-sandali lang ha, maggagayat lang ako ng sibuyas. Tutulungan ko lang si nanay.” sabi ni Mylene, ang kulit kulit kasi ni Hernan! Baka mahuli sila!
Hindi na niya hinintay pang makasagot ang mister at agad nang ibinaba ang tawag. Hinarap niya si Hernan na noon ay tatawa-tawa.
“Bakit mo naman yun ginawa? Mamaya mahuli tayo!” sabi niya rito.
“Hindi niya naman naririnig ah! Wag ka nang magalit baby ko, dapat kasi hindi mo na sinasagot ang tawag niya.” sabi ng lalaki na sinimulan namang halikan ang kanyang kamay.
“Hindi pwede no. Gusto mong magkaroon ako ng lamat sa kanya? Ang linis linis ng tingin niya sa akin. Pag nagsimula nang maghinala yan mas mahirap nang magpaalam umuwi dito sa Pinas. Teka, may sinasabi ka kanina diba? Bago siya tumawag, ano ulit yun?” tanong niya rito.
“Sabi ko, diba may makukuha si Orland sa insurance. Tapos niya na kamong hulugan iyon, at malaki-laking halaga. Milyon kamo kung papapalitan dito sa Pilipinas, o baka higit pa. Ikaw ang beneficiary niya diba? Dahil wala naman kayong anak?” sabi ng lalaki, may mala-demonyong ngiti.
Totoo iyon, wala silang anak ni Orland dahil ayaw niya. Lingid sa kaalaman ng mister ay nagpi-pills siya upang di mabuntis.
“Oo, o tapos?” naguguluhang sabi niya. Mautak lang kasi si Mylene pero di siya matalino.
“Ano ka ba? Hindi mo ba alam ang beneficiary? Ibig sabihin noon, pag may nangyaring masama kay Orland, pag namatay siya, sayo mapupunta lahat ng yaman niya! Pag nangyari yon ay malaya na tayo, mayaman pa tayo!” masayang sabi nito. Natuwa rin naman si Mylene at agad silang nagplano kung paano itutumba ang mister. Kailangan ay walang makakapag-isip na siya iyon, hindi siya pwedeng makulong dahil pakikinabangan niya pa ang yaman na maiiwan nito.
Pagdating sa US ay agad na nag-hire ng mamamatay-tao si Mylene. Di naman siya nahirapan, nagpost lang siya gamit ang bagong email address na ginawa niya ay may sumagot agad. Nakipagkita siya sa lalaki at inilahad dito ang plano. Ang oras, lugar, at kung paano nito papatayin ang asawa niya. Basta kailangan, walang clue na siya ang utak sa lahat ng iyon.
“Lalabas muna ako sa bahay namin kunwari ay maggo-grocery ako, pag nakasiguro ka nang wala ako ay doon mo gawin. Make sure na walang fingerprints mo kundi ay sige ka, ikaw ang mate-trace. Ayaw pa naman rin kitang makulong at magkababayan tayo. Babalik ako after one hour at siguruhin mong tapos na,” sabi niya rito at iniabot ang paunang bayad. Tumango naman ang lalaki na matamang nakatitig sa kanya.
Sumapit na ang araw para isagawa nag maitim na plano ni Mylene, nasunod naman ang lahat. Pagbalik niya sa bahay ay puno na ng mga tao doon at may dugo sa sahig. Ayon sa mga pulis ay narinig ng mga tao ang putok ng baril kaya nagpuntahan sa bahay nila. Pero wala namang naiwang bakas ang pumatay sa kanyang asawa. Nakahinga siya ng maluwag, kahit na tanga ang killer ay nakaalis naman ito ng matiwasay, mamaya ay ikanta pa sya.
“Where is my husband?” naiyak pang arte niya, kahit sa loob loob niya ay tuwang tuwa siya.
Ayon sa mga pulis ay kalunos-lunos ang itsura ng bangkay kaya di na ipinakita muna sa kanya, inimbitahan rin siya ng mga ito sa presinto para sa kanyang statement. Nagtaka lang siya ng konti dahil sa isang kulong na kwarto siya inilagay ng mga ito, doon sa kwarto ng mga iniinterrogate.
“When are we gonna start?” inip na tanong niya sa detective na naroon.
“Someone is going to ask you questions, not me,” sabi naman nito.
“Where is that ‘someone’?” tanong niya ulit. Maya-maya pa ay may sinenyasan ito sa labas, parang nakakita ng multo si Mylene nang makita kung sino ang pumapasok ngayon.
Si Orland!
“Asawa ko! Buhay ka!” sabi niya, di maipaliwanag ang mukha. Magkahalong takot at pagtataka ang nararamdaman.
“Naalala mo, sabi ko sayo sa telepono ay dito na rin pala naka-base ang pinsan ko? Ang malas mo dahil siya ang kinausap mo para patayin ako,” matigas na sabi ng lalaki.
Lingid sa kaalaman ni Mylene ay pulis pala ang pinsan nito, naka-assign ito sa paghuli sa mga gawaing pagpatay. Kaya nagpanggap ito bilang serial killer, para mahuli ang mga taong nais magpapatay ng kapwa.
Maya-maya pa ay pumasok na ang pulis na nagpanggap na killer at pinosasan ang umiiyak na si Mylene. Ikinanta niya rin ang kalaguyong si Hernan kaya nakulong ito sa Pilipinas.
Walang nararating ang mga nagpa-plano ng masama laban sa kapwa.
sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.