Inday TrendingInday Trending
Walang Awang Ginagalaw ng Principal ang mga Estudyante, Natapos ang Kawalanghiyaan Niya nang Mabiktima Niya ang Kapatid ng Isang Matapang na Guro

Walang Awang Ginagalaw ng Principal ang mga Estudyante, Natapos ang Kawalanghiyaan Niya nang Mabiktima Niya ang Kapatid ng Isang Matapang na Guro

Isang estudyante na naman ang lumabas mula sa opisina ng principal ng paaralan kung saan nagtuturo si Sheryl. Pang limang estudyante na ito sa loob ng dalawang linggo. At tulad ng mga naunang estudyanteng natiyempo-han niyang lumabas sa opisina ay pawang umiiyak.

“Okay ka lang ba? Anong problema?” tanong ni Sheryl nang dumaan ito sa kaniyang harapan. Ngunit sa halip na sagutin siya ay nagtatakbo palayo ang dalagita.

Ilang buwan pa lang namamasukan bilang guro si Sheryl sa paaralan at hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang labis na pagtataka kung bakit madalas magpatawag ng babaeng estudyante ang principal sa kaniyang opisina at palaging umiiyak ang mga ito matapos silang makausap kaya inusisa na niya ang kapwa niya guro.

“Sarili mo ang intindihin mo. Huwag mong pakialaman ang mga bagay na walang kinalaman sa iyo. Ipapahamak mo lang ang sarili mo sa pagiging pakialamera mo,” maanghang na sagot nito sa kaniyang tanong.

Habang nagtuturo sa klase si Sheryl ay pinatawag sa opisina ng principal ang isa sa babae niyang estudyante. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya mapigilan ang kaniyang kuryosidad kaya matapos ang kaniyang klase ay inabangan niya ang paglabas nito. At tulad ng mga naunang pinatawag ay umiiyak din ito nang lumabas ng opisina.

Bago pa siya nito matakbuhan ay hinatak niya ang braso nito papasok sa kaniyang classroom para usisain. “Huwag kang matakot. Sabihin mo sa akin kung anong nangyari at tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.”

Hindi napigilan ng kaniyang estudyante na humagulgol ng iyak at mahigpit siyang niyakap.

“Ang sama-sama niya! H***p siya! Ang babuy-baboy niya! Sana mamatay na siya!” Nagulantang si Sheryl sa kaniyang natuklasan. Ninanakaw ng principal ang kainosentehan ng mga babaeng estudyante na nakakapukaw ng kaniyang pagnanasa.

Pinayuhan niya ang dalagita na ipaalam sa mga magulang nito ang nangyari at humingi ng tulong sa mga kinauukulan pero mariing nitong tinanggihan ang kaniyang suwestiyon.

“May sakit po sa puso ang nanay ko. Hindi niya kakayanin pag nalaman niya ang nangyari sa akin. Isa pa baka mawalan ako ng scholarship. Tinakot niya ko na sisirain niya ang kredibilidad ko pag nagsumbong ako sa mga pulis. Walang maniniwala sa akin dahil kriminal ang tatay ko.”

Walang nagawa si Sheryl kung hindi ihatid ito sa bahay matapos pakalmahin.

Kinabukasan ay inaabangan si Sheryl ng principal sa pintuan ng kaniyang classroom. “Kung ako sa iyo ay ititikom ko ang bibig ko. Ipipikit ang aking mga mata. Kabago-bago mo pa lang sayang naman kung matatanggalan ka agad ng lisensya.”

Si Sheryl ang inaasahan ng pamilya niya sa probinsiya. Siya rin ang nagpapaaral sa bunso niyang kapatid. Hindi siya pwedeng matanggalan ng lisensya dahil mawawalan siya ng trabaho.

Labag man sa kaniyang kalooban at taliwas sa sinasabi ng kaniyang konsensya ay naging bulag, pipi at bingi siya sa kaniyang mga nalalaman para sa kaniyang pamilya.

Matapos ng ilang buwang pangbubulabog ng kaniyang konsensya dahil sa desisyon niyang huwag isuplong ang principal ay medyo nakahinga siya nang maluwag dahil isang linggo nang walang babaeng estudyante ang pinapatawag sa opisina nito.

Dasal niya na sana ay magtuloy-tuloy na ito. Na sana ay natauhan ito na mali ang kaniyang ginagawa. Na sana ay inuusig na ito ng konsensya. Ngunit nagkamali siya nang marinig niya itong may kausap sa cellphone habang naglalakad siya sa hallway.

“Oo, pare, sariwang-sariwa. Isang Linggo ko nang inaararo pero hindi pa rin ako nagsasawa. Sobrang sikip, pare. Hindi ako magsasawang laspagin siya. Sira ka ba? Baka patayin ako ng asawa ko pag inuwi ko siya sa bahay. Dito ko na lang siya ikukulong sa opisina ko. May maliit na kwarto naman ako doon na may kama. Araw-araw ko na lang siya pupuntahan dito para pakainin. At siyempre para dalhin sa langit.” Buong pagmamalaki ng principal sa kaniyang kausap.

Habang hindi naman napigilan ni Sheryl na masuka matapos niyang marinig ang mga malalaswang salita mula rito.

Pagkauwi ay masayang inabangan ni Sheryl ang tawag ng kaniyang mga magulang. Dalawang beses sa isang buwan nakakausap ni Sheryl ang kaniyang pamilya.

Walang signal ng cellphone sa kanilang probinsya kaya naglalakbay pa ang mga ito ng tatlong oras sa pinakamalapit na lugar kung saan may signal para makausap siya.

“Kamusta na kayo dyan ni Rhea? Sumabay siya sa mga tiyuhin mo nung nag-deliver sila ng mga gulay diyan. Gusto ka raw niyang makasama ngayong sembreak. Sa pagkakaalam ko ay hinatid siya sa paaralan kung saan ka nagtuturo nung isang Linggo. Katabi mo ba siya? Pakausap naman sa kapatid mo,” sunud-sunod na birada ng nanay ni Shirley nang sagutin niya ang kaniyang cellphone, nakababatang kapatid niya ang hinahanap nito.

Nagtaasan ang mga balahibo niya sa kaniyang mga narinig. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi na niya tinuloy ang pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang. Agad niyang binabaan ang mga ito ng cellphone at nagpunta sa pinakamalapit na istasyon ng pulis para isiwalat ang kaniyang mga nalalaman.

Hindi na pinalipas ni Sheryl ang gabi. Kasama ang mga pulis ay pinuntahan nila ang paaralan kung saan siya nagtuturo para sagipin ang kapatid niyang si Rhea na nakakulong sa opisina ng principal.

“Patawad, Rhea. Patawad. Sana mapatawad mo ko.” Iyak nang iyak si Sheryl habang yakap-yakap niya ang kaniyang kapatid.

Kalunos-lunos ang kalagayan ng kaniyang kapatid nung napasok nila ang maliit na kwarto sa opisina kung saan ito nakakulong. Walang anumang saplot ang katawan. Ang dating makinis nitong balat ay puno ng mga pasa. Nakakadena ang braso nito sa kama kung saan ito nakahiga. Tulala ang mga mata nito at walang kabuhay-buhay.

Nang hulihin ng mga pulis ang principal ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang ibang biktima na lumantad. Sa dami ng biktima at sa bigat ng krimeng ginawa ay siguradong mabubulok na siya sa kulungan. Pero ganoon pa man ay huli na ang lahat.

Kung nagkaroon lamang si Sheryl ng lakas ng loob na isumplong ito sa mga kinauukulan ay matagal na sanang naputol ang sungay nito. Hindi na mapapabilang ang kaniyang kapatid bilang isa sa kaniyang biktima.

Nakulong man ang salarin at nakamit na ng mga biktima ang hustisyang kanilang inaasam ay hindi na mapapatawad ni Sheryl ang kaniyang sarili. Madaming buhay ang nasira. Kabilang na dito ang kapatid niyang si Rhea na tuluyan nang nabaliw dahil sa masaklap na karanasan.

Advertisement