Inday TrendingInday Trending
Masaya ang Kaniyang Pamilya Noon, Hanggang Nagbago ang Lahat Dahil sa Bagong Trabaho ng Ina

Masaya ang Kaniyang Pamilya Noon, Hanggang Nagbago ang Lahat Dahil sa Bagong Trabaho ng Ina

Tuwang-tuwa si Jacky nang matanggap siya bilang empleyado sa isang prestihiyosong kumpanya sa Ortigas. Bukod sa napakalaking sahod, napakaraming benepisyo ang nag-aabang sa kaniya.

Dati pa niya pinapangarap na makapasok doon. Agad siyang nag-resign sa kasalukuyang trabaho niya upang makapagsimula na sa bagong papasukan.

Hindi naging mahirap ang karanasan niya bilang empleyado dito. Agad niyang natutunan ang mga gawain at nagkaroon ito ng napakaraming kliyente.

Dahil dito’y mabilis na na-promote si Jacky at wala pang isang taon ay naging Assistant Manager na siya.

“Mga anak, inasikaso ko na ang mga kakailanganin sa bago niyong eskuwelahan. Sa exclusive school na kayo mag-aaral. Magbihis na kayo, pupunta tayo sa mall at bibilhan ko kayo ng mga bagong damit at gamit.” Masayang paanyaya ni Jacky sa dalawang anak na babaeng sila Jenna at Martha.

Sadyang napakalaki ng pinagbago ng buhay ni Jacky magmula ng makapasok sa kumpanyang iyon.

Bilang ganti sa kaniyang mababait na boss ay ginalingan niya lalo ang pagtratrabaho. Madalas siyang nag-oovertime at kahit isang beses ay hindi siya umaabsent. Minsan nga’y pumapasok pa rin ito kahit na siya ay maysakit.

Ngunit hindi lang puro magagandang bagay ang kinakaharap ni Jacky.

Mula nang siya ay ma-promote ay nawalan na siya ng oras sa kaniyang pamilya.

Kahit Sabado, Linggo o holiday, basta’t kailangan siya ng kumpanya ay pumapasok siya.

“Anak, baka naman puwede kang lumiban sa trabaho mo sa Biyernes. Tumawag ang titser ni Jenna kanina. Kailangan mo daw pumunta sa principal’s office. Nakipag-away ang anak mo sa kaklase niya.” Pakiusap ni Aling Tina pagkapasok na pagkapasok ni Jacky sa bahay nila.

Alas diyes na ng dumating ng bahay si Jacky sapagkat tinapos niya ang kabundok na trabaho. Kanina pa siya hinihintay ni Aling Tina sapagkat gusto rin nitong kausapin niya ang anak na si Jenna upang mapagsabihan ukol sa nagawang kasalanan sa paaralan ngunit dahil gabi na siya dumating ay hindi na naman nito naabutang gising pa ang mga anak.

Tulad ng inaasahan ni Aling Tina, hindi maaaring lumiban sa trabaho ang anak dahil marami daw trabahong kailangang tapusin tuwing Biyernes.

Pinakiusapan na lamang niya ang ina na pumunta sa eskuwelahan ng anak para makipagusap sa prinsipal. Nag-iwan pa ito ng 2000 para daw may pangkain ang mag lola.

“Aba, Jacky , ano ito? Suhol? Palagi ka na lamang ganyan. Hindi na lang puro pera ang kailangan ng mga anak mo!”

Walang nagawa ang matanda kung hindi samahan na lamang ang napapabayaang apo.

Masipag sa trabaho ang kanyang nag-iisang anak at hindi naman ito nagkulang sa pagbibigay sa kanila ng mga pangangailangan sa buhay pati na rin ang luho.

Kaya nga lang, bihira nilang makasama si Jacky sa mga lakad nila. Kadalasan, siya, ang kanyang asawa na si Mang Pepe at Marcus lang ang magkasamang namamasyal.

Pinatigil na ni Jacky ang kanyang mga magulang sa pagtatrabaho mula nang makipaghiwalay si Jacky sa kanyang asawa. Umalis ang mag-ina sa bahay nila at lumipat sa bahay ng kanyang mga magulang.

Matiwasay ang pagsasama ng mag-asawang si Jacky at Mark. Mataas ang posisyon ni Mark sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nais ni Mark na patigilin sa pagtatrabaho si Jacky. Ang gusto niya ay pagtuunan na lamang ng asawa ang kanyang pamilya. Ngunit ayaw ni Jacky na maging housewife. Sayang daw ang kanyang pinagaralan. Gusto din niya na may sarili siyang pera. Ayaw niyang iasa sa asawa ang lahat.

Dahil mahal na mahal ni Mark ang kanyang asawa, hinayaan na lamang niya ito sa kanyang kagustuhan. Subalit mula ng maging Assistant Manager ito, nawalan na ng oras si Jacky sa kanyang pamilya at ito ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Mas pinili pa ni Jacky ang kanyang trabaho kaysa sa kanyang asawa.

“Hello, Mark? Ang Mommy Tina mo ito. Puwede mo ba akong samahan sa school ni Marcus? Napaaway kasi siya. Pinapatawag nila ang mga magulang niya.”, wika ni Aling Tina sa telepono.

“Bakit po mommy? Hindi na naman po puede umabsent si Jacky sa opisina?” dismayadong tanong ni Mark sa kabilang linya ng telepono.

Pinakansel ni Mark ang lahat ng meeting niya sa araw ng Biyernes at sinamahan ang mag-lola sa paaralan ng anak. Pagkatapos nito ay kumain sila sa labas. Tuwang-tuwa si Marcus sapagkat nakasama niya ulit ang kanyang ama.

Hindi na napagsabihan ni Mark ang kanyang anak sa kasalanang nagawa. Masaya silang namasyal pagkatapos kumain sa paborito nitong restoran.

Gabi na nang makuwi si Jacky sa bahay galing ng opisina. Hindi na niya nakamusta kung ano ang nangyari sa lakad ng mag-lola sapagkat trabaho pa rin ang nasa isip nito.

Nasa kalagitnaan ng pagrereport si Jacky sa harap ng bago nilang kliyente at mga boss nya nang bigla siyang himatayin. Agad namang tumawag ng ambulansiya ang sekretarya ng kanilang boss at dinala siya sa pinakamalapit na ospital.

Isang linggo na palang halos walang tulog si Jacky para tapusin ang report para sa kanilang bagong kliyente. Bukod sa stress, overwork at hindi pagtulog, matagal na pala siyang may problema sa puso. Madalas siyang nakakaramdam ng hirap sa paghinga at pagkabog ng dibdib. Ngunit dahil sa dami ng trabaho, wala siyang oras para magpatingin sa doktor. Mild stroke ang sanhi ng kanyang pagkahimatay.

Kailangan na din siyang operahan dahil may bara ang kanyang puso. Pinayuhan din siya ng kanyang doktor na huwag muna magtrabaho sapagkat stress ang pangunahing naging sanhi ng kanyang pagkakasakit.

Dahil si Jacky lang ang nakakaalam ng presentation nila sa bago nilang kliyente, hindi natuloy ang napakalaking proyektong pinagpaguran niya. Imbis na kumustahin si Jacky ng kanyang mga boss, nagalit pa ito sa kanya sapagkat hindi daw nito itinuro sa kasamahan ang kanyang trabaho na nagresulta sa pagkawala ng kanilang kliyente.

“Mark, patawarin mo ako sa nagawa kong pag-iwan sa’yo. Mas pinili ko pa ang trabaho ko. Tingnan mo ko ngayon. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko, yan lang ang napala ko sa kanila.” Puno ng pagsisising sinabi ni Jacky sa asawa habang siya ay umiiyak.

“Kalimutan mo na ang lahat ng yun. Ang mahalaga buhay ka at magpapagaling ka. Aalagaan ko kayo ni Marcus habang ako ay nabubuhay.” Puno ng pagmamahal na sagot ni Mark sabay yakap sa kanyang asawa.

Pagkaraan ng isang taon, tuluyan ng gumaling si Jacky. Bumili si Mark ng mas malaking bahay at doon nanirahan kasama ang mag-ina, si Aling Tina at Mang Pepe.

Advertisement