Inday TrendingInday Trending
Pinag-aral ng Nobyong OFW ang Isang Dalaga Ngunit Nagawa Niya Pa Itong Lokohin at Ipagpalit sa Iba

Pinag-aral ng Nobyong OFW ang Isang Dalaga Ngunit Nagawa Niya Pa Itong Lokohin at Ipagpalit sa Iba

Isang tubero si Anthony sa UAE. May anim na taon na rin siyang pabalik-balik doon upang magtrabaho. Kung sa Pilipinas lang kasi siya magtatrabaho ay walang mararating ang sahod niya. Lalo na’t pinag-aaral niya ang kanyang nobyang si Elisa. Apat na taon na silang magkasintahan.

Unang pag-uwi niya ng Pilipinas nang makilala niya ito. Isa itong working student noon sa isang fast food na kanyang paboritong kainan. Magiliw ito at hindi rin suplada. Kaya naman nagustuhan niya ito.

Nalaman niya ang sitwasyon nito at mga pangarap sa buhay kaya naman pinangakuan niya itong pagtatapusin ng pag-aaral sakaling makabalik na ulit siya sa UAE.

“Huwag kang mag-alala babe, makakaalis na ulit ako. Maghintay ka lang, hindi ka na mapapagod at mapupuyat. Matutupad na rin ang mga pangarap mo,” wika ni Anthony sa kanya habang nag uusap sila sa parke.

“Salamat babe sa pag-intindi sa sitwasyon ko.”

Ilang buwan buhat ng umalis si Anthony, umalis sa trabaho si Elissa gaya ng kanilang napag-usapan. Itinuloy rin nito ang pag-aaral ayon sa kagusutuha ng nobyo. Tanging tawag lang at palitan ng mensahe ang nag-uugnay sa kanila. Araw at gabi ay ganoon sila.

“Babe kumusta ka na? Kumain ka na ba? Nasaan ka ngayon?” sunod sunod na katanungan ni Anthony kay Elissa.

Noong una ay masayang-masaya ang dalawa kahit na malayo sila sa isa’t isa Hanggang sa matuling lumipas ang panahon at nasa ikatlong baitang na si Elissa sa kolehiyo. Kaya naman isang taon nalang ay abot-kamay na nito ang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Subalit sa huling taon na iyon, bago umuwi si Anthony ay may di-inaasahang pangyayari.

Pangyayaring dudurog ng labis sa kanyang puso. Maagang gumayak si Elisa para sa kanyang pag-eenroll. Bago umalis ay tumawag muna ito kay Anthony.

“Babe ito na iyon, huling taon ng pagsisikap mong makatapos at katuparan naman sa pangarap,” masayang wika nito sa kabilang linya.

“Masaya ako babe, para sayo. Ipagpatuloy mo lang ang galing mo sa pag-aaral.”

Tinungo na ni Elisa ang daan sa kanyang eskwelahan.

“Miss sorry!” wika ng lalaki nang mabunggo siya nito.

“Okay lang, sige ha nagmamadali kasi ako.”

Panigurado kasing mahaba na naman ang pila sa cashier nila. May video call pa sila ni Anthony mamaya. Tumalikod na si Elisa subalit, ilang hakbang pala siya ay muli siyang tinawag ng lalaki, “Miss! Panyo mo!”

Kinuha niya ang nahulog na panyo, “Ang ganda naman ng pangalan mo Elisa…”

Sigurado siyang nakita nito ang nakaburda niyang pangalan sa panyo niya, “Vince nga pala ang pangalan ko.”

Tipid siyang ngumiti sa lalaki, “Salamat, Vince.”

Nagkataon pang magkaklase rin sila ni Vince. Hindi niya inakalang kukulitin rin siya nito sa panliligaw. Transferee ito at medyo mapresko. Halos lahat ata ng babae ay may gusto dito ngunit ang hindi niya malaman ay kung bakit siya na lang ng siya ang kinukulit nito.

“Elisa, bakit ba ang ilap mo sa akin?!” turan ni Vince sa kanya isang araw sa hallway ng school.

“Bakit ang kulit kulit mo!? Ano ba ang kailangan mo sa akin ha! Sinabi nang may boyfriend na nga ako,” pagalit na wika ni Elisa rito.

Hanggang isang pangyayari ang naganap sa eskwelahan nina Elisa. Nakulong sila ni Vince sa isang lab room. Doon ay hindi niya sinasadyang magpadala sa anod ng kanyang damdamin. Inaamin niya naman sa sarili na nagwagwapuhan siya dito. Kung kaya naman nang subukan siyang halikan nito ay hindi na siya nakatanggi pa.

Ito ang dahilan kung bakit unti-unti siyang nanlamig kay Anthony. Noong una’y nakokonsensya lamang siya ngunit sa pagtagal ng panahon ay hinahanap-hanap niya na ang presensya ni Vince.

Nag-iisip na rin noon ng kung anu-ano si Anthony. Hindi niya malaman kung bakit umiiwas sa kanya ang nobya. Kaya naman kahit na hindi pa end of contract niya ay nagpasya na siyang umuwi. Inayos niya ang lahat ng kanyang kailangan upang makauwi agad ng Pilipinas.

Excited niyang tinungo ang apartment nila ng nobya. Hindi niya inasahan ang sumunod na tagpong kanyang naabutan.

“Anong ibig sabihin nito?!”

Kitang-kita niya ang paghahalikan ng kanyang nobya at ng isang binata.   

“Anthony!” gulat na gulat na wika ni Elisa. “Magpapaliwanag ako Anthony!”

Ngunit tila kahit anong paliwanag ni Elisa ay hindi na tinanggap ni Anthony. Para sa kanya ay tinaihan na siya sa ulo ng babae. Masakit na masakit lang para sa kanya dahil ito na ang nakita niyang babaeng makakasama siya pang-habambuhay. HIndi niya inakalang ganito pala ang gagawin sa kanya nito.

Sising-sisi naman si Elisa sa nagawa sa kanyang nobyo. Ngunit tila wala naman siyang maramdamang pagsisisi sa pagmamahal na inalay nya kay Vince. Mahal niya talaga ito.

Kaya naman pinagsumikapan niyang bayaran ang lahat ng pinansyal at utang na loob kay Anthony. Bukod sa perang iniipon niya sa isang passbook para maibigay kay Anthony ay tinutulungan nya rin at sinusubukang pag-aralin ang bunsong kapatid nito sa abot ng kayang makakaya.

Advertisement