Inday TrendingInday Trending
Isang Matandang Babaero ang Mahilig Dumali ng Batang Babae Ngunit Hindi Niya Sukat Akalain nang May Ipagtapat ang Anak na Lalake

Isang Matandang Babaero ang Mahilig Dumali ng Batang Babae Ngunit Hindi Niya Sukat Akalain nang May Ipagtapat ang Anak na Lalake

Mahilig sa mga batang babae ang babaero na si Manuel ngunit ito’y kasal pa rin sa kanyang unang asawa na si Miriam. Naka-ilang palit na rin ito ng kinakasamang babae simula nang umalis ito sa poder ng kanyang maybahay bunga ng kakatihan nito sa katawan.

Nirerespetong may-ari ng isang agency ang matanda, ilan na rin ang panganay nito mula sa iba’t-ibang babaeng sinipingan pero ang pinakapaborito niya sa lahat ng anak ay si Julius. Nagtatrabaho ito sa ibang bansa pero binabalak nitong umuwi para ipaalam sa ama ang isang magandang balita.

“Anak, napatawag ka?”

“Dad, pasundo mo naman ako sa airport bukas, uwi ako diyan miss na kasi kita.” Saad ng binata.

“Talaga!?! Sige anak, ako na mismo ang susundo sa iyo.” Tuwang-tuwang sagot nito.

May nakilalang bagong kasintahan ang matanda, si Maricel, batang-bata ito na nakilala niya sa isang restawran. Hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon na ipakilala ang sarili. Ilang beses sila ulit nagkita sa lugar na iyon at kinalaunan ay nagkagustuhan din sila.

Mula nang ma-stroke ang asawa ni Maricel na si Samuel ay mahilig nang kumabit ang babae sa iba’t-ibang lalake na may datung.

“P*nyemas na buhay ito, baldado na nga ang asawa ko tapos eh may mga alagain pa akong mga bata dito! Eh paano na ako?” Bwisit na hirit ni Maricel.

Doon siya nagsimulang makipag-date sa mga lalake na kayang tustusan ang mga pangangailangan niya, hanggang nakilala niya ang matandang si Manuel.

“Matutuwa ka kapag nakilala mo ang anak ko, mabait iyon at hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo.” Saad ni Manuel habang nakayapos sa babae.

“Matanggap kaya niya ako?” Tanong nito.

“Oo naman, matanda na ‘yon mag-isip at siguradong maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Dalawang round pa ako, ah.” Sabay hinalikan ng matindi ang labi ng kasama.

Nag-cecellphone ang binatang si Julius at parang may ka-chat ito.

Hindi na rin makapagpigil ang binata na makauwi sa Pinas para makita ang ama at ang isang sorpresa nito na matagal nang itinatago.

Dumalaw si Manuel sa kanyang unang asawa na si Miriam para sabihin na uuwi ang anak nila, “Oh dinalhan kita ng paborito mong mangga, siya nga pala ‘yong anak mo’y darating bukas. Baka gusto mong bumaba ng Maynila para makasama siya?”

“Ang lambing mo pa rin sa akin kahit isang beses sa isang taon mo lang ako dalawin dito, siguro mahal mo pa rin talaga ako?” Hirit ng babae.

Napangiti na lamang ang matandang lalake, napansin nito na parang gumaganda nga ang dating asawa at tila ang laki ng pinagbago nito simula noong iniwan niya ito dahil sa kanilang madalas na pag-aaway.

Pagdating sa airport ay inabutan ng ama na may kausap ang binata sa telepono, “Sige babe, excited na rin ako makita ka. Sige, I have to go.”

“Babae ba ‘yan nak, he he he?” Nakangiting tanong ng ama.

“Yes Dad, at gusto ko po na ipakilala siya sa inyo, tingin ko po eh siya na ang papakasalan ko.”

“Naku anak, excited akong makilala ‘yang nobya mo. Saan mo pa ba mamamana ang gandang lalake mo at karisma mo sa chiks kung di sa akin lang.”

“Naku, tara na po at baka biglang bumagyo dito.” Biro ng anak.

Pinaghandaan ng binata ang pagtatagpo nila ng nobya na nakilala lang niya sa internet. Hindi nito alintana kahit linggo-linggo’y humihingi ito ng salapi sa kaniya. Tila nabulag siya ng babae sa angkin nitong ganda o di kaya’y sa husay nitong mambola.

“Haayy, buti na lang at pasok sa banga ang beauty ko. Kung hindi ay ‘di ko mauuto ‘yang si Manuel.” Saad ng babae sa kaibigan.

“Naku, Mare. Mag-ingat ka sa ginagawa mo alam ko mahirap ang sitwasyon mo pero mabilis ang karma, mas mabilis pa sa chismis ni Aling Nora sa kanto.” Parehas nagtawanan ang dalawa.

“Hangga’t kaya kong gatasan ang uugod-ugod na lalake na ‘yon, hindi ako titigil, pero parang mas bet ko ‘yong bagong jowa ko ngayon na batang-bata at kakauwi lang galing Canada. Mantakin mo’y ipapakilala pa daw ako sa magulang.” Kinikilig-kilig pa ito.

Naging balahura na ang ugali ng babae na ito, maliban kasi kay Manuel ay meron pa itong kinakalantari na lalake.

“Good evening sir, table for ilan po?” Tanong ng waiter.

“Reservation for Julius Coljax.” Saad ng lalake.

“Come in sir, may nauna na po pala sa inyo.” Pagtanaw ng matandang lalake ay nagulat ito nang makita ang dating asawa.

Napakaganda ng ayos nito at ibang-iba ang aura ng hitsura nito. Para itong naging dalagang muli sa paningin ni Manuel.

“Para kang nakakita ng multo, ah.” Sambit ng babae.

“Ang ganda mo ngayon.” Tulalang nakatitig ang lalake.

“Tumigil ka nga at maupo ka na.” Parang may nagising na natutulog na pagmamahal mula sa kaibuturan ng puso ng matanda.

“Ready ka na babe to meet my Dad?” Tanong ng binata.

“Oo babe, I am so ready.” Dumiretso na ang dalawa sa restawran, nagpaalam lamang ang nobya na mag-CR muna dahil kinakabahan ito.

Pagpasok sa pinto ay nakita na kaagad ng binata ang ama na nakaupo ngunit habang papalapit na siya’y laking gulat niya na naroon din ang ina.

“Mom, wow I did not expect this.” Sabay yakap sa ina.

“Of course anak, I want to meet my future daughter-in-law, hindi ko palalagpasin ito.”

“Nasaan na ang ating much awaited guest of night, iho?” Tanong ng ama.

“Nag-CR lang dad, pero maiba lang ako I am so happy na makita kayo together and sobrang na miss ko makita kayo magkasama how I wish you can get back together.” Wika ng anak.

Parehas lang tinawanan ng dalawa ang anak. Habang papalapit na si Maricel kung saan nakaupo na ang nobyo ay sinalubong kaagad ito ni Julius para ipakilala ng maayos. Bago pa man makapagsalita ang binata ay biglang natunaw ang mundo ng babae nang makita ang matanda ng harap-harapan.

“Ano’ng ginagawa mo dito?” Tanong ni Maricel.

“You know my Dad?” Sagot ng anak.

Biglang napatakbo ang babae sa labas ng restawran. Tulirong-tuliro ito ngunit pinilit itong habulin ng binatang nobyo.

Takbo lang ito ng takbo na parang baliw ngunit bago pa niya ito abutan ay huli na ang lahat. Nasagasaan ng isang kotse ang babae, hindi na rin ito umabot pa ng buhay sa ospital.

Inamin kaagad ng ama sa anak ang katotohanan sa pagitan nila ni Maricel matapos malaman ang aksidente, napagtanto nilang dalawa na parehas pala silang niloloko ng isang babaeng naging ganid sa salapi.

Simula noon ay nagpasya na ang matandang lalake na ayusin ang nasirang relasyon sa unang asawa at nagsilbing malaking aral ito para kay Julius na siguraduhin at kilalanin munang maigi ang mga nakikilala sa internet.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement