Inday TrendingInday Trending
Nagpanggap na Binabae ang Lalaki Para Makaisa sa mga Seksing Kandidata, Matinding Kahihiyan ang Inabot Niya sa Huli

Nagpanggap na Binabae ang Lalaki Para Makaisa sa mga Seksing Kandidata, Matinding Kahihiyan ang Inabot Niya sa Huli

Kilala si Jomar sa unibersidad nila noong kolehiyo sa pagiging babaero, hanggang ngayon na may trabaho na siya ay wala pa ring nagbabago sa binata. Mas tumindi pa nga siya dahil gumagawa pa siya ng kung anu-anong gimik at paraan para lang makapangboso at makahipo sa mga babae.

Nangingisi siya lalo na ngayon, nagpapanggap siyang isang beki na nag-a-assist sa mga beauty contest. Konting pagpapanggap at nauto niya ang organizer na tanggapin siya.

“Thank you momshie ha, kahit na bagito ako promise aalagaan ko ang mga girls mo, di ko pababayaan ang mga malditang yan,” pangako niya pa rito.

“Pangako mo yan beks ha? Alam mo namang busy rin ako, gusto ko lang sana maging successful ang event eh,” sabi nito sa kanya.

“Oo naman. Ako ang bahala. Asan na ba ang mga merlat? At nang mabihisan na,” pumilantik pa ang kamay niya sa pagsasabi noon pero ang totoo ay nanginginig na ang kalamnan niya maisip palang na bibihisan niya ang mga naggagandahang babae.

Isa-isang pumasok ang mga ito sa dressing room at busog na busog ang mga mata niya sa nakikita. Naka-underwear lang ang mga ito, habang ang ilan naman ay talagang hubad na. Walang kamalay-malay na may manyakis na nakamasid sa kanila.

Agad na napako ang mga mata niya kay Venus, ito kasi ang pinaka-sexy. Ubod ng lusog ng hinaharap at hindi rin nagpapahuli ang pwet, talaga namang pinagpala.

“Diyos ko po, sana makayanan ko pang magpanggap,” sabi niya.

“Huy mader, pa-help naman pong isara itong zipper ng gown ko,” sabi ng isa. Agad niyang nilapitan ito at napatitig muna sa makinis nitong likod bago iyon isinara. Hindi na siya nakatiis, kailangan niyang mahawakan si Venus.

“Venus darling, bakit parang hindi pantay ang dibdib mo? Fake yan ano? Lokang to,” sabi niya. Sana umepekto.

“Huy mader, totoo to no! Maski hawakan mo pa,” sabi naman ng walang malay na babae. Ito na mismo ang kumuha sa kamay niya at ipinatong iyon sa dibdib nito.

Para namang lalagnatin si Jomar, pinindot-pindot nya pa, “Aba, totoo nga ano. Akala ko nagpagawa ka lang, tatanungin ko sana kung saan,” alibi niya.

Nang magsimula na ang contest ay nagsilabasan na ang mga kandidata, habang si Jomar naman ay tinawagan ang kumpare niya habang nasa dressing room siya.

“Pare, p*tang ina ang hot dito! Lalo na yung Venus pre. Yari sakin mamaya yan, lalasingin ko sa after party tapos tang*na talaga, ihi lang pahinga nyan.” sabi niya rito, namumula na ang kanyang tenga dahil nasasabik siya talaga.

“G*go, delikado yan.Masama na yang ginagawa mo pre, tinodo mo na pagkababaero mo ha. Nanloloko ka na ng tao,” sabi naman nito sa kanya.

“Bakit? Wala namang makakaalam na nagpapanggap lang akong binabae, paanong delikado? Siraulo mo pala, inggit ka lang! Basta ako makaka-score kay Venus. Buntisin ko yan tapos iiwan ko,” nakangisi pa siya.

Ilang minuto lang ay tinapos niya na ang tawag dahil nagbalikan na ang mga kandidata upang magpalit ng swimwear, nagulat siya dahil wala si Venus doon. Sayang, kasi nakita niya naman itong nasa stage nang sumilip siya.

Baka sa CR nagbihis. Ganyan ang gusto niya sa chikababe, pakipot pa. Pero hanggang sa matapos ang contest ay di na bumalik pa sa dressing room ang babae, sa stage lang ito tapos ay liliko sa kabilang kwarto.

Paalis na ang lahat para sa after party at di mapakali si Jomar, kailangan niyang masigurong sasama ang babae upang maisagawa niya ang plano kaya nag-ikut ikot siya sa paligid.

“Venus.. darling, momshie, di ka ba jo-join sa party?” sabi niya na inartehan pa ang boses.

Nagulat na lamang siya nang matigas na kamay ang humawak sa braso niya, inilapit siya nito sa dibdib nito habang nakatalikod siya. Ramdam niya na mas malaking tao ang lalaking nasa likod kaysa sa kanya.

“Diba beki ka? Patunayan mo nga,” sabi nito sa kanya.

Nanlaki naman ang mata ni Jomar, aba tarantado ito, minamanyak pa siya! Lumingon muna siya sa paligid at nanigurong walang taong makakarinig.

“G*go, di ako beki. Suntukan pa tayo eh!” sabi niya rito.

“Hindi, beki ka eh. Mmmm sarap mo naman,” sabi nito at hinaplos haplos ang dibdib niya,”

“T*ng ina mo ang bastos mo pre!” sabi niya at tinabig ito. Nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba, kung pipilitin kasi siya ng lalaki at halatang wala siyang laban.

“Ayaw mo pala ng nababastos, pero nangbabastos ka,” diretsong sabi nito. Nagulat naman si Jomar.

Lalo na nang maglakad si Venus palapit, nasa likod ng babae ang mga kandidata, maging ang organizer na nanlilisik ang mga mata sa kanya.

“Kuya ko siya. Gagawa ka na lang ng kalokohan, ang tanga mo pa. Narinig ka niya sa dressing room kanina at buking na lahat ng kalokohan mo!” nanggigigil na sabi ng babae.

Tatakbo sana siya pero mabilis ang lalaki at agad hinawakan ang dalawang braso niya. Pinaaresto siya ng mga ito sa awtoridad dahil bukod sa panloloko ay pinagtangkaan niya ring gawan ng di maganda si Venus.

Hanggang ngayon ay nililitis ang kaso ni Jomar, hiling niya lang na sana ay maging maayos na ang lahat. Ngayon ay sigurado siyang hinding hindi na siya uulit.

Advertisement