Inday TrendingInday Trending
Nasa Kainitan ng Paglalaro ng Apoy ang Dalawa nang Mapasigaw ang Binata dahil May Lawit rin ang Dalaga

Nasa Kainitan ng Paglalaro ng Apoy ang Dalawa nang Mapasigaw ang Binata dahil May Lawit rin ang Dalaga

Kilalang-kilala si Anton na babaero at playboy. Ilang babae at damdamin na ang kanyang sinaktan. Di mabilang na ka-relasyon na din ang kanyang iniwanan. Halos araw-araw ay iba’t ibang babae ang kasama niya. Di naman na nakapagtataka dahil nagtataglay siya ng malakas na dating at magandang pangangatwan.

Kadalasan ay pupunta lamang siya sa isang bar o club at lalabas nang may kasamang babae. Tila ba hindi na yata nauubusan. Pero lahat ng ito ay nagbago nang makilala niya si Brenda.

Isang gabi ay nagtungo siya sa club upang maghanap ng panibagong ‘chicks’ na makakasama magdamag. Nakaupo lamang siya at nagmamasid-masid lamang. Hanggang sa matanaw niya ang isang babaeng na sobrang ganda ng hubog ng katawan.

“Wow,” tanging salita na lumabas sa kanyang bibig.

Agad niyang nilapitan ang babae na umoorder ngayon ng inumin.

“Bakit nag-iisa ang napakagandang babae na tulad mo?” pambobola niya sa dalagang katabi.

Sinuklian naman siya nito ng magandang ngiti. “Naghahanap ng elepante,” sabay tawa ng dalaga.

“Sa club?” hindi makapaniwalang tanong naman ni Anton. Tinignan niyang muli ang babaeng kaharap at nakaramdam ng matinding init sa katawan.

Malaki ang hinaharap ng dalaga, maliit at baywang at malaki ang balakang. Ganitong-ganito ang tipo niyang babae.

“So, single ka din?” muling tanong ni Anton.

“Hmmm. Oo eh,” at saka ito uminom ng alak sa baso.

Inaya ni Anton ang babae para sa ‘road trip’ kuno. Gagala lamang daw sila. Agad namang sumama ito sa kanya.

Sa loob ng sasakyan ay sinimulan ni Anton gumawa ng ilang hakbang upang makuha ang babae, ngunit hindi ito umuubra.

Nahihirapan siyang makuha ang babae. Ibang-iba sa mga babaeng nakakasama niya noon. Lahat ng diskarte ay ginawa niya, pero wala kahit isa ang tumalab sa babae.

Tanging sa dalagang ito lamang siya nahirapan. Lumipas ang mga oras at matatapos na ang gabi, ngunit walang kahit anong nangyari sa kanila.

Hiningi na lamang ni Anton ang number ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na sa unang pagkakataon ay mayroong hindi bumigay sa mga paandar niya.

Nagsimula na rin silang magpalitan ng mga mensahe at tawag. Ayaw tumigil ni Anton hangga’t hindi niya nakukuha ang dalaga.

Lumabas silang muli upang manood ng sine. Madilim ang paligid at iilan lamang ang tao sa loob. Sinimulan muli ni Anton ang kanyang mga plano.

Nagkuwanri siyang nag-unat ng buto, pero dahan-dahan niyang inilalagay ang kamay sa braso ng babae.

“ Medyo malamig ‘no?” wika pa niya.

“Oo nga eh,” ngumiti lamang ang babae at saka muling ibinaling ang tingin sa pinapanood.

“Buti pa yung mga bida, nagtutukaan na,” pagpaparinig ni Anton, habang gumagapang ang kamay patungo sa kaliwang dibdib ng dalaga.

“Masyado ka namang mabilis, Anton,” ngumiti ang dalaga at unti-unting tinanggal ang kamay ng lalaki.

Napasimangot naman si Anton sa ginawa ng babae. Hindi talaga niya makuha ang dalaga. Pakiramdam niya ay talagang pinapahirapan siya nito.

Lumipas pa ang mga araw at nakatanggap si Anton ng mensahe mula sa babae.

“Gusto mo bang dumalaw sa bahay? Mag-isa lang ako ngayon,” mensahe mula kay Brenda.

Nanlaki ang mga mata ni Anton at tila ba nabuhayan ng dugo. “Sa wakas mapapasaakin ka na din,” mahinang bulong niya habang nakatingin sa cellphone.

Ibinigay ni Brenda ang kanyang buong address at oras ng kanilang pagtatagpo. Dali-dali namang naligo si Anton, nagsipilyo at nagpabango. Ganadong-ganado siya ngayon, dahil alam niyang maganda ang mangyayari maya-maya.

Dumating naman agad siya, tulad ng inaasahan. Nagmamadali siyang kumatok at agad namang napagbuksan. Tumambad sa kanya ang napakaseksing babae.

Kita ang pusod at bakat na bakat ang malalaking hinaharap ni Brenda. Hubog na hubog naman ang malaking balakang nito at ang malalaking pigi.

Di na nakapag-intay pa si Anton at agad sinunggaban ng halik ang dalaga.

“Ang bilis mo naman, Anton,” hiyaw ng dalaga habang pinupupog ng halik.

“Matagal ko nang gustong-gusto na gawin ‘to, di na ako papapigil pa,” tugon naman ni Anton.

Naging mainit ang mga sumunod na pangyayari. Hinalikan ni Anton ang babae at gigil na gigil dito. Humihiyaw naman ngayon si Brenda, dahil sa sensasyong nadarama.

Ipinasok ni Anton ang kamay sa may parting pigi ni Brenda, ngunit nagulat siya na dalawa ang salawal na suot nito. Muli niyang ipinasok ang kamay sa loob ng pangalawang salawal, pero sa pagkakataong ito may malambot siyang nakapa.

“ Ano ‘to?” tanong ni Anton.

“Ah foam yan, ginagamit ko pampalaki ng puwit,” sagot naman ng babae.

Hindi na lamang pinansin ni Anton ito at itinuloy ang paghipo sa pigi ng dalaga.

“Brenda, bakit tila yata tinubuan ng makahiya ang puwit mo?” tanong ng lalaki. “Bakit wala na akong makapa? Bakit parang umurong?”

Tila ba naging isang malaking kapatagan ang kaninang maumbok na puwit ng babae.

Napakamot ng ulo si Brenda at halatang medyo nahihiya, “Foam lang kasi ginagamit ko para lumaki yung balakang ko,” natatawang saad nito.

Napailing na lamang si Anton at ipinagpatuloy pa rin ang kanyang plano. Tinanggal niya ang kamay at inilipat ang paghipo sa harapan ng babae.

Dahan-dahan niyang binuksan ang zipper nito. Nasa kasagsagan na sila ng init ng katawan, at pawis na pawis naman na sa sobrang kasabikan si Anton. Ipinasok niyang muli ang kamay sa saluwal ng dalaga, pero bigla naman siyang napasigaw.

“ A-ano ‘to?” nanlalaki ang kanyang mata.

“Alam mo na, hihi” mahinang sagot ni Brenda.

“M-may lawit ka din?!” gulat na gulat na tanong ni Anton.

“Oo beh, meron!”

Napasigaw siya at itinulak agad ang kaharap, at nagmadali magbihis. Hindi makapaniwala si Anton sa nangyari. Napakapit lamang siya sa kanyang ulo habang nagmamaneho pauwi. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa naganap kani-kanina lang.

Hindi niya alam na may mga nakatagong camera pala sa bahay ni Brenda. Kumalat ang video sa internet at naging isang malaking katatawanan, dahil pinamagatan itong ‘Gwapo’t matangkad na lalaki, pero maliit ang ‘ano’.’

Ilang buwan din siyang hindi nakalabas ng pamamahay. Magmula ng araw na iyon, tinigilan na niya ang pambababae. Naging isang malaking aral ang pangyayaring iyon sa buhay niya.

Advertisement