Inday TrendingInday Trending
Sa Tuwing Nai-stress ay Puro Pagkain ng Matamis ang Tinitira ng Dalaga, Sisi ang Inabot Niya sa Huli

Sa Tuwing Nai-stress ay Puro Pagkain ng Matamis ang Tinitira ng Dalaga, Sisi ang Inabot Niya sa Huli

“Stress sa trabaho, stress sa pamilya, at higit sa lahat… stress sa love life!” inis na sigaw ni Vivian nang sa wakas ay makaligo siya nang gabi.

Kanina kasi ay nagkaproblema na naman sa trabaho niya ukol sa mga kulang na stocks. Ang malupit doon ay siya ang siningil ng lahat ng kanyang boss. Kaya tuloy ang tinrabaho niya ngayong araw ay pambayad niya lang sa mga stocks na hindi niya malaman kung saan nga ba napunta.

“Sus, if I know, nasa kanya na ‘yon,” tukoy niya sa masungit na boss. “Hay naku, hindi ko na muna iisipin ‘yan!”

Naglakad siya patungo sa refrigerator at kinuha ang paborito niyang cupcake. “Ay, ito pa pala,” hindi pa siya nagpaawat at bumalik pa. Kinuha niya rin ang panghimagas na leche flan.

Umupo siya sa harapan ng laptop at nanuod ng paborito niyang mga movies. “Bet ko itong palabas na ‘to, eh. Napakaganda nito!”

Pumwesto na siya nang maganda at saka nilantakan ang mga paborito niyang desserts. Kapag nauubos, hindi pa siya nakukuntento at binabalik-balik ang ibang mga pagkain sa refrigerator. Hanggang hindi natatapos ang pelikula, hindi rin natatapos ang kanyang pagnguya. Dumating pa sa punto na napapapikit na siya habang kumakain.

Ganito palagi ang sistema ni Vivian, lalo na kapag stressed siya. Noong una, sinubukan niya lamang kumain ng matatamis upang mawala kahit papaano ang lungkot na nadarama, lalo na nang mag-break sila ng boyfriend niya.

Ngunit habang tumatagal, tila naging adiksyon na iyon para sa kanya. Sa tuwing nalulungkot siya, kahit sa mga maliit na bagay ay puro matatamis na ang hinahanap ng kanyang dila. Kaya naman mula sa 50 kilos noon, naging mas mabigat ang kanyang timbang na 75 kilos na.

Dahil rin dito, simula nang iwan siya ng boyfriend, wala nang nagtangka na manligaw sa kanya. Ito ay dahil hindi na siya kasing sexy noon.

“Cute naman ako!” palagi niyang pagtatanggol sa sarili sa tuwing may namumuna sa kanyang tumabang katawan.

“Kahit na, wala na ‘yung dating alindog mo. Mag-diet ka, sayang ang ganda mo,” sabi ng isang kaibigan.

Hindi pinakikinggan iyon ni Vivian. Sa halip, patuloy pa rin siyang kumain ng matatamis. Sa tingin niya, sa bawat paglantak niya ng matatamis na pagkain, gumagaan ang pakiramdam niya.

Hanggang isang araw ay napatingin na lamang siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Halos hindi siya makapaniwala sa mga nakikita dito. Gusto niyang maiyak nang makita kung gaano kataba ang kanyang sarili sa salamin. Namalayan na lamang niyang naluluha na pala siya habang tinitignan ang sarili sa salamin.

Muli niyang tinignan ang bigat ng sarili sa timbangan. “Diyos ko po!”

Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “Mas lalo akong bumigat!”

Lalo siyang napaiyak sa nakita. Ngunit ang nakakatuwa roon ay wala sa sariling nagtungo siya sa refrigerator niya upang kumuha ng paboritong leche flan. Napansin niya nalang ang sarili nang mapalingon siya sa kamay at halos nangangalahati na ang kinakain niyang matamis na leche flan.

Naabutan siya sa ganoong ayos ng kanyang kaibigang si Beryl. “Anong ginagawa mo, Vivian?”

Napalingon siya dito at saka umiling. “Huwag kang lalapit! Hindi na ako ito. Hindi na ako ang dating sexy at magandang Vivian na kilala mo!”

Napapaluha pa rin siya habang nagsasalita. Napapailing na lang si Beryl at nilapitan siya. “Sino namang may sabi sa’yo na hindi ka na maganda? Maganda ka pa rin, ano!”

Maya-maya ay napangiti ito at nagbiro, “Hindi ka na nga lang sexy.”

Iyak-tawa niyang hinampas ang balikat ng kanyang kaibigan. “Niloloko mo naman ako, friend!”

“Hahaha! Hindi ah. Seryoso ako. Magandang-magandang ka pa rin sa paningin namin kahit na medyo nagbago ka na. Pero syempre, hindi naman namin pababayaan ang health mo, friend.”

Nagtaka siya sa sinabi ng kanyang kaibigan, kaya naman nagtanong siya dito. “Anong balak mong gawin?”

“Tingnan mo, kundi niyo!” tinawag nito ang mga taong kanina pa pala naghihintay sa labas.

Nakilala niya agad ang kanyang mga kaibigan na isa-isa nang pumasok sa apartment niya. Hiyang-hiya siyang magpakita sa mga ito. Ang iba kasi dito ay noong high school graduation niya pa huling nakita. Pakiramdam niya ay lalaitin at pupunahin ng mga ito ang malaking timbang na nadagdag sa kanyang katawan.

Ngunit nagtaka siya nang biglang hawakan ng mga ito ang kamay niya. Matapos noon, biglang sumindi ang isang nakakaindak na musika. “Mag-zumba tayo, friend.”

Bahagya siyang natawa sa sabay-sabay na sinabi ng mga ito. Pinilit siya ng mga ito na sumali sa kanilang zumba activities araw-araw. Tinuruan rin siya ng mga ito kung paano ang tamang diet at tamang paraan upang maiwasan o mabawasan ang stress na nadarama.

Doon niya nalamang na hindi naman pala niya kailangan ng kahit na anong matamis na pagkain, kundi matamis na ngiti at pag-indak lang ng kanyang mga kaibigan ay sapat na upang mawala ang lungkot na kanyang nadarama. Sa huli, mas naging healthy pa siya!

Advertisement