Inday TrendingInday Trending
Buong Akala ng Dalaga ay Hindi na Siya Makakapag-kolehiyo, Mabuti Nalang at may Hulog ng Langit sa Tumulong sa Kanya

Buong Akala ng Dalaga ay Hindi na Siya Makakapag-kolehiyo, Mabuti Nalang at may Hulog ng Langit sa Tumulong sa Kanya

“Tay, gusto ko po sanang mag-college,” ika ni Erika sa kanyang ama.

Malungkot na tumitig si Mang Carding sa kanyang anak. “Anak, pasensya ka na ha? Wala pa kasi tayong budget. Hindi ako nakahiram kahapon kay Madam,” tukoy nito sa boss niya.

Tumango ang dalaga. Ilang gabi na niyang iniisip kung kanino siya mangungutang ng pera pambayad sa tuition fee sa kolehiyo. Inggit na inggit siya sa mga kaklase niya noong high school dahil tapos na silang makapag-enroll. Tanging siya na lamang ang walang kasiguraduhan kung papasok sa kolehiyo.

Gabi-gabi rin siyang umiiyak dahil sa nararamdamang frustration sa kanilang mahirap na buhay. Maaga siyang naulila sa ina dahil sa nangyaring trahedya sa pinagtatrabahuhan nito. Hindi sila binayaran ng kumpanya ng ina at sa huli ay talo pa sila sa kaso.

Dahil sa kasong isinampa laban sa kumpanya ng kanyang ina, nagkanda-baon-baon sila sa utang. Kaliwa’t kanan na rin ang problema nila dahil sa mga bayarin sa bahay. Kaya naman hindi na rin maisingit ni Mang Carding, ang kanyang ama, ang gastusin niya para sa pagkokolehiyo.

Isang gabi ay natulog na naman siyang luhaan habang binubuo ang imahe ng mga dati niyang kaklase na excited nang bumili ng mga bagong gamit at magsukat ng susuotin nilang uniporme.

Hanggang sa sumapit ang isang linggo bago magpasukan ay dumagdag pa sa problema nila nang magkasakit ang kanyang ama. Kinailangan nitong mamalagi nang ilang araw sa ospital upang tuluyang magpagaling.

“Iyak ito nang iyak habang kinakausap siya,** “Anak, patawarin mo ang tatay… dumagdag pa ako sa problema. Hindi na nga ako makatulong para sa pagpapaaral sayo, naging sanhi pa ako ng gastusin.**”

Hinaplos niya ang noo ng ama. “Okay lang po yun, Tay. Sakto naman pong nagdagdagan ng isa pa ang part-time job ko, eh.”

Nagsinungaling si Erika. Ang katotohanan kasi ay desperada pa lang siyang makahanap ng panibagong part-time job ngayon na idadagdag niya sa tatlong part-time jobs niya. Kahit hirap na hirap na sa pagtatrabaho, hindi alintana ni Erika iyon; ang mahalaga sa kanya ay makatulong siya kahit papaano sa kanyang ama.

Isang araw nang manggaling siya sa labas upang bumili ng gamot ng ama ay narinig niya itong kausap ang kaibigan nito. “Wala na akong silbi, Nato. Sana natuluyan nalang ako nung nagkasakit ako.”

“Huwag mong sabihin ‘yan, Carding. Kahit alam nating ang anak mo ang nagtatrabaho para sayo ngayon, sayo pa rin siya nakakapit. Ikaw ang dapat na nakaagapay para sa kanya palagi,” sagot ng kaibigan ng ama. “Kung bakit naman kasi palagi mong iniisip ‘yang pagkokolehiyo ni Erika, ayan tuloy nagkasakit ka. Kung hindi kasi kaya ngayong taon, puwede namang sa susunod na taon na lang. Hindi ba?”

Nagulat siya sa narinig. Ang buong akala niya ay walang pakialam ang kanyang ama sa kagustuhan niyang mag-college. Hindi niya lubos akalaing magiging dahilan pa pala ng pagkakasakit nito ang pag-iisip nang sobra ukol sa pagkokolehiyo niya.

Agad siyang napaiyak sa isiping mas masakit para iyon sa kanyang ama. Dahil alam niyang iniisip nito ang mga bagay na lalong ikinasisikip ng dibdib nito noon.

“Siguro iniisip ni Tatay na wala siyang silbi dahil sa mga pangungulit ko sa kanya sa pagkokolehiyo pero wala siyang magawa. Gaano nga ba kasakit para sa kanya ang isipin ang mga iyon?”

Kaya naman simula nang marinig niya ang usapang iyon ay tuluyan na siyang sumuko ukol sa ideyang pagkokolehiyo. Nagdesisyon siyang magtrabaho na lamang.

Ngunit nang pupunitin niya na lang ang college application ay biglang may tumawag sa kanya. Isang hindi kilalang numero ang naka-rehistro.

“Hello?”

“Hi! Is this Miss Erika De Guzman?”

“Yes po.”

“Congratulations! Nakapasa ka bilang Natatanging Scholar ng ating unibersidad!”

Napakunot noo siya sa sinabi nito. Hindi malaman kung joke lang ito o seryoso. “Ano pong ibig niyong sabihin?”

“The good news is that your friends just applied for a scholarship especially just for you! At base naman sa investigations and background mo, pasado ka at eligible ka para maging scholar sa ating unibersidad. The only thing that you need to do is to take an exam para ma-complete ang application mo.”

Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Nalaman niya ring wala siyang babayaran ‘ni singko sa kolehiyo nang makapasa siya sa exam. Laking pasalamat niya sa kanyang mga kaibigan na nagawa pa niyang kainggitan noon.

“Walang anuman yun, Erika. Alam naming deserve mo talagang makapag-aral. Huwag kang mag-alala, since special scholar ka ng university, may allowance ka, so hindi mo na kailangang gawing tatlo ang part-time jobs mo.”

Masayang-masaya siya sa narinig. Labis-labis ang pasasalamat niya sa mga tunay niyang kaibigan, “Makakaasa kayo na pag-iigihan ko pa. Pangako, sabay-sabay tayong ga-graduate!”

Nagyakapan sila, at panay ang luha niyang nagpapasalamat pa rin sa mga ito.

Ilang linggo ang lumipas at dumating na ang araw ng kanyang pagsusulit. Nag-aral siyang mabuti at sinikap na ipasa ito. Makalipas ang ilang araw, nakuha niya ang resulta.

“Congratulations, Erika! Pasado ka!” sigaw ng kanyang mga kaibigan nang makita ang mga resultang inilabas.

Tuwang-tuwa siya sa balita. Hindi na siya nakapagpigil at nagpasalamat sa mga kaibigan. “Hindi ko kayo makakalimutan! Salamat sa suporta at sa pagtiwala sa akin!”

Mula noon, nagsimula na ang kanyang bagong buhay bilang estudyante sa unibersidad. Palagi niyang pinapahalagahan ang kanyang pag-aaral at mas naging determinado sa kanyang mga layunin sa buhay.

Sa huli, natutunan ni Erika na sa kabila ng mga pagsubok, hindi dapat mawalan ng pag-asa. Ang mga tunay na kaibigan ay nandiyan sa hirap at ginhawa, at ang pagmamahal sa pamilya ay nagbibigay ng inspirasyon upang lumaban sa buhay.

Advertisement