Hindi Malaman ng Dalaga ang Kaniyang Gagawin nang Biglang Inatake sa Puso ang Ina; Isang Liham ang Magbibigay Sagot sa Kaniyang mga Katanungan

Hindi Malaman ng Dalaga ang Kaniyang Gagawin nang Biglang Inatake sa Puso ang Ina; Isang Liham ang Magbibigay Sagot sa Kaniyang mga Katanungan

FamilyHeartbreakingStories

Sanggol pa lamang si Anna ng mapulot siya ng kanyang kinasginang ina na si Aling Myla sa harap ng kanilang pinto. Bagong lipat pa lamang noon sa lugar nila ang kanyang kinagisnang mga magulang. Sadyang mababait ang mag-asawang Myla at Edgar kaya naman ay inampon na lamang siya ng mga ito.

Naging masaya ang buhay ni Anna sa kinagisnang pamilya. Pinuno ng saya at tuwa ng mag-asawa ang kanyang pagkabata. Siya rin ang tumayong panganay na anak ng mag-asawa nang nakaroon na ang mga ito ng kanilang sariling mga supling.

Bagamat nagkaroon na ng kanilang sariling mga anak ay hindi naman pinabayaan ng mag-asawa si Anna. Patuloy nila itong minahal na para bang sarili nilang anak. Napakabait na anak at kapatid ni Anna. Labis niyang mahal ang kanyang kinagisnang pamilya na kailanman ay hindi ng mga ito ipinaramdam sa kanya na ampon siya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap si Anna na makapagtapos nang sa balang araw ay masuklian niya ang kabaitan ng mga ito sa kanya.

“’Nay, alis na po ako!” paalam ni Anna kay Aling Myla.

“O sige, anak, mag-iingat ka ha?” pagpapaalala naman ni Aling Myla sa anak.

Umalis na ng bahay si Anna at nagtungo na sa skwela. Isang Nursing student si Anna at pangarap niya ang maging isang doctor. May sakit kasi sa puso ang kanyang kinagisnang ina na si Aling Myla at ang bunsong kapatid.

Namana ng bata ang mahinang puso ni Aling Myla. Kaya gustong maging doktor ng espesyalista sa puso ni Anna. Para siya na mismo ang magsasagawa ng operasyon sa ina at kapatid.

Nagpatuloy lang sa pagpupursige si Anna hanggang sa makapagtapos na nga siya sa kursong kinuha. Kumuha siya ng kanilang Licensure Examination at pinalad namang nakapasa. Nagtrabaho muna siya bago magpatuloy sa pag-aaral ng Medisina. Ilang taon nalang naman at matutupad niya na ang kanyang pangrarap at matutulungan niya na ang kanyang kinagisnang ina at bunsong kapatid.

Ngunit hindi niya akalain na maikli na lamang pala ang panahong natitira ni Aling Myla. Isang araw ay bigla na lamang itong inatake sa puso at kinakailangang operahan. Hindi alam ni Anna kung ano ang gagawin niya kaya naman nagpunta na lamang siya sa chapel ng ospital, lumuhod, at taimtim na nagdasal sa Poong Maykapal.

“O Diyos ko, parang awa Niyo na po. Gagawin ko po ang lahat, buhayin niyo lang po ang Nanay Myla ko. Utang ko po sa kanya ang buhay ko. Mahal na mahal ko po siya. Ako nalang po ang kunin Niyo,” luhaan ang mga mata ni Anna habang buong pusong nagmamakaawa sa Diyos.

Pagkatapos magdasal ay pinuntahan ni Anna ang mahal na ina sa kwarto nito. Natutulog ito ng may maraming nakakabit na mga apparatus at makina. Nadudurog ang puso niya. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ina. Utang niya dito ang buong buhay at pagkatao niya.

Naisip niya din ang mga nakakabatang mga kapatid at ang kanyang kinagisnang ama na si Mang Edgar. Napapikit siya at huminga ng malalim. Nakapagdesisyon na siya.

Alam niyang mahabang panahon ang kanyang gugugulin sa pag-aaral ng Medisina at may posibilidad talaga na hindi na siya umabot sa ina, pero ganun pa man ay nagbakasakali siya at sumugal. Pilit niyang hinahabol ang panahon habang nagdadasal araw-araw na sana ay huwag muna.

Ngunit may ibang plano ata talaga ang Diyos para sa kanila dahil dumating ang araw na kanyang kinakatakutan, ang araw na inatake. Matagal na siyang nakapag-desisyon sakali mang dumating ang araw na ito at hindi pa siya isang ganap na doktor.

Ibibigay niya ang puso niya. Ibibigay niya ang puso niya para mabuhay ang pinakamamahal na ina. Tutal kung hindi naman dahil dito at sa pamilya nito ay matagal na din niyang nilisan ang mundo.

“Miss, I would like to donate my heart para sa operasyon ni Mrs. Myla Santiago,” pahayag niya sa isang nars.

“Ay ‘wag na po kayong mag-alala ma’am, mayroon na po tayong puso para kay Mrs. Santiago. Ang totoo po niyan ay maisasagawa na natin ang operasyon maya-maya lang,” nangiting tugon sa kanya ng nars.

Nagtaka at naguluhan naman si Anna sa kanyang narinig. Ano? Paano nangyari iyon? Ilang oras palang ng inatake ang kanyang ina. Pero kahit na nahihiwagan ay nagpasalamat nalang ang dalaga.

Isinagawa agad ang operasyon at naging matagumpay naman ito. Labis na nagagalak ang kanilang pamilya. Ilang araw lang din at maaari na itong umuwi sa kanila.

“Ah dok, pwede ko ba kayong ma-istorbo?” Tanong ni Anna sa doktor na nagsagawa ng operasyon kay Aling Myla.

“Miss Santiago, right? Ano ang maipaglilingod ko sayo hija?” malugod na sagot ng doktor sa dalaga.

“Tungkol po sa operasyon po ng aking ina, maaari ko po bang malaman kung sino ang nagbigay ng puso sa kanya?” napangiti naman ang doktor sa narinig sa dalaga na para bang may naalalang masayang alaala.

“Confidential ang kanyang pangalan pero isa siyang pasyente dito. Matagal na siya dito. Mahigit dalawampu’t taon na ata. Alam naming napakalungkot ng buhay niya pero kahit na ganun ay parati niya paring pinipilit na ngumiti at tumawa,

Mahina ang katawan niya at ano mang oras ay pwede siyang mawala. Pero ‘wag kang mag-alala, malakas naman ang puso niya. Hindi ko rin alam pero isang araw, naaalala ko pa nun, parang nawalan na siya ng pag-asa sa buhay at parang susukuan niya na ang buhay niya kaya pumunta siya sa taas ng rooftop. Laking gulat ko na lamang nang aawatin ko na sana siya ng bigla nalang siyang humingi sakin ng pabor,

Nagulat ako ng sinabi niya sa sa akin na isang araw, kapag dumating ang isang araw at kinakailangan ng puso ni Myla Santiago at buhay pa ang puso niya ay ibigay ko raw ito dito. Nagulat ako sa pabor na hinihingi niya. Naguluhan din ako, pero hindi ko magawang tumangi dahil nakikita ko sa mga mata niyang ito talaga ang kahilingan niya,

Napakabuti niyang tao at marami ang natutuwa sa kanya. Kaya bakit ko ipagkakait sa kanya ang nag-iisa niyang kahilingan. Kaya pumayag ako. Ilang buwan na din siyang brain dea*d. Mga makina na lang ang bumubuhay sa kanya.”

May kinuhang isang sobre ang doktor at iniabot sa kanya. Tiningnan niya naman ito na para bang nagtatanong kung ano ito.

“Ipinabibigay niya sa anak ni Myla Santiago. Sa panganay na anak na babae ni Myla Santiago,” nakangiti nitong saad sa kanya.

Nagpasalamat si Anna sa doktor at umalis na. Nahihiwagaan talaga siya sa pagkatao ng pusong nagsagip sa buhay ng kanyang ina.

Binuksan niya ang sobreng ibinigay sa kanya ng doktor. May lamang itong maikling liham sa loob. Kinuha niya ito at binasa.

Miss Santiago,

Panganay na anak ni Myla Santiago, hindi na importante kung ano ang pangalan ko o ang aking katauhan. Gusto ko lamang malaman niyo na labis akong nagpapasalamat sa pamilya Santiago. Punong-puno ang puso ko ng pasasalamat sa kanila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa’yo. Pasensiya na kung hindi ko man lang magawang magpakilala. Wala kasi akong mukhang maihaharap sa inyo. Lalong-lalo na sa iyo, anak. Patawarin mo sana ako. Sana ay sapat na ang puso ko kapalit ng pagmamahal at pag-aaruga nila sayo. Mahal na mahal kita. Paalam.

Nagmamahal,

Isang kaibigan

Hindi napigilan ni Anna ang kanyang mga luha pagkatapos basahin ang hawak na maikling liham. Umiyak siya nang umiyak habang hawak ang kapirasong papel na tanging alaalang iniwan ng kanyang tunay na ina.

Lumipas ang ilang taon at naging isang ganap na doktor si Anna. Natupad niya ang kanyang pangarap na siya mismo ang magsasagawa ng operasyon sa kanyang bunsong kapatid at naging matagumpay naman ito. Umayos na rin ang lagay ni Aling Myla simula ng mapalitan ang puso nito. Napakalakas nga raw ng bagong puso nito na para bang handing lumaban sa kahit anong pagsubok sa buhay.

Ngayon ay nakatayo si Anna sa harap ng isang puntod na kaytagal niyang hinanap.

“Maraming salamat po, ‘nay,” mahinang usal niya sa hanging para bang yumayakap sa kaniya.

More Stories