Wala Nang Mahihiling Pa ang Babaeng Ito sa Kaniyang Nobyo; Ngunit May Isa Itong Gawi na Labis Niyang Ipinagtataka

Kung tutuusin at kung titingnan, wala namang mali kay Lance. Marami ang nagsasabi kay Stephanie na mapalad siya sa pagkakaroon ng isang kagaya ng binata, na nobyo niya ngayon.

Nagtapos ng magna cum laude sa isang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas at nakatapos ng masteral studies sa New York.

Mayaman at may sariling negosyo.

Bonus na lamang ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Kaya sa tuwing naglalakad sila sa mall o kung saan pa man, sanay na siya na napapa-‘second look’ kay Lance ang mga makakasalubong nila, mapa-babae o may pusong babae.

Anong gagawin niya? Alangan namang dukutin niya ang mga mata ng mga ito o kaya isako niya si Lance para walang ibang makakita? Hindi naman puwede iyon. Hindi naman niya ito maikukulong sa kuwarto nito.

Pero hindi rin naman siya basta-basta. Maganda, balingkinitan ang katawan, at nakatapos din naman siya ng hindi basta-bastang kurso sa kolehiyo.

Ngunit may isang bagay na kakaiba kay Lance. Gustong-gusto nito na nagsusuot siya ng makapal, mahaba, at itim na medyas, sa tuwing nagkikita sila.

Kaya ang ginagawa ni Stephanie, nagsusuot siya ng pantalon sa tuwing nagkikita sila ng nobyo, upang maitago ang mahaba at itim na medyas. Kaya naman hindi siya makapagsuot ng bestida o dress sa tuwing nagkikita sila.

Advertisement

Nagagalit ang kaniyang nobyo at hindi siya pinapansin kapag hindi siya nakasuot ng mahaba at itim na medyas.

Isa pa, kapag may nakikita itong babaeng naka-stockings ng kulay-itim, hindi na maaalis ang malagkit na paningin dito, bagay na ikinaseselos at ikinababahala naman ni Stephanie.

Kapag nakita na nito ang suot-suot na mahabang itim na medyas, agad na silang magtutungo sa condo nito. Isa pa sa ipinagtataka niya, kung ano-anong posisyon at kung saan-saan silang bahagi ng condo nito kapag magyayarian na sila; habang suot pa rin niya ang mahabang itim na medyas.

Minsan ay sinubukan niyang hubarin ang mahabang itim na medyas sa kalagitnaan ng kanilang pag-uulayaw. Kitang-kita niya ang pagrehistro ng pagkainis sa mukha ni Lance.

“Bakit mo tinanggal?” tanong nito.

“Eh… gusto ko lang, hindi ako komportable ngayon na may suot eh,” katwiran ni Stephanie. Pero ang totoo niyan, nais lamang niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng nobyo kapag tinanggal niya ang itim na medyas.

“Sa susunod ha, huwag mong tatanggalin,” at tila nawalan na ng gana sa kaniyang ginagawa si Lance. Humiga na ito sa kama. Nakita ni Stephanie ang paglambot ng alaga nito sa pagitan ng mga hita.

“Oh, an’yare? Tara na…” nabitin naman si Stephanie.

Advertisement

“Ayoko na. Tara na, tulog na lang tayo. Nawalan na ako ng gana.”

Simula noon ay hindi na inulit ni Stephanie ang pag-aalis ng kaniyang mahabang itim na medyas kapag nagyayarian sila ni Lance.

Dahil sa labis na pagtataka, kumonsulta si Stephanie sa isang espesyalista tungkol dito. Inilahad niya sa doktora ang mga naobserbahan niya kay Lance.

“Ang tawag diyan ay f*tishistic disorder,” paliwanag ng doktora. “Sa madaling salita, fet*sh. Ang mga taong may ganitong disorder ay mahilig sa mga bagay na nakakapagbigay-kasiyahan sa kanila, lalo na sa ‘love making’. Mga bagay na gusto nilang nakikita, naaamoy, nalalasahan, o nahahawakan sa kanilang partner, kagaya ng kulay, damit, at sa kaso ng nobyo mo, itim na medyas,” paliwanag ng espesyalista.

“Masama po ba ito, dok?” tanong ni Stephanie.

“Hindi naman, basta’t napapangasiwaan naman, at hindi ito nagiging dahilan upang manakit ang isang taong may fetish sa kaniyang kapareha. Pero kung nagiging dahilan ito sa pagkawasak ng isang relasyon, mas makabubuting kumonsulta agad sa kagaya kong espesyalista upang mapangasiwaan ito. Makabubuting kausapin mo ang nobyo mo tungkol dito. Maging tapat ka sa kaniya. Sabihin mo sa kaniya, hindi ka na komportable sa mga pinapagawa niya sa iyo. Samahan mo siya kapag sasangguni na siya.”

At sinunod naman ni Stephanie ang payo ng doktora. Kinausap niya nang masinsinan si Lance tungkol dito. Pumayag naman ito sa mungkahi niya.

“Gusto ko na ring mawala ito eh. Ayaw kong magkasala sa iyo, Steph, kasi sa tuwing nakakakita ako ng ibang babae na nakasuot ng mahabang itim na medyas o stockings, nababaling ang atensyon ko sa kanila. Ayoko namang magselos ka at magduda sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo,” wika ni Lance.

Advertisement

Sa pamamagitan nga ng pagkonsulta sa isang espesyalista ay unti-unting napangasiwaan ni Lance ang kaniyang matinding fet*sh.

Hanggang sa unti-unti, kaya na niyang tumabi kay Stephanie kahit hindi na ito nakasuot ng mahabang itim na medyas sa tuwing sila ay nagyayarian. Nakontrol na rin niya ang sarili sa pagsulyap nang malagkit sa mga babaeng nakikita niyang nakasuot nito.