Kung Kayo, Kayo Talaga
“Berting, bakit? Sabi mo tayong dalawa na? Sabi mo ako lang yung iibigin mo hanggang sa huli?” naiiyak na sinabi ito ni Gloria sa kanyang kasintahan.
“Gloria, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya iyon. Nadala lamang ako ng bugso ng damdamin,” paliwanag ni Berting.
“Kahit kailan ay hindi naging rason iyon para lokohin mo ako,” ani Gloria na masama ang loob dahil nakabuntis si Berting ng ibang babae habang sila ay magkasintahan.
“Ikaw ang mahal ko Gloria, ikaw lang ang mahal hanggang sa walang hanggan,” pagmamakaawa ni Berting sa kasintahan.
Ito ang mga ‘di malilimutan na alaala ni Berting sa kanyang pinakamamahal niya na si Gloria.
Nasa balkonahe ngayon si Berting. Malalim ang kanyang iniisip, dala na rin ng kalungkutan dahil mag-isa na lamang siya. Kasalakuyan ay nakaplano nang na tumira sa bansa ang nag-iisa niyang anak, kasama ang pamilya nito. Ayaw ni Berting manirahan sa doon, at gusto na maiwan na lang dito. Ayaw sumang-ayon ng kanyang anak niya, pero pinilit pa rin ni Berting na hindi siya sasama. Hanggang sa napagpasyahan ng dalawa na dadalhin na lamang si Berting sa Home for the Aged.
Dahil sa katandaan ay madalas ay ginugugol na lamang niya ay kanyang mga oras sa pag-alala ng masasaya niyang ala-ala noong kabataan niya.
Tandang-tanda niya pa ang mga dapit hapon na ang lagi niya kasama ay si Gloria.
“Gloria, halika at mamasyal tayo sa mag-ilog,” pagyaya ni Berting kay Gloria habang pauwi sila galing eskwela.
“Sige, susunod ako sa’yo doon Berting. Magpapalit lang ako ng damit ko na pangbahay,” sagot ni Gloria.
Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Dahil magkasing-edad ay mas nagkasundo ang dalawa. Magkaklase sa eskwela, magkalaro sa kalsada at magkapitbahay sa bukid. Ganyan kabait ang tadhana sa kanila, at lagi sila ang magkasama.
At kahit na lumaki na sila at naging mga dalaga at binata ay hindi pa rin nagbago ang kanilang pagkakaibigan. Minsan nga lang ay may mga pagkakataon na mas pinipili ni Berting kasama ang kaibigang lalaki at si Gloria naman ay madalas kasama ang mga kaibigang babae.
Pero kahit na ganoon ay nandiyan pa rin silang dalawa para sa isa’t isa. Akala nga ng mga kaklase nila ay magkasintahan na silang dalawa.
Lumipas ang ilang taon, nagkaroon na ng kanya-kanyang trabaho ang isa’t isa. Hindi na sila magkasama sa lahat ng pagkakataon, pero kahit na ganoon man ang nangyari ay mas lalong naging malalim ang pagkakaibigan nilang dalawa.
Madalas ay nagseselos na ang isa, lalo na pag may iba na silang mas nakakasama. At unti-unti. sa tinagal ng panahon mula pagkabata, ay tuluyan ng naging magkasintahan ang dalawa. Punong-puno na ng pangarap ang dalawa para sa hinaharap.
Tila isang perpektong relasyon na nabuo mula sa tunay na pagkakaibigan. At sa hindi nila namalayan ay naging mundo na nila ang isa’t isa.
Hanggang sa dumating na ang araw na paulit-ulit na naalala ni Berting.
“Berting, bakit? Sabi mo tayong dalawa? Sabi mo ako lang yung iibigin mo hanggang sa huli?” naiiyak na sinabi ito ni Gloria sa kanyang kasintahan.
“Gloria, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya iyon. Nadala lamang ako ng bugso ng damdamin,” paliwanag ni Berting.
“Kahit kailan ay hindi naging rason iyon para lokohin mo ako,” sigaw ni Gloria sa kaniya.
“Ikaw ang mahal ko Gloria, ikaw lang ang mahal hanggang sa walang hanggan,” pagmamakaawa ni Berting sa kasintahan.
‘Di lubos maisip ni Gloria, na ng dahil lang sa isang pagkakamali ay tila mababago lahat ng pangarap na kanilang binuo. Sa sobrang sakit ay mas pinili ni Gloria, bitiwan ang kanilang relasyon. Masakit isipin na may isang bata ang mawawalan ng ama, kung pipilitin niya pa ang relasyon nila.
Labis naman na nagsisisi si Berting sa kasalanan na nagawa. Hindi niya lubos maisip na mawawala sa kanya si Gloria. Nagulat na lang siya nang isang araw ay hindi na niya makita or mahanap si Gloria. Nalaman na lang niya sa mga magulang nito na lumuwas ito ng Maynila dahil nais nitong magpakalayo-layo upang makalimot.
Kahit naisin man na habulin ni Berting si Gloria, ay nakatali na siya sa pamilya ng babaeng nabuntis niya. Kaya mula noon ay hindi na nagka-anak pa ng iba si Berting pero sa paglipas ng panahon ay natutunan na rin niyang mahaling ang kaniyang anak at ang ina nito.
Si Gloria naman ay nakipagsapalaran na lang sa Maynila, dahil hindi nito nais pang bumalik sa probinsiya, kung saan masisilayan niya si Berting. Nanirahan siya sa kanyang kamag-anak. At simula din noon, na naramdaman ni Gloria ang sakit ng maloko, ay hindi na siya sumubok pang magmahal muli. Mas pinagtuunan niya ang pansin na magtrabaho at nag-ipon para mailuwas ang kanyang pamilya sa Maynila. Nang malaman ni Berting na lilipat na ang pamilya ni Gloria sa Maynila, ay tuluyan na nga niyang binitiwan ang pag-asa babalik ang mahal niya.
Iyan ang huling mga alaala na mayroon siya para kay Gloria. Minsan nga ay iniisip nito kung kamusta na siya, kung may pamilya na ba siya o kung buhay pa ba siya.
Sa pagmumuni-muni niya, ay tinawag na siya ng kanyang anak.
“Tay, halika na. Luluwas na tayo papuntang Maynila. Ihahatid ka na namin sa Home for the Aged,” tawag ni anak sa kanya.
Nakakalungkot man para kay Berting, pero dahil sa katandaan ay tanggap naman niya na balang araw ay ganito ang kanyang kahahantungan.
Mas pinili ng anak ni Berting na sa Maynila dalhin ang ama, dahil doon ay may magagandang pasilidad at mas ma-aalaagaan ang kanyang ama ng husto. Nang makarating sa lugar, ay nagikot muna silang pamilya. magbilin ng mga pangaral si Berting sa kanyang. Mamayang gabi na rin kasi ang flight nila.
Malungkot man para sa kanila, ngunit nais lang talaga ni Berting na manirahan dito sa Pilipinas. Maya-maya nagpaalam ang ang lahat kay Berting, maging ang mga apo nito. Tuwing Pasko at Bagong Taon naman ay uuwi sila sa Pilipinas upang ipagdiwang ito kasama siya.
Pagkaalis ng kaanyang anak ay naisipan niya munang magikot-ikot sa lugar.
“Aba puro oldies nga ang mga tao dito,” bulong ni Berting sa sarili.
Sa kanyang paglalakad, may isang nakakuha ng kanyang atensyon. May matandang babae na nakawheelchair ang naggagantsilyo sa may veranda. Tahimik lang uto at hindi nakikihalubilo sa mga nagkakatuwaan na matanda.
“Ayan si nanay, matagal na siyang nandito. Dalawang dekada na. Halos dito na nga siya talaga tumanda eh,” sabi ng isang babae nagaalaga sakanila. Napansin kasi nito ang malalim na pagtitig ni Berting.
May kurot sa puso ni Berting na posible pala ang ganon. Na halos dito ka na tatanda.
“Bakit wala ba siyang kasama sa buhay? kahit man lang mga anak?” tanong nito sa babae.
“Ang alam ko po ay wala ho. Matandang dalaga po siya, at mga apo sa pinsan lang po siya dati nakikituloy. Balita ko po ay dinala po siya ng mga kamag-anak niya dito dahil wala na ang my gusto na samahan siya. Masungit daw ho kasi dahil matandang dalaga,” kwento ng babae
“Ah ganoon ba?” sagot ni Berting.
“Wala ho yan kinakausap dito. Basta gigising, kakain at maggagantsilyo lang ho siya araw araw,” dagdag na kwento ng babae.
“Isang cabinet na ho ata ang ginawang niyang mga damit na ginantsilyo. Inalok po siya ni Sister Fe kung gusto niya ibenta, nagalit pa po. Ayaw na ayaw niya,” paglalahad ng babae na umalis na dahil tinawag siya ng isang matanda para magpatulong.
“Nakakalungkot pala ang mga kwento ng mga matatanda dito. Bagay ata nga ako dito,” pabiro nitong sinabi sa sarili.
Maya-maya ay nakita niya ang matandang babae na nagagantsilyo na aalis na sa veranda at ng mapaharap ito sa kanila, laking gulat niya na si Gloria ang babaeng tinititigan niya. Kahit mauti na ang buhok nito at puro na kulubot ay kitang-kita at kilalang-kilala niya ang mukha na ito, si Gloria.
Napangiti sa tuwa si Berting, tinititigan niya ang matanda habang padaan ito sa kanya. Nagkasalubong ang dalawa at nagkatitigan, maya-maya ay tinuloy na ng matandang babae ang pagwheelchair, linagpasan si Berting.
“Hindi niya ata ako nakilala,” bulong ni Berting na nalungkot.
Pero pagkalagpas ng matandang babae ay agad din itong huminto at tumalikod.
“Berting?” tanong ng babae sa kanya.
“Gloria…” nakangiting sagot nito sa matandang babae.
Wala ng ibang sinagot pa ang babae kundi isang napakalaking ngiti. Nilapitan ni Berting si Gloria at niyakap. Hindi niya lubos maisip na sa ganitong paraan at pagkakataon sila pagtatagpuin ng tadhana.
“Mahal, nandito na ako,” sambit ni Berting habang yakap yakap si Gloria.
“Berting, wala akong ibang minahal kung hindi ikaw,” naiiyak na sagot ni Gloria.
Walang mapagsidlan ang saya ng dalawa ng magkita. Nakalimutan nila ang lahat ng nakaraan at tila ba ay mga dalaga’t binata sila na gusto magsimula ulit. Laking gulat din ng babaeng tiga-bantay na magkakakilala pala ang dalawa. At sa unang pagkakataon, ay nasilayan ng mga tao doon ang ngiti ni Gloria.
Simula noon, ay lagi na silang magkasama. Binansagan na silang ‘lovers’ ng mga tao doon. Lagi silang magkasama sa lahat ng pagkakataon, sinusulit ang bawat na sila ay magkasama. Pinatawad na ang nakaraan, at magsaya sila dahil kahit man lang sa huling sandali ng kanilang buhay ay pinagtagpo sila ulit ng tadhana. Dahil ang pagmamahal nila ay ‘di kayang limutin ng dahil lang sa tagal ng panahon.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!