Napakagaspang ng Pagtrato ng Byenan na Ito sa Kanyang Manugang na Walang Trabaho, Nang Maging Milyonaryo Ito ay Halos Lumuhod Siya Dito
“Ano ba naman ‘yan Mercy mag-aasawa ka nalang ‘yung wala pang trabaho!” sigaw ni Aling Mila sa kanyang panganay na anak. Masyado siyang nadidisappoint sa anak. Hindi niya kasi akalaing mag-aasawa na ito. Kahit aminado naman siyang nasa tamang-edad na ito ay hindi niya pa ring maiwasang mainis sa anak dahil kailangan niya pa ito para tustusan siya at mga kapatid nito. Lalo siyang nabwisit nang kunin pa ito ng asawa at itira sa ibang bahay. Doon siya lalong walang napala sa anak. Kaya ngayon ay dinalaw niya ito upang manghingi sana ng pambaon ng mga kapatid nito. Pero laking-gulat niya nang makitang walang trabaho ang manugang niya samantalang ang anak ay kauuwi lang galing sa opisina. Kaya todo-parinig ang ginawa niya sa lalaki pagdating ng kanyang anak. Wala naman siyang naririnig na pagsagot mula sa lalaki. “Ma, tapos na kasi ang kontrata ni Leo sa project nila,” pagtatanggol na naman ng anak niya sa asawa. Hindi siya naniniwalang isa itong Engineer. Ang tanging nakatatak sa isipan niya ay batugan ang lalaki at kinakawawa ang anak niya. “Sayang ang talino mo kung aaksayahin mo sa lalaking ginagatasan ka lang!” Ilang buwan ang lumipas at masayang dumalaw ang anak niyang si Mercy kasama ang asawa nito sa kanya. Laking-gulat niya dahil naka-kotse na ang dalawa. Napakarami pang pasalubong ng mga ito. “Anong nakain niyo at ang dami niyo naman ‘atang pasalubong sa amin? At kanino naman galing ‘yang sasakyan sa labas?” “Ma! Naka-jackpot po si Leo sa last project niya. Kumita po siya ng milyon!” masayang balita ni Mercy. Biglang nagbago ang timpla ni Aling Mila, “Totoo ba ‘yan?” “Opo, Ma. Successful po kasi ‘yung last project ko at nagustuhan pa ng contractors kaya may bonus pa po ako.” “Tama si Leo Ma, balak din naming magpatayo ng bahay natin at bigyan kayo ng mapagkakakitaang negosyo.” Natigilan si Aling Mila. Hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad sa kanyang manugang. Lalo na’t hindi nagtagal ay tinupad nga ng mag-asawa ang pangako para sa kanya. Tuwang-tuwa at halos sambahin niya na ang kanyang manugang na si Leo. Nagsisi rin naman siya sa pang-aalipusta dito noon. Tunay ngang ang buhay ay parang isang gulong.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.