Hindi Binigyan ng Pera ang Dalagita Kaya Naglayas ito, Kalbaryo Pala ang Sasapitin Niya sa Kanyang Pag-alis
Naglayas si Ariela sa kanilang bahay dahil sa naging pag-aaway nila ng inang si Aling Delia. Hindi kasi siya nito binigyan ng pera na pambili sana ng bagong damit.
“Ma naman! Pera lang ipinagdadamot mo pa,” sigaw ng dalagita.
“Namimihasa ka na sagut-sagutin ako, ha! Kapag sinabi kong hindi, hindi! Aanhin mo ang bagong damit, e kakabili ko lang sa iyo nung nakaraang linggo?” inis na wika ng ina.
Matapos na magsagutan ang mag-ina ay hindi na muling nagpakita ang dalagita. Ilang araw itong hindi umuwi sa bahay nila. Sobra namang nag-alala si Aling Delia sa pagkawala ni Ariela.
Agad siyang lumapit sa pulisya para humingi ng tulong ngunit maski ang mga pulis ay nahirapang matunton ang kinaroroonan ng dalagita. Lumipas ang mga araw hanggang umabot na sa isang buwan na hindi nagpapakita si Ariela. Panay pa rin ang pangungulit ni Aling Delia sa mga pulis.
“Mamang pulis, nahanap niyo na po ba ang ang anak ko,?” tanong niya sa isang pulis.
“Sorry, ma’am pero wala pa rin kaming balita, e!” anito.
“Nasaan na kaya ang anak ko?!” nag-aalalang tanong niya sa sarili.
Dumating sa punto na nagkabit na siya ng mga larawan ng mukha ng kanyang anak bilang nawawala ito at nagtanong-tanong sa mga nandoon.
Habang nagkakabit ng larawan, isang dalagita ang lumapit sa kanya.
“Ma, ako po ito, si Ariela!” anito.
Sa una ay hindi niya nakilala ang anak dahil sa madumi at sira-sira nitong suot na damit ngunit habang matagal niyang pinagmamasdan ang mukha nito ay nakilala rin niya ang nawalang anak.
“A-anak ikaw ba iyan? Anong nangyari sa iyo? Matagal ka na naming hinahanap!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Aling Delia.
Hindi ito kumibo at tila malalim ang iniisip. Hindi na niya inusisa pa ang anak at isinama na niya sa pag-uwi.
Habang nasa poder niya si Ariela ay napansin niya ang pagpapakita ng mga kakaibang senyales. Nahihirapan itong makipag-usap sa iba at tumatawa kapag mag-isa lang ito.
“Diyos ko, anong nangyayari sa anak ko?” aniya.
Mula sa mga sintomas na ito ay napag-alaman niya na nagkaroon ng sakit na schizophrenia ang anak nang ipakonsulta niya ito sa eksperto.
“Misis, base sa pagsusuri ko sa iyong anak ay mayroon siyang schizophrenia. Ito ay isang mental disorder na nakakaapekto kung paano nag-iisip at kumukilos ang isang tao,” paliwanang ng doktor.
“Ang kaawa-awa kong anak!” aniya.
Agad niyang kinausap si Ariela at mula rito ay napag-alaman niya na matapos maglayas ng anak ay kinidnap ito ng isang matandang lalaki at sapilitang ikinulong sa loob ng bahay nito. Sinabi ni Ariela na ang kumidnap sa kanya ay si Mang Kanor. Mula raw noon ay itinago na ito ng lalaki sa inuupahang apartment kung saan ito nakatira kasama ang anak na lalaki. Ipinagtapat din nito na hindi siya pinapayagang lumabas ng matanda at minsan ay iginagapos ito para hindi makatakas.
“A-ayaw po nila ako paalisin sa kanila at palagi nila akong kinukulong sa kuwarto!” sumbong pa ng dalagita.
“Ang mga walang hiyang iyon, ipapa-pulis natin sila, anak!”
Dito na humagulgol nang malakas ang anak.
“M-meron pa silang ginawa sa akin!”
“At ano pa iyon, anak?” tanong niya.
“P-pinagsamantalahan nila ako, ma!” bunyag ng dalagita.
Parang sinaksak sa dibdib si Aling Delia nang malaman ang sinapit ng anak sa kamay ng kumidnap rito.
“Ang hayop na iyon! Magbabayad siya sa ginawa sa iyo!” sabay yakap ng mahigpit sa anak.
Ngunit may pahabol pa pala si Ariela sa ina.
“Ma, hindi lang po si Mang Kanor ang gumalaw sa akin. Pinagsamantalahan din ako ni Tony, iyong anak niyang lalaki. Buti na lamang at nakatakas po ako ng hindi nla namamalayan kundi ay nakakulong pa rin ako sa bahay na iyon.”
Sa matinding galit ay naibagsak ni Aling Delia ang hawak na pinggan sa sahig.
Agad siyag nagpunta sa pulisya at isinuplong ang mag-amang kumidnap kay Ariela.
Nagpasama siya sa mga ito para arestuhin ang mga suspek sa bahay nito. Masuwerte namang nahuli si Tony ng mga pulis. May balak pa sanang tumakas ang lalaki ngunit hindi iyon umubra sa mga kasamang pulis ni Aling Delia.
“Hayop kang lalaki ka! Mabubulok kayo sa kulungan ng tatay mong manyakis! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong pambababoy sa anak ko!” wika ni Aling Delia sa galit na tono.
“Hoy, nasaan ang manyak mong tatay?” tanong ng isang pulis.
“W-wala na siya, pumanaw na si itay nung isang araw. Pinagsasaksak siya ng kainuman niyang adik, ” sagot ng lalaki.
Natigilan si Aling Delia at lihim na natuwa sa sinapit ng matanda.
“Tama lang iyon sa kanya, kulang pa ang kamatayan sa ginawa niyong kahalayan sa anak ko!”
Nakulong si Tony sa kasong kidnapping at panghahalay. Gustuhin man ni Aling Delia na maparusahan din sa kulungan si Mang Kanor ay huli na dahil sinundo na ito ni kamatayan. Iyon na rin siguro ang karma ng matandang lalaki sa ginawang krimen.
Napagtanto ni Ariela na sana ay hindi na siya nakipagmatigasan sa ina at naglayas, hindi niya sana sinapit ang masaklap na nangyari sa kanya. Nangako ang mag-ina na sa susunod na mayroong hindi pagkaka-unawaan ay agad nila itong pag-uusapan ng maayos upang maiwasan ang mga posibleng trahedya.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.