Inday TrendingInday Trending
Dahil Gipit sa Pera ay Pumayag na Makipagniig ang Lalaki sa Mayamang Matrona, Pagsisisihan niya Pala ang Pagpatol Dito

Dahil Gipit sa Pera ay Pumayag na Makipagniig ang Lalaki sa Mayamang Matrona, Pagsisisihan niya Pala ang Pagpatol Dito

Nagmamadaling umuwi si Dominic dahil nabalitaan niya na isinugod sa ospital ang nakababatang kapatid na si Sally. Nahirapan ito sa paghinga dahil sa sakit nito sa puso. Pagdating niya sa ospital ay agad niyang nakitang umiiyak ang isa pang kapatid na si Marie.

“Marie, nasaan na si Sally?” tanong nito sa kapatid niya na halos hindi maipinta ang mukha.

“Kuya, nasa ICU. Nahirapan siyang huminga kanina at muntik nang mawalan ng malay. Ang sabi ng doktor kailangan daw siyang operahan,” wika ng kapatid.

Parang binagsakan ng langit at lupa si Dominic sa narinig.

“Kailan daw magaganap ang operasyon?”

“Sa lalong madaling panahon daw, kuya!”

“Magkano ba ang kailangan?” aniya.

“Nasa isang daang libong piso hanggang tatlong daang libo raw, kuya,” anito.

Napahawak siya sa kanyang noo at napabuntong-hininga.

“Saang kamay ng Diyos ko kukunin ang ganoong kalaking halaga?”

Hindi lubos na maisip ni Dominic na mangyayari ang ganito sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na humarap siya sa ganitong sitwasyon mula noong pumanaw ang ama nila. Ang ina naman niya’y hindi na niya halos nakilala dahil matapos manganak sa bunso nilang kapatid ay agad itong sumama sa ibang lalaki. Wala siyang ibang magawa kundi maghanap ng paraan para mabuhay silang magkakapatid.

Dahil hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay humantong lamang siya sa pagiging construction worker. Kahit maliit ang kanyang kinikita sa trabaho ay nagagawa pa rin niyang pag-aralin ang dalawang kapatid ngunit nahinto ang bunsong kapatid na si Sally sa pag-aaral dahil sa karamdaman nito.

Para makapag-isip ay lumabas muna siya ng ospital at nagpahangin.

Habang tahimik siyang nakatayo sa tabi ng poste ay napansin niyang may humintong kotse sa kanyang harapan. Isang mayamang matrona na naghahanap ng panandaliang aliw.

Hi, pogi! Puwede ka ba?” tanong nito.

Napagkamalan siyang call boy ng matrona kaya lumabas ito sa kotse at nilapitan siya. Natipuhan siya nito dahil guwapo, at matikas ang kanyang pangangatawan, Matangkad din siyang lalaki at hindi mapagkakailang siya ay lapitin ng mga babae sa kanilang lugar. Maging mga lalaking may pusong babae ay napapatitig sa mala-Adonis niyang hitsura.

“Bago ka dito ‘no?”

Napilitan na magsalita si Dominic.

“O-oho,” maikli niyang sagot.

“Sabi ko na nga ba, e! Ako si Greta. Baka naman puwede ka ngayon, pogi. Malaki akong magbayad. Gusto mo ba?” malanding tanong ng matrona.

Alam niya kung ano ang gustong mangyari ng may edad ng babae. Naisip niya ang kapatid na nakaratay sa ospital at kinakailangang operahan.

“Magkano ba?” tanong niya rito.

“Depende sa performance mo, pogi. Huwag kang mag-alala, marami akong pera at kaya kitang bayaran sa kahit magkanong gusto mong halaga. Iyan ay kung magugustuhan kita,” sabi ng matrona.

Hindi na siya nag-isip pa at pumayag sa alok nito. Sa pagkakataong ito ay handa niyang pasukin ang gawaing ngayon lang niya gagawin dahil wala na siyang mahanap na ibang paraan. Sumakay sila sa kotse at nag-check-in sa malapit na motel. Doon ay nagpakasasa sa kanyang katawan ang mayamang matrona. Inubos naman niya ang lahat ng kanyang lakas para mapaligaya ito. Makailang beses niya itong inihatid sa kaluwalhatian.

Nang makaraos sila ay agad siyang binayaran ni Greta.

“Ayan, ha, sampung libo iyan dahil sobra mo akong napaligaya!” sabay abot ng pera sa kanya.

“Salamat!”

“Maaari pang madagdagan iyan kung gusto mo, basta tawagan mo lang ako sa numero ko!” sabay abot ng calling card.

Nagmamadali siyang bumalik sa ospital at binayaran ang gagastusin para sa operasyon ng kapatid ngunit hindi pa iyon naging sapat, kaya nang sumunod na gabi ay tinawagan niya ang numerong binigay ni Greta at muling nakipagkita rito. Nasundan pa ang mga pangyayaring iyon hanggang sa gumaling na ang kapatid niya.

Lumipas ang tatlong linggo ay maayos na nakalabas ng ospital si Sally at nagpapagaling na sa kanilang bahay. Dumalaw naman ang kanilang tiyuhin na si Nilo, kapatid ng kanillang yumaong ama para kumustahin ang kalagayan ng kapatid.

Habang naghahanda ng pananghalian ay may kumatok sa pinto ng kanilang bahay. Nang buksan niya iyon ay nagulat siya.

“G-Greta? Anong ginagawa mo rito?” gulat niyang tanong.

“Hi, sabi mo kasi nakalabas na sa ospital ang kapatid mo, kaya pumunta ako dito at para makita ka,” anito.

Hindi naman inasahan na lumabas sa kusina ang tiyuhing si Nilo at nakita ang kausap niya sa labas ng pinto. Laking gulat ng matandang lalaki sa taong nakita niya.

“Amalia?” sabi nito sa malakas na boses.

Halatang nagulat rin si Greta nang makilala ang lalaki.

“N-Nilo, anong ginagawa mo rito?” gulat na sabi ni Greta.

Napakamot sa ulo si Dominic. Naguguluhan siya sa nangyayari.

“Magkakilala kayo?’ tanong niya.

“Hindi ako puwedeng magkamali, Dominic, siya si Amalia at siya ang inyong INA,” bunyag ng matandang lalaki.

“A-ano? Hindi maari!” malakas na bigkas ni Dominic at biglang nanlumong napaupo sa sofa.

“Huwag mong sabihing sila ang…” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Greta na hindi rin makapaniwala sa nalaman.

“Oo, siya ang panganay mong anak, si Dominic. Magkakilala na pala kayo?”

Bumuhos ang mga luha sa mga mata ng mag-ina. Hindi nila inasahan na magkikita sila sa ganoong sitwasyon. Laking pagsisisi ni Dominic nang pumayag siya na may mangyari sa kanila ng mayamang matrona dahil nalaman niyang ito pala ang inang umadandona sa kanilang magkakapatid. Iniwan ng babae ang ama nina Dominic dahil lasenggo ito at walang matinong trabaho at mas piniling sumama sa mayamang Australyano. Nagpalit din ito ng pangalan.

Halos sumabog naman ang damdamin ni Greta nang matuklasang ang lalaking napagkamalan niyang call boy at ilang beses na nagbigay sa kanya ng panandaliang aliw ay kanya palang anak na iniwan niya sa matagal na panahon.

“P-patawarin niyo ako, h-hindi ko sinasadya!” tanging nasabi ng matrona.

Dahil sa labis na kahihiyan ay nagmadaling umalis si Greta at kailanman ay hindi na nagpakita. Isa namang bangungot ang karanasang iyon para kay Dominic na babaunin niya hanggang siya ay nabubuhay. Kaya naman magmula noon ay isinumpa niyang kailanma’y hindi na papasok sa maduming gawain.

Sinikap ng binata na makatapos ng pag-aaral, kasabay ng pag-aalaga sa mga kapatid. Lahat naman ng kanyang pagtitiyaga at pagod ay namunga ng maganda nang makapagtapos siya ng kursong Architecture at naging isang matagumpay na arkitekto. Patuloy niyang pinag-aral ang mga kapatid upang makasigurong makakatayo na ito sa sarili nilang mga paa. Hindi nagtagal, lahat sila’y naging mga matagumpay na tao.

Kinalimutan na lamang ni Dominic ang masalimuot at nakakakilabot na nakaraan at nagbagong-buhay kasama ang mga minamahal na kapatid.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement