Inday TrendingInday Trending
Inuna ng Babaeng ang Pamilya at Kinalimutan ang Sarili Hanggang sa Tumandang Dalaga; Ano ang Kinabukasang Naghihintay sa Kaniya?

Inuna ng Babaeng ang Pamilya at Kinalimutan ang Sarili Hanggang sa Tumandang Dalaga; Ano ang Kinabukasang Naghihintay sa Kaniya?

Pag unang anak daw ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang. Lahat ng gusto naibibigay. Halos lahat ng gamit ay bago. Bawat pag-iyak ay musika sa tenga, bawat ngiti ay nakakapagpapawi ng pagod at bawat sandali ay ninanamnam ng lubos.

Hangang sa masundan ang unang anak, na ngayon ang tawag na sa kaniya ay ‘ate o kuya’. Ang dating lagi mong nilalambing, niyayakap hinahalikan ay may kahati narin. Hangang sa lumaki ang panganay mong anak na tumatak sa kanyang isipan na kailangan niyang maging responsable. Hindi lang para sa kaniya kung hindi para sa buong pamilya. Ang dating isang musmos lamang ngayon ay pumapasan na ng responsibilidad sa buhay. Ganon na yata ang buhay ng mga panganay.

Katulad ni Jaja, panganay siya sa anim na magkakapatid. Paborito siya ng kanyang ama na si Mang Delfin isang pricipal sa mababang paaralan malapit sa kanila at ang ina niyang si Aling Audrey isang butihing may bahay.

Maayos ang buhay nila Jaja, limang taong gulang lamang siya noon ng magkaroon ng kapatid na si Jona.

“Anak, ate kana ngayon ha. Kailangan alagaan mo ang kapatid mo, kasi darating ang araw ikaw lang ang aasahan nilang lahat,” saad sa kanya ni Aling Audrey. Ang laging bilin sa kanya ng ale. Bata pa lamang si Jaja ngunit tumatak na ito sa kanyang puso’t isipan.

Hangang sa dumaan ang taon na nanganak pa ang ina niya at nagkaroon siya ng tatlo pang maliliit na kapatid. High school na noon si Jaja, at nagiging mahina narin ng kanyang ama dahil sa kaka inum nito ng alak.

“Pa, wag kana inom ng inom. Magkakasakit ka niyan e,” saad ng dalaga sa kanyang ama.

“Basta anak, ano man ang mangyari, lagi mong tatandaan. Wag na wag mong pababayaan ang mga kapatid mo ha,” baling sa kanya ng ama na lasing na ng mga oras na iyon. Hangang sa makatapos si Jaja kolehiyo ay tuluyan na ngang nagkasakit ang kanyang ama. Nagkadiabetis ito, sakit sa atay at may pneumonia na rin. Unti-unting nauubos ang ipon ng kanilang pamilya at si Jona naman ay papasok na rin sa kolehiyo.

“Mama, pupunta akong ng Maynila at maghahanap doon ng trabaho para makatulong sa inyo,” saad ni Jaja sa kanyang ina. Agad na lumuwas ang dalaga papunta ng Maynila. Maraming kumpanya ang tumatangap sa kanya ngunit hindi ito pumapasok sa sahod na kailangan niyang makuha para makatulong sa kanyang pamilya. Kaya naman pinatos na ng dalaga ang pagiging call center agent.

Mahirap man dahil pang-gabi ito ngunit triple naman ang kanyang sinasahod kumpara sa iba. Ilang buwan lamang ng mabalitaan niyang hindi na kinaya ng kanyang ama, pumanaw na ito. Hindi malaman ni Jaja ang gagawin ng mga panahong iyon.

“Jaja, anak ano na gagawi natin? Wala na ang papa mo. Hindi ko na kayang mabuhay pa,” wika ng ina niya sa kanya.

Nagtrabaho nang nagtrabaho si Jaja na halos wala ng matira sa kanya. Ngunit hindi pa man nakakaisang taon na pumanaw ang kanyang ama, sumunod na nawala ay ang kanyang ina.

Matapang at hindi umiyak si Jaja sa puntod ng kanyang mga magulang. “Ma, Pa. Gabayan niyo po ako, hindi kopo pababayaan ang mga kapatid ko,” saad ng dalaga.

Dumaan ng mga araw na ginawa niyang gabi, dalawa minsan tatlong pang trabaho ang pinapasok niya mabuhay lamang ang mga kapatid. Bukod sa pagiging call center sa gabi, tumangap rin ng tutorial ang dalaga at nag o-online selling din ito ng mga pabango, bag, avon, natashia at boardwalk. matustusan lamang ang pangangailangan ng buong pamilya.

Hangang sa nakatapos si Jona sa kolehiyo at may nakatulong na siya sa pinansiyal kahit papaano. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil nabuntis si Jona ng nobyo nito at hindi na makakatulong pa sa kaniya.

May mga araw na lang na dadaanan na bibigay ang dalaga at iiyak lang ito ng iiyak sa kanyang kwarto. “Bakit ganito? Sobrang hirap! Hirap na hirap na ako mama, papa. Hindi ko na kaya!” saad ni Jaja.

Umuwi siya ng kanilang probinsya kung saan andoon sila Jona at ang nobyo nito pati narin ang tatlo niyang kapatid na sina Jonathan na papasok na ng kolehiyo, si John at Jeremy na parehas nasa high school.

“Mag aabroad ang ate para makapag-aral kayong lahat. Isa lang ang hiling ko, yung ayusin niyo yung buhay niyo habang wala ako. Yun nalang ang tanging matutulong niyo sakin,” matigas na saad ng dalaga sa kanyang mga kapatid.

Hangang sa nangibang bansa na nga si Jaja. Nakapasok siya bilang isang assitant ng isang mabait na Arabo, malaki ang sahod niya at lahat ng iyon ay ipinapadala niya sa kanyang pamilya. Kahit isang luho para sa kanyang sarili ay hindi pa niya nabibili. Maging ang magkanobyo ay hindi parin nararanasan ng dalaga.

Hangang sa lumipas ang maraming taon, nakapagtapos na ang lahat ng kanyang kapatid, umuwi narin siya ng Pilipinas. “Ate Jaja, salamat sa lahat ng sakripisyo mo,” sabay yakap sa kaniyang ng mga kapatid na mahabang panahon niyang hindi nakapiling. Sa mga oras na iyon, doon niya naramdaman na naging mabuti siyang ate at nagawa niya ang habilin sa kaniya ng kanilang mga magulang.

Pinuntahan ni Jaja ang puntod ng mga magulang para mag-alay ng bulaklak. “Mama, Papa. Andito na ako sa pinas, bumalik na ako. Nakapagtapos na rin ang lahat ng mga kapatid ko,” wika ni Jaja.”Matanda na rin ako at hindi ko na alam anong nangyari sa sariling buhay ko,” sabay patak ng kanyang mga luha sa puntod. “Pero wala akong pinagsisihan sa lahat, dahil ngayon nakikita kong maayos sila. Maayos kami mama, maayos kami papa,”

At tumanda ng dalaga si Jaja. Hindi man siya nagkaroon ng nobyo ay lagi namang nakaalalay sa kanya ang mga pamangkin nito na ang tawag sa kanya ay mama. Masaya ang dalaga kahit pa kinalimutan niya ang sarili para sa kapakanan ng pamilya.

Ang ating mga anak ay siyang ating kayamanan. Tama nga lang ba talagang ipapapsan natin sa kanila ang mga responsibilidad na dapat tayong mga magulang ang umaako?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement