Inday TrendingInday Trending
Nasigawan ng Lalaki ang Kaniyang Ina Dahil sa Madalas Nitong Paghingi ng Pera; Ikinagulat niya Nang Malaman Kung Saan Dinadala ng Ina ang Pera

Nasigawan ng Lalaki ang Kaniyang Ina Dahil sa Madalas Nitong Paghingi ng Pera; Ikinagulat niya Nang Malaman Kung Saan Dinadala ng Ina ang Pera

Upang matulungan ang kaniyang mga magulang ay nagpasya si Roel na mangibang bansa. Dalawang kapatid niya ang kailangang matustusan ang pag-aaral at habang tumatagal ay lalong lumalaki ang kanilang gastusin.

“Ma, sa susunod na buwan na po ang alis ko, ‘pag nakapagsimula ako doon ay ako na ang sasagot sa matrikula ng mga kapatid ko,” wika niya sa ina.

“Salamat Roel, alam kong hindi mo naman obligasyon iyon ngunit natutuwa akong tutulungan mo kami ng papa mo.” sagot naman nito.

Pagdating ni Roel sa Saudi ay isang malaking pagbabago ang kaniyang naranasan, ibang-iba ang klima doon at sa umpisa ay madalas siyang naging sakitin. Halos hindi nga mawala ang kaniyang ubo at sipon.

“Ayos ka lang ba diyan, anak? Bakit parang lumala ang ubo mo?” tanong ng kaniyang ina sa telepono.

“Kaya nga po ma, hindi pa siguro sanay ang katawan ko sa klima rito, masyadong mainit, hindi kagaya sa probinsya natin na mahangin,” paliwanag niya.

Sa unang tatlong buwan ay walang palya ang pagpapadala ni Roel ng pera para sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid, ang ibang kinikita niya naman ay ginagamit niya para mabili ang mga bagay na dati niya lamang pinapangarap.

“Wow may bagong labas na sapatos na pala ang Nike, makabili nga nito, gustong-gusto ko ‘to eh.” bulong niya sa sarili habang tumitingin sa isang shop.

“Sir, do you want to get these shoes?” tanong ng saleslady.

“Yes can you get me size 10, please?” sagot naman niya.

Sa bawat araw ng kaniyang sahod ay kung ano ano nga ang binibili niyang kagamitan, ipinagmamalaki niya pa ito sa kaniyang ina na tuwang-tuwa rin naman para sa kaniya.

“Tingnan niyo ‘to ma, bumili ako ng bagong cellphone, luma kasing yung ginagamit ko eh nakakahiya sa mga kasamahan ko ako lang may antigong telepono.” pagbibiro niya.

“Mukhang mamahalin ‘yan anak ha?” tugon naman ng kaniyang ina.

Minsan ay tumawag ito sa kaniya upang manghingi ng kaunting perang pandagdag sa kanilang mga bayarin sa bahay.

“Roel, baka pwede mo naman akong padalhan ng kahit isang libo ngayon, hindi na kasi magkakasya itog badyet ko. Napakataas ng bill ngayon sa kuryente.”

“Sige ma tatawagan ko po kayo pag naipadala ko na,” sagot naman niya.

Sa loob ng dalawang taon niyang pagtatrabaho doon ay naging madalas na nga ang paghingi ng kaniyang ina ng dagdag na pera, mayroong isang libo, limang daan, dalawang libo, depende kung magkano ang kailangan nito. Isang araw ay nasagot na ni Roel ang palahinging ina.

“Ano ba naman yan ma, kakapadala ko pa lang nung isang linggo ah, ang usapan natin ay pag-aaral lang ng mga kapatid ko ang sasagutin ko pero para yatang pinaako niyo na sa ‘kin lahat,” wika niya.

“Pasensya ka na anak, hayaan mo at huli na ito, wala lang talaga akong ibang malapitan,” paliwanag ng matanda.

Mula noon ay tumigil na ito sa paghingi sa kaniya ng dagdag na salapi. Tanging ang pambayad na lamang ng matrikula at pambaon sa eskwela ng kaniyang mga kapatid ang pinapadala ni Roel sa pamilya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay mawawalan siya ng trabaho.

“I’m sorry, you all have to go back home, the company is closing and we do not have any money to pay for you anymore.”

“But sir, I have family to feed, I need this work.”

“Sorry Roel, there’s nothing else I could do.”

Labis na nanlumo si Roel sa biglaang pagpapauwi sa kaniya sa Pilipinas, di niya lubos maisip kung paano ipapaliwanag sa pamilya ang nangyari, wala pa siyang naiipong pera at hindi pa nakakapag tapos ang kaniyang mga kapatid. Nasorpresa naman ang kaniyang mga magulang sa biglaan niyang pagdating.

“Anak, di mo naman sinabi na uuwi ka pala. Hindi man lang kami nakapaghanda,” wika ng kaniyang ina.

“Ma, wala na akong trabaho, pinauwi kaming lahat dahil nagsara na ang kumpanya, paano ko na kayo matutulungan?” sagot niya.

“Ano ka ba anak, wag kang malungkot. Marami pa namang ibang trabaho riyan, sigurado akong matatanggap ka ulit.”

Dalawang araw matapos ang kaniyang pag-uwi ay napansin ng kaniyang ina ang palaging panlulumo ni Roel, kaya naman naisipan niyang kausapin ito.

“Roel, bakit palaging nakabusangot ang mukha mo?”

“Namomroblema kasi ako ma, wala mang lang akong naipong pera sa pamamalagi ko sa Saudi, paano na ang panggastos dito sa bahay? Wala man lang akong maiaabot sa inyo,” sagot niya.

“Wag mo nang problemahin iyon, naalala mo yung mga pinadala mo sa aking pera? Ang totoo niyan ay itinago ko ang mga iyon, alam ko kasi na hindi ka marunong mag-ipon kaya ako na ang gumawa para sa iyo.”

Iniabot sa kaniya ng matanda ang isang kahon na naglalaman ng salapi. Naroon ang lahat ng dagdag na pera na hiningi ng kaniyang ina. Kung susumahin ay aabot din iyon sa limampung libong piso.

“Ma! Nasigawan ko pa kayo dahil sa paghingi niyo sakin nito noon, sorry ma.”

“Wala iyon anak, naiintindihan ko naman.” malumanay nitong sagot.

Ginamit ni Roel ang inipong pera ng ina upang muling makapang-ibang bansa. Dahil sa leksyon na natutunan ay sinimulan niya na ang pag-iipon ng salapi para mayroon siyang magamit sa panahon ng kagipitan.

Hindi natin alam kung kalian tayo maaring magipit, kaya mahalaga ang pag-iimbak upang sa araw ng paghihirap ay maroong mapagkukunan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement