Hindi Pinaniwalaan ng Ina ang Sumbong ng Kaniyang Anak na Sinasamantala Siya ng Amain; Pinagsisihan Niya sa Huli ang Pangbabalewala sa Dalagita
Mag-isang binubuhay ni Mercy ang kaniyang dalagitang anak na si Lizzy magmula nang iwanan sila ng kaniyang asawa.
“Anak, okay lang ba sa iyo na magkaroon ako ng boyfriend, matagal ko na kasing tinatago sa iyo ito eh, kasintahan ko na si Roger,” wika niya sa anak.
“Ano, ma? Bakit naman si Mang Roger pa? Eh napakabatugan nun.”
“Huy hindi ah, tsaka mabait kasi siya.”
Wala na ngang nagawa si Lizzy kundi suportahan ang kaniyang ina kung saan ito sasaya. Nang tumagal ay dumadalaw-dalaw na si Roger sa kanilang tahanan.
“Magandang hapon Lizzy, nariyan ba ang mama mo?” tanong ni Roger.
“Ah opo, pasok po kayo.” sagot ni Lizzy.
Sinamahan niya ang lalaki patungo sa kanilang sala at tinawag ang kaniyang ina.
“Ma, andito si Mang Roger.”
“Sige, lalabas na ako,” sagot ni Mercy habang nag-aayos ng buhok.
Akmang iiwan ni Lizzy ang dalawa sa salas nang tawagin siya ng kaniyang ina upang kausapin.
“Anak, nakapagdesisyon na kasi kami ni Roger na dito na siya titira sa atin.”
“Ang bilis naman yata niyan ma, sigurado po ba kayo?” tanong niya.
“Lizzy, naisip ko kasi hindi ligtas na kayong dalawa lang ng mama mo ang nandito sa bahay, mabuti na yung may lalaki kayong kasama,” sabad ni Roger.
Tumango na lamang si Lizzy dahil wala naman siyang magagawa kung iyon talaga ang gusto ng kaniyang ina. Nang sumunod na araw ay naghakot na si Roger ng kaniyang mga gamit sa kanilang bahay. Kinagabihan ay naganap ang una nilang hapunan ng magkakasama.
“Masaya ako na nandito ka na Roger, mas mapapanatag na ang loob ko lalo pa’t madalas akong nasa trabaho.”
“Masaya rin ako na magkasama na tayo. Huwag kang mag-alala, hangga’t nandito ako walang mangyayaring masama sa inyong mag-ina.”
Tahimik lamang si Lizzy na nakikinig sa dalawa. Araw-araw ay ganoon ang kanilang naging senaryo na mapagkakamalan na silang isang buong pamilya, sa loob nga ng isang taon ay naging mapayapa ang kanilang pagsasama kahit hindi naging malapit ang loob ni Lizzy sa amain.
Hanggang sa nagbago ang mapayapa nilang buhay nang isang gabi ay magising siya sa kaluskos sa loob ng kaniyang kwarto. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay nakita niya si Roger na nakatingin sa kaniya.
“Mang Roger, anong ginagawa niyo rito?”
“Sshh huwag kang maingay,” bulong ng matanda bago ito dahan-dahang lumapit sa kaniya.
Hinahawakan ni Roger ang makinis na binti ni Lizzy nang sipain siya ng dalagita, dahilan upang mawalan siya ng balanse at mahulog sa sahig. Agad namang tumakbo si Lizzy ngunit nahawakan ni Roger ang kaniyang paa.
“Oras na magsumbong ka, ako mismo ang gigilit sa leeg ng nanay mo,” babala ni Roger bago lumabas ng pintuan.
Takot na takot naman si Lizzy at magdamag siyang nanatiling gising. Kinabukasan ay pinuntahan niya si Mercy sa kusina upang ibulong sa ina ang kamanyakan ni Roger.
“Ma, si Mang Roger kasi, hinipuan niya ako kagabi,” wika niya.
“Anong pinagsasabi mo Lizzy? Eh katabi ko siyang matulog kagabi.”
“Ma maniwala ka sa ‘kin.”
“Ikaw bata ka kung ano-anong iniimbento mo, alam ko namang ayaw mo sa kaniya kaya sinisiraan mo siya.”
Tahimik namang nakikinig si Roger sa usapan ng mag-ina, lalo tuloy lumakas ang kaniyang loob dahil alam niyang hindi paniniwalaan ni Mercy ang sarili niyang anak.
Nagpalipas muna siya ng isang linggo bago muling tangkaing pagsamantalahan ang dalagita. Nang mahimbing si Mercy sa pagtulog ay lumabas siya at nagtungo kay Lizzy. Alam niyang ikakandado nito ang pinto kaya’t nakahanda na ang susing gagamitin niya para rito.
Dinakma niya ang bibig ng dalagita saka ito tinutukan ng patalim.
“Subukan mong sumigaw, paglalamayan ka bukas!” babala niya.
“Huwag po, maawa kayo, bata pa po ako,” pakiusap ni Lizzy.
Dahan-dahang ipinasok ni Roger ang kaniyang kamao sa loob ng damit na suot niLizzy habang binubulungan siya ng malalaswang salita, nanginginig naman ang kalamnan ni Lizzy sa kahayupang ginagawa sa kaniya ng amain.
“Yan muna ang gagawin natin ngayon, gusto kong unti-untiin ka Lizzy,” wika ni Roger bago umalis.
Naiwang tulala at umiiyak ang kawawang si Lizzy. Hindi niya lubos maisip ang sinapit sa kamay ni Roger. Kinaumagahan ay sinubukan niya muling isumbong ito kay Mercy ngunit kagaya ng dati ay hindi siya nito pinaniwalaan.
“Sumosobra ka na Lizzy ha! Isa pa! Sige huwag kang tumigil sa paninira kay Roger at palalayasin kita,” wika ni Mercy.
Pinanghinaan naman ng loob si Lizzy dahil hindi siya pinaniniwalaan ng kaniyang ina. Halos gabi-gabi siyang napupuyat kakabantay sa kaniyang pintuan upang hindi na muling makapasok si Roger.
Ngunit isang araw ay maagang umalis si Mercy papasok sa trabaho, walang kamalay-malay si Lizzy na nakapasok na sa kaniyang silid ang amain. Nagising na lamang siyang nakapatong na ito sa kaniya at tinatangka siyang pagsamantalahan.
“Huwag! Maawa ka… Huwaaaag!!!” sigaw niya habang nagmamatigas.
“Huwag kang malikot, papahirapan mo pa ako eh,” sagot ni Roger habang nanlilisik ang mata.
Dahil sa pagpupumiglas ay hindi na napigilan ni Roger na saktan ito, tatlong malalakas na suntok sa tiyan ang umubos ng lakas ni Lizzy hanggang sa siya ay tuluyan nang nawalan ng malay. Nang matapos si Roger ay agad siyang tumakbo papaalis, naiwan ang duguang si Lizzy sa kaniyang kama na nakahandusay.
“Lizzy nandito na ako, naghanda ka na ba ng hapunan?” sigaw ni Mercy pagdating sa kanilang bahay.
Nang hindi sumagot ang anak ay sinilip niya ito sa silid at natagpuan ang napagsamatalahang anak.
“Lizzy, hindi! Anak gumising ka!”
Napansin niyang wala na si Roger sa kanilang tahanan at doon niya napagtanto na pawang katotohanan ang lahat ng sumbong ng kaniyang anak.
Isinugod niya si Lizzy sa ospital kung saan nakumpirma ang kahalyang pinagdaanan nito sa kamay ni Roger, nang siya ay magkaron ng malay ay inilahad niya sa pulisya ang lahat ng nangyari.
“Anak, patawarin mo ako hindi ako naniwala, huwag kang mag-alala hindi ako titigil hanggat hindi siya nakukulong.”
“Ma, ma binaboy niya ako, hindi ko matanggap ma.” hinagpis ng biktima.
Makalipas lang ang dalawang linggo ay natunton na ang lugar na pinagtataguan ni Roger. Dahil sa matibay na ebidensya ng medico legal ni Lizzy ay nasintensyahan siya ng habang-buhay na pagkakakulong.
Hindi naging madali para kay Lizzy na tanggapin ang kaniyang pinagdaanan ngunit sinikap niyang mabuhay ng masaya sa kabila ng napakapait na kahapon.
Hindi na muling nakipagrelasyon si Mercy dahil mas tinutukan niya ang anak na halos mabaliw na sa sinapit, isinumpa niyang mula noon ay wala nang sinuman ang mananakit kay Lizzy.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!