Inday TrendingInday Trending
Muling Nakita ng Lalaki ang Dating Nobya sa Kanilang Reunion, Magkatuluyan na Kaya Sila Ngayong Biyudo na Siya?

Muling Nakita ng Lalaki ang Dating Nobya sa Kanilang Reunion, Magkatuluyan na Kaya Sila Ngayong Biyudo na Siya?

Mula nang yumao ang asawa ni Gerry ay hindi na niya naisipang mag-asawa muli, pinagtuunan niya ng panahon ang kaniyang negosyo at ang pagpapaaral sa kambal niyang anak.

“Congrats mga anak! Salamat at hindi niyo ako binigo, sigurado akong masaya ang Mommy niyo ngayon para sa inyo.” Pagbati niya sa kaka-graduate lang na mga anak.

“Thanks dad! Kasi kahit magisa na lang kayo ay itinaguyod niyo kaming dalawa.” Sagot ng isang kambal.

Minsan siyang naglalakad-lakad sa isang mall nang makasalubong niya ang matalik na kaibigan noong siya ay nasa hayskul.

“Gerry long time no see.” Bati nito.

“Luke! Grabe laki ng pinagbago mo ah, pareho tayo namumuti na ang buhok.”

“Pero gwapo pa rin.” Sabay tawanan nilang dalawa.

Ilang minuto rin silang nagkamustahan at pagkatapos ay nagpalitan ng mga numero ng telepono bago tumuloy sa kani-kanilang lakad. Makalipas nga lang ang isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Luke.

“Gerry may hayskul reunion nga pala tayo sa Disyembre, punta ka ha.”

“Talaga? Mukang masaya iyan ah, sige pupunta ako.”

Sa araw ng reunion ay nakita ni Gerry ang dating mga kaklase at kabigan, karamihan sa mga ito ay may mga asawa na, hindi rin maikakaila ang malaking dagdag sa kanilang edad.

“Gerry! Dito ka sa lamesa namin.” Paanyaya ni Luke.

Masaya silang nagkukwentuhan nang dumating ang isa sa pinakamagagandang kaklase nila.

Si Jenny.

Halos lahat sila ay napatingin dito, bagaman halatang tumanda ay dala pa rin rito ang lakas ng dating at magandang postura. Ito rin ang huligg naging nobya ni Gerry bago siya ikasal sa kanyang misis.

“Hello, kamusta kayo?” Masayang bati nito.

“Okay naman, ikaw Jenny kamusta?” Sagot ni Gerry.

Inalok niya itong umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya at pinaunlakan naman ito ng babae. Ang buong grupo nila ay masayang nagkamustahan buong gabi, tila ba bumalik sila sa kanilang pagkabata at muli nilang inalala ang masasaya nilang karanasan.

“Naalala niyo ba tong si Luke dati? Nung nahuli siya ng teacher natin na nangongopya tapos bigla siyang binato ng libro.” Wika ng isa.

“Ako lang ba? Eh yung isa nga diyan patay na patay kay Jenny torpe naman, sakin pa pinapaabot yung love letter niya.”

Hagalpak silang lahat ng kakatawa habang namumula si Gerry sa pambubuking ng kaibigan. Matapos ang pagtitipon ay kani-kaniya nang umuwi ang lahat. ngunit niyaya muna ni Gerry si Jenny na magpalipas ng oras sa isang Coffee shop.

“Kamusta ka naman? Halos walang nagbago sayo.” Wika niya.

“Okay naman ako, eto pabalik-balik ng Pilipinas, sa USA na kasi ako nakatira.” Sagot nito.

“Talaga? Kasama mo ba doon ang asawa mo?” Pag-uusisa niya.

“Palabiro ka talaga, wala akong asawa Gerry, nung naghiwalay tayo hindi na ako nagka-nobyo ulit.”

Nabuhayan ng loob si Gerry, sa tinagal tagal ng panahon ay mukhang sila dalawa pa nga yata ang itinadhana para sa isa’t isa. Kinuha niya ang numero ng telepono ni Jenny at madalas na silang nagusap mula noon.

Di nagtagal ay umamin ito sa kaniya ng tunay na nararamdaman.

“Ang totoo kasi niyan hindi naman talaga ako nakapagmove on sating dalawa, mula noon hanggang ngayon Gerry, hinintay kita.” Paliwanag ni Jenny.

“Hindi pa naman huli ang lahat para sa atin diba? Pwede pa nating subukan.” Sagot niya.

Muli nga niyang niligawan si Jenny, agad naman siyang sinagot nito ngunit sa kasamaang palad ay kinailangan na nitong bumalik sa Amerika sa lalong madaling panahon.

“Mga anak, may sasabihin sana ako sa inyo eh.” Bungad niya sa kambal.

“Alam na namin yan dad, in love ka na no?”

“Pano niyo nalaman?”

“Palagi kang kinikilig pag may ka-text ka eh. Dad, okay lang samin yun, kung saan ka masaya dun ka, susuportahan ka namin.” wika nila.

Labis ang pasasalamat niya sa pagiging maunawain ng dalawa. Makalipas nga ang tatlong buwan ay sinundan niya na si Jenny sa Amerika at doon na rin nanirahan. Minsan ay dinadalaw sila ng kaniyang mga anak, at natutuwa naman siyang makitang may maayos silang relasyon kay Jenny.

Tunay ngang ang pag-ibig na talagang itinadhana at kahit pinaghiwalay pa ng matagal na panahon ay babalik pa rin sa tunay na tinitibok ng puso.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement