Inday TrendingInday Trending
Napunta Lang ng Amerika ay Kinahiya na ng Ginang ang Pagsasalita ng Tagalog, Isang Foreigner pa ang Nagmulat sa Kanya sa Katotohanan

Napunta Lang ng Amerika ay Kinahiya na ng Ginang ang Pagsasalita ng Tagalog, Isang Foreigner pa ang Nagmulat sa Kanya sa Katotohanan

“You know what, I cannot understand what you are saying. Can you please speak in English?” Nagulat ang mga kamag-anakan ni Marjorie nang marinig ang sinabi niya. Iilan lamang ang nakaintindi dito ngunit ang sigurado nila’y kasalukuyang pinapahiya ng ginang ang nakatatandang kapatid nito. “Ang sabi ko, ang yabang mo na. Nakatikim ka lang ng dolyar, akala mong hindi ka galing sa Pinas!” Napangisi si Marjorie na halata namang naintindihan ang sinabi ng ate niya. Pero kasing-kapal ‘ata ng dolyares niya ang pagmumukha niya dahil dedma siya sa mga mapanghusgang tingin ng nasa paligid niya. Sa isip-isip niya’y wala siyang pakialam sa mga ito. Mas mataas ang posisyon niya sa mga ito, dahil bukod sa mas marami siyang pera sa mga ito ay mas magaling pa siyang mag-ingles kesa dito. “Hello po, nay! Nandito na po ako.” Nagulat siya nang dumating ang isang dalaga sa bahay nila. “Is this your eldest, sis?” Tanong niya sa ate niya. Dinedma na rin siya ng ate niya. “Nay sino po…” nahihiyang tanong ng anak nito sa kanyang ina. “Oh hi there, I’m your Aunt Marj,” pakilala niya na sa sarili. “Ah hello po..” Natatawa siya sa itsura ng dalaga, “Hay ang mga pinoy nga naman. Makarinig lang ng Ingles, nanginginig na sa takot.” “Bakit po tumatawa kayong mag-isa, Auntie?” tanong ng pamangkin niya. Umiling, “No, don’t mind me. Uhm, what’s your name again?” “Marianne po.” “Okay, but can you please speak in English? I couldn’t understand you very well, dear.” Tipid na ngumiti lang ang dalaga. Ilang oras pang nagyabang si Marjorie sa loob ng tahanan ng kanyang ate kung saan kumpulan ang mga kamag-anakan niyang nag-aabang ng pasalubong. Manigas sila, sa isip-isip niya pa. Ngunit gulantang siya nang biglang may pumasok na foreigner sa bahay nila. “Steve!” sinalubong iyon ng pamangkin niyang si Marianne at niyakap. “Boyfriend?” tanong niya sa pamangkin. “Hello, kamusta po?” ang lalaki na ang sumagot sa kanya. May accent ang pagtatagalog nito. “Why don’t you speak in English, Steve? It looks like you’re an American. Why are you speaking in Filipino?” Ngumiti ang Kano sa kanya, “Dahil mahal ko pow ang Filipinas,” barok pa ang tagalog nito. “Kaya pilit ko pong inaaral ang salitang Tagalog.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Kaya ikaw wala kang pinagkaiba sa masangsang na isda,” rinig niyang sermon ng ate niya. “ Tama nga si Gat Jose Rizal, marami pa rin talagang masangsang na Pinoy sa mundo. Mga hindi nagmamahal sa sariling wika!” Sa pagkakapahiya ay umalis na lamang si Marjorie sa bahay ng ate niya. Doon ay napagtanto niya kung gaano nga kaimportante ang pagpapahalaga sa sariling kultura.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement