Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Matayog na Pangarap, Ilang Beses Tinanggihan ng Babaeng Ito ang Pagyayayang Magpakasal ng Kasintahan, Malaking Pagsisisi ang Inabot Niya sa Huli

Dahil sa Matayog na Pangarap, Ilang Beses Tinanggihan ng Babaeng Ito ang Pagyayayang Magpakasal ng Kasintahan, Malaking Pagsisisi ang Inabot Niya sa Huli

“Will you marry me, Jessica?” tanong ni Jonas sa kasintahan niya sa loob ng sampung-taon. Ito na ‘ata ang panglima niyang proposal sa dalaga simula nang mag-limang taon sila. Tradisyon niya nang yayain itong magpakasal taon-taon. Kahapon ay talagang pinagdasal niya na sana’y tanggapin na nito ang proposal niya. “Napagawa niyo na ang bahay niyo,” ito ang unang dahilan ni Jessica sa kanya kung bakit siya nito tinanggihang magpakasal. “Napagtapos mo na ang mga kapatid mo. At okay na naman ang career natin. Stable na rin ang savings natin which is anytime pwede na tayong magpagawa ng sarili nating bahay.” Inisa-isa niya na ang mga dinahilan sa kanya nito sa nakalipas na limang-taon. Nang sa gayon ay wala na itong maidahilan ngayon. Ngiting-ngiti si Jonas dahil nakita niya ang pinaghirapan niyang proposal set-up. Mas binonggahan niya ang set up ngayon ng proposal. May pa-surprise effect pa siya at kahit sinong kababaihan ay kikiligin sa sinet-up niyang ito. “I’m sorry, Jonas. It’s still a no.” Yun nga lang tila gumuho ang mundo niya sa negatibong sagot na ito ng kasintahan. Hindi niya na alam ang iisipin, “Mahal mo ba talaga ako, Ica?” “Oo naman,” sagot nito. “Bakit ayaw mo pang mag-settle down tayo?” “Ano kasi eh…” hinihintay niya kung ano na naman kaya ang idadahilan nito this time. “May promotion opportunity ako. At ang promotion na ‘yun, kailangang manirahan ako ng isang taon sa Canada bago ko makamtan.” Nangunot ang noo ni Jonas, “What? Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?” “Eh humahanap pa ako ng tyempo para sabihin sayo eh.” “So, sa mismong proposal ko pa talaga, Ica?” “Bakit? Sinabi ko ba sayong magpropose ka?” inis na turan ni Jessica. Huminga nang malalim ang lalaki, “Hindi ba pwedeng magpakasal muna tayo bago ka magtungo sa Canada. Kahit saang simbahan mo gusto, pakakasalan kita.” Umiling ang babae, “Sorry, Jonas.” Doon tuluyang naghiwalay ang magkasintahan. Mas pinili ni Jessica ang magandang future at career na kahaharapin niya. Kaya naman kahit sampung taon na sila ni Jonas ay iniwan niya pa rin itong luhaan. Hindi lang kasi isang taon nanirahan si Jessica sa Canada. Kinailangan niya pang mag-stay doon ng ilang taon. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang Direktor ng kumpanya nila. Masayang-masaya siya dahil sa wakas ay naabot niya na ang pinapangarap niyang posisyon. Ngayon ay ready na siyang tanggapin muli si Jonas. At kung magpopropose man ito ay buong-puso niya na itong tatanggapin. “Jonas?” pinuntahan niya ito sa condo nito. “Ica?” nanay ni Jonas ang nagbukas ng pinto. Bihis na bihis ito. “Nay si Jonas po?” “Ay ang anak ko? Kasama ni Venice, nag-aayos ng papel nila para sa kasal.” “Po?” gulantang siya sa sinabi nito. Napakamot ito ng ulo, “Ay hindi ka ba naimbitahan ni Jonas? Lintik na bata talaga ‘yun oh.” Agad siyang nagpaalam sa matanda upang hanapin si Jonas. Kailangan niyang makausap ito. Kailangan nitong malaman na mahal niya pa rin ito at hihingi siya ng tawad. “Jonas?” “Ica?” gulat si Jonas pagkakita sa kanya. “Mahal pa rin kita… handa na akong tanggapin ang alok mong kasal.” “Ha?” tila naguluhan ito sa sinabi. “Hindi ba, nag-email na ako sayo na okay na ako. Nagpasalamat pa nga ako dahil kung hindi mo ako iniwan noon hindi ko makikilala si Venice.” “Hon!” saktong dating naman ng fiancee ni Jonas. “Who is she?” “Ah honey, si Jessica, yung kinuwento ko sayo noon. Ica, si Venice, ang buhay ko ngayon.” Tila gumuho ang mundo ni Jessica sa narinig mula mismo sa bibig ni Jonas. Doon tumama ang isang realisasyon sa kanya–hindi lahat pwede nating makuha.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement