Inday TrendingInday Trending
Kinalimutan ng Babae ang mga Kaibigan Para sa Kanyang Kasintahan, Wala Tuloy Siyang Natakbuhan nang Saktan Siya Ng Lalaki

Kinalimutan ng Babae ang mga Kaibigan Para sa Kanyang Kasintahan, Wala Tuloy Siyang Natakbuhan nang Saktan Siya Ng Lalaki

“Ay naku, Lorinne. Nagkajowa ka lang, nakalimutan mo na kami!” maktol ng bakla niyang kaibigan na si Aguada. Natatawa siya dito pero seryoso pa rin ang mukha nito, “Baka pag iniwan ka n’yan sa amin din ang takbo mo ah!” Napapailing na lamang siya, “Hindi ako iiwan ni Michael, Aguada.” Doon natapos ang pag-uusap nila sa Skype. Sa loob ng isang taong pagiging magkasintahan nila ni Michael ay napabayaan na ni Lorinne ang personal niyang buhay. Pati mga kaibigan niya ay palagi na rin niyang tinatanggihan kapag aalis sila. Madalas tuloy magtampo ang mga ito sa kanila. Dahil iba’t ibang dahilan, kahit hindi na totoo, ang binibigay niya sa mga kaibigan huwag lang makasama sa mga ito. Hindi naman sa ayaw niya nang samahan ang mga kaibigan, kundi ayaw mismo ng kasintahan niyang si Michael na sumama siya sa mga outing nilang magkakatropa. Sobrang seloso nito at mabilis maghinala. Hinahayaan niya nalang ito dahil mahal na mahal niya ang lalaki. Hanggang isang araw ay naging sobrang tindi ng pag-aaway nila. Nagselos si Michael dahil kinausap niya ang dating kaklaseng may gusto sa kanya. “Nagtanong lang naman siya tungkol kay Charrie, Michael.” “Wala akong pakialam. Gumagawa lang ng paraan iyon para pormahan ka!” Sumasakit ang ulo ni Lorinne sa kakitiran ng pag-iisip nito kapag nagselos. Kahit mga pinsan niyang lalaki ay pinagselosan na rin nito noon. “Masyado kang haliparot!” Doon nagpanting ang tenga ng dalaga at sinampal niya ang kasintahan. Ngunit laking-gulat niya nang bigla siya nitong suntukin sa tiyan. Namilipit siya sa sakit, “Pagsisisihan mo ‘to Michael,” ika niya sa pagitan ng sakit. “Maghiwalay na tayo.” Iyak nang iyak si Lorinne habang tinatawagan si Aguada. Pero sa halos sampung tawag niya dito at sa iba niyang mga kaibigan, ay wala ‘ni isang sagot sa mga ito. “Break na kami ni Michael,” tinext niya nalang ang mga ito. Sinubukan niyang tawagan sa Messenger ang mga ito pero wala ring sagot. Nagchat rin siya sa group chat nila pero lahat ay sineen lang siya. Nanlulumong napaiyak lalo si Lorinne. Naisip niyang ito siguro ang karma niya sa pagtalikod sa mga kaibigan niya noong masaya pa siya. Humingi siya ng tawad sa mga ito at nagdesisyong magpakalayo-layo muna. Nang nasa bus terminal na siya pauwi ng probinsya ay nagulat siya nang makita ang mga kaibigan niya, “Aguada?” Umiiyak ang lahat ng kaibigan niya. Niyakap siya ng mga ito, “Masaya kami sa pagbabalik mo, Lorinne.” Mukha silang baliw na nag-iyakan sa harap ng maraming tao. Pero sa kabila niyon ay masayang-masaya si Lorinne dahil nagkaroon siya ng ganitong klaseng mga kaibigan. Kaibigang handa siyang tanggapin muli at patawarin sa kabila ng pagtalikod niya noon sa mga ito. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement