Nabaligtad ang Mundo ng Matandang Babae Labinlimang Taon Matapos Niyang Ipagtabuyan ang mga Anak sa Labas ng Kaniyang Asawa

Nabaligtad ang Mundo ng Matandang Babae Labinlimang Taon Matapos Niyang Ipagtabuyan ang mga Anak sa Labas ng Kaniyang Asawa

HeartbreakingInspiringKarmaStoriesSuccess

Abala sa paghahanda si Donya Carmen at kanyang mga kasambahay para sa kaarawan ng asawang si Mayor Ben Dizon nang may isang binatilyong pumasok sa nakaawang na gate ng kanilang mala mansiyong bahay.

“Magandang Umaga po! Nandiyan po ba si Daddy Ben?” sambit ng inosenteng si Nilo habang akay akay ang kanyang Lola Cora at bunsong kapatid na si Rina. Tila humahangos pa ito at halatang galing sa mahabang lakaran.”Wala ang ama mo rito. May kailangan ka? Importante ba?” “Wala Naman po, Tita Carmen. Dadalaw lang po sana dahil birthday ni Daddy ngayon.”

 “Ah, ganun ba? Kung di rin lang importante, sana huwag na kayong pumunta dito. Wala naman pala kayong kailangan.”

Hindi napigilan ni Lola Cora na tumugon sa pagtataray ng Donya, “Birthday naman ng tatay nila, Carmen. Anong masama kung dumalaw ang mga bata?” Hindi pa man nakakasagot ang Donya nang biglang lumabas ng bahay si Mayor.

Kilalang matinik sa babae at malakas ang kapit sa Presidente. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na marami itong anak sa labas. “Mga anak, pasok kayo. Mukhang pagod na pagod kayo, kumain muna kayo at pagkatapos ay magpahinga dito sa loob.  

Pigil ang simangot ng nagngingitngit na si Donya Carmen habang pinagsisilbihan ng mga kasambahay ang mga di inaasahang bisita.”Oh mga anak, magpapahinga muna ako dahil siguradong babaha na naman ng alak mamayang gabi, kailangan kong bumuwelo. Carmen, kumuha ka sa maleta ko ng P5,000 panggastos ng mga bata ng isang buwan. Ibigay mo na ngayon para makauwi na rin sila’t makapahinga si Nanay Cora.

“Tila walang narinig ang Donya at patuloy lang sa kanyang ginagawa. Inabot na ng hapon at malapit nang magsimula ang party ngunit wala pa rin itong ibinibigay kaya’t di na nakatiis si Nilo sapagkat pagod at inaantok na ang kapatid na si Rina at kanyang Lola Cora. Nilapitan nya ito sa garden, “Tita Carmen, puwede na po ba naming makuha iyong binilin po ni Daddy? Para makabili na din po sana kami ng gamot ni Rina sa hika. Uuwi na rin po sana kami. Pasensya na po sa abala.”

“Anong binilin ng ama niyo? Wala akong narinig. Ito P50 umuwi na kayo dahil parating na mga kapatid ko, mahiya naman sana kayo. Maghapon na kayong naki-aircon at nakikain dito.”

“Pwede ko po bang kausapin si Daddy? Narinig ko po talaga na nagbilin siya.” Giit ni Nilo.

“Uwi na!!! Tulog pa ang ama mo. Ilang linggo na ‘yang puyat. Umuwi na kayo, may mga sasakyan na sa labas nandiyan na Ang ate ko at mga anak niya.”

Walang nagawa si Nilo kundi tanggapin ang inaabot ng Donya at umalis.”Nasaan na ang perang bigay ng daddy ninyo, Nilo? Hindi ba ibinigay ng tampalasang babaeng iyon?”

Tanong ni Lola Cora habang sila ay sakay ng Jeep papauwi sa kanilang tahanan.

“Kalimutan nyo na po iyon ‘La. Mula ngayon, Hindi na nila tayo makikita hangga’t hindi pa tayo kasing yaman nila… O mas mayaman pa. Magsusumikap ako ‘La at  ipinapangako ko kapag mayaman na ako ibibigay ko ang lahat ng gusto ninyo, bubuo ako ng masayang pamilya at hinding hindi ako tutulad kay Daddy na nangloloko ng mga kababaihan at nagpapanggap na biyudo para lamang makuha ang loob ng mga inosenteng babaeng gaya ni Mommy.” Maluha luhang saad ni Nilo.

 Wala nang nagawa ang Lola kundi lumuha at yakapin ng mahigpit ang kanyang mga pobreng apo.

“Kuya, what date is it today? Isn’t it Daddy’s birthday?” Saad ng napakagandang si Rina.”Yeah. Don’t act like it’s a big deal.” Sagot ni Lino.

Labinlimang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nabubura sa isip ng magkapatid ang araw na sila’y nilapastangan ng tunay na asawa ng kanilang ama. Labis ang pagaalaga at pagmamahal ni Nilo sa kapatid. Marahil na rin dahil ito ang bilin ng kanilang ina bago ito pumanaw dahil sa sakit sa puso. Ito rin ang kabilinbilinan ng kanilang lola na namaalam naman sa sakit na pneumonia. Masigasig na naghanap ng trabaho si Nilo matapos silang maulilang magkapatid. Una’y nag tricycle boy ito at sumunod naman ay nag gasoline boy.

Namasukan din itong waiter. Lahat ng iyon ay ginawa niya habang nagaaral. Sikat na sikat ang magkapatid sa kanilang barangay dahil sa taglay na kabaitan at katalinuhan ng mga ito. Kaya naman dagsa rin ang dating ng tulong sa magkapatid mula sa kanilang mabubuting kapitbahay. Si Aling Malou at Mang Jerry ang tumayong nanay at tatay ng magkapatid nang mawala ang kanilang Lola. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung sino ang kanilang ama at kung bakit hindi sila makalapit rito.Ang anak ni Aling Malou at Mang Jerry Naman na si Tricia ang tumulong kay Nilo upang maging isang online English teacher. Nakapagtapos ng pagaaral si Nilo at ilang buwan lamang ang lumipas ay nagawa na siyang ipromote ng kanyang boss bilang project manager.

Ibang klase ang dedikasyon ni Nilo pagdating sa trabaho. Halos hindi na ito natutulog kaya naman abot abot ang sermong tinatanggap ng binata sa kanyang Nanay Malou at Tatay Jerry.Di nagtagal ay ipinadala na si Nilo ng kaniyang banyagang boss sa Japan upang mamahala ng kanilang opisina doon. Inalok na din siya nitong maging business partner sapagkat hindi na nito makayanang pamahalaan mag-isa ang lumalaking negosyo.Si Rina naman ay nahilig sa pagmemake up at pagtahi ng gown kaya’t todo naman ang suporta ng kanyang Kuya Nilo sa kanyang nakahiligan.

Nakapagtapos ito ng pagaaral sa isang fashion school sa France at ngayo’y isa nang sikat na couturier at makeup artist. Karamihan sa kliente ng dalaga ay mga artista at asawa ng politiko.

“Kuya, nabalitaan ko Kay Mrs. Dela Costa, not sure if you remember her pero sya ang asawa ng best friend ni Daddy. Nagpacheck up daw si Daddy and they saw a large mass in his lungs. I’m afraid it is a terminal disease and just like my friend’s dad when they saw his tumor it’s as big as dad’s. I’m so worried, Kuya. I want to see Daddy. Please, Kuya. Dont act like it’s nothing.”

“Hindi ako inosente sa kalagayan nila daddy, Rina. Noong nakaraang araw lang ay tinawagan ako ni Kuya Junior para humingi ng tulong. Lahat ng pera ni Daddy nagastos na nila sa pagpapagamot. Nakasangla na ang bahay nila at naibenta na rin lahat ng sasakyan at lupa nila sa Batangas. Masama pa niyan, ang mga ipon ni Daddy, matagal na palang nagagalaw ni Tita Carmen dahil nalulong ang babaeng yon sa sugal.”Labis ang pagaalala ni Rina sa ama kaya’t nagmakaawa ito sa kanyang kapatid.”Kuya, please!!! I know galit na galit ka sa kanila dahil hindi nila tayo natanggap kahit wala naman tayong kasalanan sa nangyari kay Mommy at Daddy. But we don’t have another father. Malaki man ang pagkukulang sa atin ni Daddy, ama pa rin natin siya.”

Lumuluha, nagmamakaawa at halos lumuhod na ang dalaga sa kanyang kuya kaya naman hindi ito natiis ni Nilo. Hindi rin makakaila sa binata na nagaalala ito sa kalagayan ng ama.

“Fine. Let’s go there and help. Wala akong pakialam sa pera. Ang akin lamang, Rina… Sana ay humingi sila ng tawad sa atin dahil wala tayong kasalanan sa nangyari sa atin. Hindi natin ginustong maging mga anak sa labas!”

“Kuya, matagal ko nang napatawad si Daddy sa hindi niya pagpapaka “ama” sa atin. At ako, nagpapasalamat ako Kay Tita Carmen. Alam mo kung bakit? Sa ginawa niyang pangaalipusta sa atin, lalo tayong naging matatag at natuto tayong magsumikap at lumaban sa lahat ng pagsubok sa buhay. Kung na spoiled din tayo ni Daddy kagaya nila Kuya Junior, ano kaya tayo ngayon, Kuya? Baka tambay din tayo at umaasa lang kay Daddy. Baka nabubuhay din tayo sa pangungupit kay Daddy. Ako, baka anim na ang anak ko at lahat si Daddy ang bumubuhay at nagpapaaral. Kagaya na lang ni Ate April. Kaya Kuya, alisin mo na ang lahat ng galit sa puso mo. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos dahil sa narating natin. Hindi kita pinipilit makalimot sa mapait na nakaraan, Kuya. Pagisipan mo ang lahat bago tayo pumunta kay Daddy pero sana kapag nakapagisip ka na ay hindi pa huli ang lahat.”Napayuko na lamang si Nilo at huminga ng malalim paglabas ng kapatid sa kanyang opisina. Napaisip din siya sa mga sinabi nito. May punto nga naman ang kapatid ngunit ang tanging tanong niya sa kanyang sarili, 

“Handa na ba akong magpatawad?”

Labinlimang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nabubura sa isip ng magkapatid ang araw na sila’y nilapastangan ng tunay na asawa ng kanilang ama. Labis ang pagaalaga at pagmamahal ni Nilo sa kapatid. Marahil na rin dahil ito ang bilin ng kanilang ina bago ito pumanaw dahil sa sakit sa puso. Ito rin ang kabilinbilinan ng kanilang lola na namaalam naman sa sakit na pneumonia. 

Masigasig na naghanap ng trabaho si Nilo matapos silang maulilang magkapatid. Una’y nag tricycle boy ito at sumunod naman ay nag gasoline boy. Namasukan din itong waiter. Lahat ng iyon ay ginawa niya habang nagaaral. Sikat na sikat ang magkapatid sa kanilang barangay dahil sa taglay na kabaitan at katalinuhan ng mga ito. Kaya naman dagsa rin ang dating ng tulong sa magkapatid mula sa kanilang mabubuting kapitbahay. Si Aling Malou at Mang Jerry ang tumayong nanay at tatay ng magkapatid nang mawala ang kanilang Lola. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat kung sino ang kanilang ama at kung bakit hindi sila makalapit rito.Ang anak ni Aling Malou at Mang Jerry Naman na si Tricia ang tumulong kay Nilo upang maging isang online English teacher. 

Nakapagtapos ng pagaaral si Nilo at ilang buwan lamang ang lumipas ay nagawa na siyang ipromote ng kanyang boss bilang project manager. Ibang klase ang dedikasyon ni Nilo pagdating sa trabaho. Halos hindi na ito natutulog kaya naman abot abot ang sermong tinatanggap ng binata sa kanyang Nanay Malou at Tatay Jerry.Di nagtagal ay ipinadala na si Nilo ng kaniyang banyagang boss sa Japan upang mamahala ng kanilang opisina doon. Inalok na din siya nitong maging business partner sapagkat hindi na nito makayanang pamahalaan mag-isa ang lumalaking negosyo.

Si Rina naman ay nahilig sa pagmemake up at pagtahi ng gown kaya’t todo naman ang suporta ng kanyang Kuya Nilo sa kanyang nakahiligan. Nakapagtapos ito ng pagaaral sa isang fashion school sa France at ngayo’y isa nang sikat na couturier at makeup artist. Karamihan sa kliente ng dalaga ay mga artista at asawa ng politiko.

“Kuya, nabalitaan ko Kay Mrs. Dela Costa, not sure if you remember her pero sya ang asawa ng best friend ni Daddy. Nagpacheck up daw si Daddy and they saw a large mass in his lungs. I’m afraid it is a terminal disease and just like my friend’s dad when they saw his tumor it’s as big as dad’s. I’m so worried, Kuya. I want to see Daddy. Please, Kuya. Dont act like it’s nothing.”

“Hindi ako inosente sa kalagayan nila daddy, Rina. Noong nakaraang araw lang ay tinawagan ako ni Kuya Junior para humingi ng tulong. Lahat ng pera ni Daddy nagastos na nila sa pagpapagamot. Nakasangla na ang bahay nila at naibenta na rin lahat ng sasakyan at lupa nila sa Batangas. Masama pa niyan, ang mga ipon ni Daddy, matagal na palang nagagalaw ni Tita Carmen dahil nalulong ang babaeng yon sa sugal.”

Labis ang pagaalala ni Rina sa ama kaya’t nagmakaawa ito sa kanyang kapatid.”Kuya, please!!! I know galit na galit ka sa kanila dahil hindi nila tayo natanggap kahit wala naman tayong kasalanan sa nangyari kay Mommy at Daddy. But we don’t have another father. Malaki man ang pagkukulang sa atin ni Daddy, ama pa rin natin siya.” Lumuluha, nagmamakaawa at halos lumuhod na ang dalaga sa kanyang kuya kaya naman hindi ito natiis ni Nilo. Hindi rin makakaila sa binata na nagaalala ito sa kalagayan ng ama.

“Fine. Let’s go there and help. Wala akong pakialam sa pera. Ang akin lamang, Rina… Sana ay humingi sila ng tawad sa atin dahil wala tayong kasalanan sa nangyari sa atin. Hindi natin ginustong maging mga anak sa labas!”

“Kuya, matagal ko nang napatawad si Daddy sa hindi niya pagpapaka “ama” sa atin. At ako, nagpapasalamat ako Kay Tita Carmen. Alam mo kung bakit? Sa ginawa niyang pangaalipusta sa atin, lalo tayong naging matatag at natuto tayong magsumikap at lumaban sa lahat ng pagsubok sa buhay. Kung na spoiled din tayo ni Daddy kagaya nila Kuya Junior, ano kaya tayo ngayon, Kuya? Baka tambay din tayo at umaasa lang kay Daddy. Baka nabubuhay din tayo sa pangungupit kay Daddy. Ako, baka anim na ang anak ko at lahat si Daddy ang bumubuhay at nagpapaaral. Kagaya na lang ni Ate April. Kaya Kuya, alisin mo na ang lahat ng galit sa puso mo. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos dahil sa narating natin. Hindi kita pinipilit makalimot sa mapait na nakaraan, Kuya. Pagisipan mo ang lahat bago tayo pumunta kay Daddy pero sana kapag nakapagisip ka na ay hindi pa huli ang lahat.”

Napayuko na lamang si Nilo at huminga ng malalim paglabas ng kapatid sa kanyang opisina. Napaisip din siya sa mga sinabi nito. May punto nga naman ang kapatid ngunit ang tanging tanong niya sa kanyang sarili, “Handa na ba akong magpatawad?”

Makalipas ang ilang araw, napagdesisyonan ni Nilo na dalawin na ang ama dahil sa balitang mahinang mahina na raw ito at wala na halos maipambili ng gamot ang kaniyang asawa’t mga anak. Agad niyang sinundo ang kapatid sa condo unit nito at pagkatapos ay tumuloy sa bangko upang magwithdraw. Dali daling naglakad patungo sa kuwarto ng kanilang ama ang magkapatid. Sa may di kalayuan, ay may natatanaw ang magkapatid na isang matandang babae. Hapis na hapis ang mukha nito, magulo ang buhok, at tila tuliro. “Kuya, don’t tell me…..???!!!” Di makapaniwalang sambit ni Rina.

“You know what’s in my head, right? Hindi ko halos nakilala si Tita Carmen. Grabe, mas mukha pa siyang matanda kay Lola Cora noong buhay pa si Lola.”

Bigla namang hinampas sa braso ni Rina ang kanyang Kuya dahil hindi nito namalayan na nasa likod na pala nila ang kanilang Kuya Junior, Kuya Bryan, at Ate April – ang mga kapatid nila sa ama. 

“Nilo, Rina… Lumapit kami sa mga kasama ni Daddy noong Mayor pa sya. Pero wala pang P20,000 ang nalikom namin. Lumapit na rin kami sa mga dati niyang natulungan sa pangangampanya pero wala ni isa man sa kanila ang lumabas ng kanilang mga bahay. Ito nga yung isang sobre, 200 lang ang laman. Pinaabot sa katulong. Ni hindi man lang kami kinausap.

Samantalang naka BMW pa ang walanghiyang konsehal na iyon.

Kung hindi siya pinondohan ni Daddy noon sa pangangampanya, tae lang sya ngayon.” Saad ni Bryan – ang pinakamayabang at pinakaarogante sa mga anak nila Mayor Dizon at Donya Carmen.Tinapik na lamang ito ni Nilo sa balikat.”Kuya, Ate… Huwag ninyo nang problemahin ang pera. Ako na ang bahala sa lahat. Kami ni Rina.”Nakita ni Donya Carmen na dumating ang magkapatid at kausap ng mga ito ang kaniyang mga anak. Bigla itong lumapit sa magkapatid habang umaagos ang luha.”Nilo, Rina… Alam kong hindi sapat ang katagang”Sorry” para mapatawad ninyo kami. Hindi rin ako nagpapakumbaba dahil lamang nagkabaligtad na tayo ng sitwasyon ngayon… Matapos magkasakit ng inyong ama at maubos ang lahat ng ari-arian namin, marami akong natutunan at pinagsisihan. Isa na doon ang mga nagawa ko sa inyong magkapatid pati sa inyong Lola at Ina. Sana mapatawad ninyo ako, Nilo, Rina…”

Hindi makapaniwala ang magkapatid sa narinig ngunit nangibabaw ang pusong mapagpatawad ng dalawa. Dahil na rin sa maayos na pagpapalaki ng Ina at Lola kaya’t lumaking mga disenteng bata ang magkapatid, anuman ang katayuan nila sa buhay. Pagpasok pa lamang ng kuwarto ay nagiyakan at nagyakapan na ang mag aama. 

“Daddy, nandito na kami ni Kuya. Kami ang bahala sa iyo basta’t magpagaling ka lang, Daddy. Aalagaan ka namin. Marami pa tayong pupuntahan at gagawin, lilikha tayo ng matatamis na alaala… Lumaban ka, Daddy…” Nanginginig ang boses at umaagos ang luhang saad ni Rina.Napahagulgol sa sinabi ng dalaga ang kanilang ama. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng dalawang anak at humingi ng tawad.

Image courtesy of www.google.com ( )

Makalipas ang tatlong taon, malakas na ulit si Mayor Ben. Unti unti nilang binawi ang kanilang ari-arian sa tulong ng magkapatid. Lubos naman ang pagbawi ni Donya Carmen sa magkapatid at siya na rin ang tumayong ina ng mga ito. “Nilo, kailan ba kayo magpapakasal ni Tricia? Hindi sa nakikialam ako, gusto na ng Daddy mong magka apo sa iyo. Baka gusto mong unahan ka pa ni Rina. Hindi matutuwa ang Daddy mo.” Pabirong hirit ni Donya Carmen.”Tita, huwag kayong mainip. Inuuna lang naming matapos ang bahay nila Nanay Malou at Tatay Jerry pati na rin ang restaurant na sila na rin mismo ang mamamalakad. Pagkatapos noon ay puwede ko nang hingin ang kamay ni Tricia sa mga magulang niya. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanila.” Seryosong sagot ni Nilo. “Ikaw talagang bata ka, masyadon kang seryoso. Manang-mana ka sa Daddy mo.”Tawanan ang lahat sa pahiwatig ng Donya.

Makalipas lamang ang isang taon matapos magpakasal ni Nilo at Tricia ay biniyayaan na agad sila ng anak na lalake. Si Rina naman ay wala pa ring balak mag-asawa sapagkat pabalik balik ito sa iba’t ibang bansa upang magdisenyo at lumikha ng gown ng mga international celebrities. Dahil sa kasipagan ng dalawang magkapatid ay hindi na rin naging pala asa ang kanilang mga kapatid na sila Junior, Bryan, at April.Tuwang tuwa si Mayor Ben sa naging takbo ng buhay nila. May kanya kanya na silang negosyo at unti unti na rin silang bumukod ng tirahan.”Mga anak, hindi man naging maganda ang ating simula… Masasabi kong itong mga huling pahina ng libro ng aking buhay ay naging punong puno ng pagmamahal, pagbabago at pananampalataya sa Maykapal.

Maraming salamat sa inyo Nilo at Rina. Hindi man ako nakahingi ng tawad sa inyong ina, araw araw kong ipinagdarasal na tuluyan siyang maging maligaya sa kamay ng Panginoon.”Simula noon ay nabalot na ng galak at pagmamahalan ang buong pamilya ni Donya Carmen at Mayor Ben Dizon.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

More Stories