Hindi Pinahintulutan ng Kanyang Ama ang Anak na Magpakasal sa Nobyong Nakabuntis Dito, Hindi Inaasahan ng Lahat ang Sumunod na Pangyayari

Mangiyak ngiyak pa si Aling Letty at Mang Marcial habang sinasabitan ng medalya ang bunsong anak na si Eva. “Hakot, Hakot, Hakot!” Kantiyawan ng mga kaklase ni Eva habang ito’y nasa entablado. Paano ba naman ay siya na yata ang nakakuha ng lahat ng medalya sa kanilang recognition day. Highest Honor, Best in Mathematics, Best in English, Most Outstanding Student, at Overall Top 1. 

“Aba Eva, hindi ako naniniwalang may perpektong tao sa mundo ha, pero ikaw malapit lapit ka na doon.” Kantiyaw ng bestfriend nitong si Mitch. “Syempre naman ‘day! Kaya patay na patay sa babaeng yan si Ronnie my labs eh. Nanggigigil ako sa babaeng yan. Lahat na nga ng maganda nasa kanya na, pati ang mahal ko, inagaw pa!” Pabirong gatong ni Mikay, ang bestfriend namang bakla ni Eva. “Ano ba kayo?! Baka marinig tayo nila Mama at Papa.” Nagaalalang sagot ni Eva.

“Oh, mamaya ha. Alam nyo na. Doon tayo sa bahay. Wala sila Mama at Papa! Last day as Senior High!!! Woooh!!!.” Excited na paanyaya ni Mitch.Bigla namang dumating ang nobyong si Ronnie at sumabad sa usapan.”Ano yan ha, so kayo kayo lang?”

 “Hi, baby! Makakalimutan ba kitang imbitahin, eh number 1 ka sa puso kong mamon.” Kinikilig na tugon ni Mikay sa gwapong binata.At nagtawanan ang magkakaibigan.Dumating ang gabi at lahat ng nasa pilot section ay imbitado. Kani kaniyang inom, kuwentuhan, harutan, kantiyawan.

“Oh, Ronnie at Eva! Sulitin niyo na ang pagkakataong magkasama kayo! Dun muna kayo sa kwarto ni Kuya. Basta ha, matalino kayo pareho. Alam na ninyo ang limitasyon ninyo.” Panunukso ni Mitch na may kasama pang pag kindat.Dali dali namang hinatak ni Ronnie ang magandang dilag na si Eva papasok sa loob ng bakanteng kuwarto. 

Matapos ang ilang linggo, nakatanggap ng liham si Aling Letty mula sa isang pinaka prestihiyosong paaralan sa Pilipinas. Nasasaad sa liham na wala nang babayaran si Eva at makakapagaral siya ng kursong Industrial Engineering. Nakasaad din dito na bilang isang iskolar ay makakatanggap siya ng allowance mula sa pamunuan ng eskuwelahan. Ginigising ni Aling Letty at Mang Marcial si Eva para maihatid ang masayang balita ngunit tamad na tamad itong bumangon.”Ma, Pa, hayaan niyo muna akong matulog. Nanghihina ako at nasusuka.”

“O siya anak, magpahinga kang mabuti. Magpatingin ka na kaya sa doktor? Nangangayayat ka. Imposible namang nagdadalang tao ka. Naalala ko kasi noong nagbubuntis ako sa iyo, ganyan na ganyan ang porma ko maghapon sa kama, nangangayayat, di makabangon at nasusuka……..” Biglang napatigil si Aling Lettie at napatakip ng bibig.Sinubukan ni Eva na maupo ngunit tuluyan na itong naduwal. Nang mahimasmasan ay kinausap ng masinsinan ng mag-asawa ang anak.Bilang hindi sanay magsinungaling ang dalaga, inamin na niya ang lahat-lahat.Galit na galit si Mang Marcial sa narinig at sinugod ang nobyo nitong si Ronnie. 

“Sorry ho, Ma, Pa. Nadala lang ho kami ng damdamin namin. Sa Singapore na po kasi ako mag-aaral ng HRM. Hindi ko ho alam na hahantong sa ganito. Alam ko hong walang kapatawaran ang ginawa ko pero di na ho ako makakapayag na mahiwalay sa mag-ina ko. Papakasalan ko ho si Eva kahit anong mangyari. Kahit masayang pa ang oportunidad na makapag-aral ako sa ibang bansa. Balewala ho lahat ng iyon kung mawawala sa akin si Eva.”Ilang sandali pa lamang ay nahimasmasan na si Mang Marcial at agad itong nagdesisyon.Hindi ito sumangayon sa gusto ng binata. Hangad ni Mang Marcial na makapagtapos muna ng kolehiyo ang dalawa bago magsama. Isa pa, bagamat nasa hustong gulang na ang disinuwebeng si Ronnie, si Eva ay disisyete anyos pa lamang. 

Advertisement

“Ronnie, hindi ko hinahadlangan ang pagkakabuo ng pamilya ninyo ngunit napakabata pa ninyo para magpakasal. Maniwala kayo sa akin, nagmamalasakit lamang ako sa inyo. Kung sa ibang tatay o magulang, kasalan kaagad ang solusyon, hindi ako tipikal mag-isip. Balang araw, magpapasalamat kayo sa akin.”Biglang dumilim ang mukha ng binata at niyayang makipagusap ng pribado ang pobreng ama ni Eva.”Akala niyo ho ba hindi ko alam, Mang Marcial? May anak ho kayo sa pagkabinata. Ang bestfriend ko na si Lucas na anak ni Mrs. Alcantara. Anak niyo ho siya, di ba ho? Bakit hindi ho kayo magpakatotoo, Mang Marcial? Hindi ho lahat ng lalake ay kagaya ninyo! Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo! At hinding hindi ko magagawa sa kanya ang ginawa ninyo kay Mrs. Alcantara!”

Nagulat ang dalawa nang makitang nasa likod na pala nila si Aling Lettie at Eva. Narinig nila ang lahat.Nanginginig na napaupo sa sahig si Aling Lettie at si Eva naman ay di maitago ang pagtataka at halong pagkagulat sa kanyang mukha. Namumutla man at kinakapos na ng hininga, pinilit tumayo ni Mang Marcial sa kanyang kinauupuan at utal utal na nagsalita.

“Sorry ho, Ma, Pa. Nadala lang ho kami ng damdamin namin. Sa Singapore na po kasi ako mag-aaral ng HRM. Hindi ko ho alam na hahantong sa ganito. Alam ko hong walang kapatawaran ang ginawa ko pero di na ho ako makakapayag na mahiwalay sa mag-ina ko. Papakasalan ko ho si Eva kahit anong mangyari. Kahit masayang pa ang oportunidad na makapag-aral ako sa ibang bansa. Balewala ho lahat ng iyon kung mawawala sa akin si Eva.”Ilang sandali pa lamang ay nahimasmasan na si Mang Marcial at agad itong nagdesisyon.Hindi ito sumangayon sa gusto ng binata. Hangad ni Mang Marcial na makapagtapos muna ng kolehiyo ang dalawa bago magsama. Isa pa, bagamat nasa hustong gulang na ang disinuwebeng si Ronnie, si Eva ay disisyete anyos pa lamang. “Ronnie, hindi ko hinahadlangan ang pagkakabuo ng pamilya ninyo ngunit napakabata pa ninyo para magpakasal. Maniwala kayo sa akin, nagmamalasakit lamang ako sa inyo. Kung sa ibang tatay o magulang, kasalan kaagad ang solusyon, hindi ako tipikal mag-isip. Balang araw, magpapasalamat kayo sa akin.”Biglang dumilim ang mukha ng binata at niyayang makipagusap ng pribado ang pobreng ama ni Eva.”Akala niyo ho ba hindi ko alam, Mang Marcial? May anak ho kayo sa pagkabinata. Ang bestfriend ko na si Lucas na anak ni Mrs. Alcantara. Anak niyo ho siya, di ba ho? Bakit hindi ho kayo magpakatotoo, Mang Marcial? Hindi ho lahat ng lalake ay kagaya ninyo! Mahal na mahal ko ho ang anak ninyo! At hinding hindi ko magagawa sa kanya ang ginawa ninyo kay Mrs. Alcantara!”Nagulat ang dalawa nang makitang nasa likod na pala nila si Aling Lettie at Eva. Narinig nila ang lahat.Nanginginig na napaupo sa sahig si Aling Lettie at si Eva naman ay di maitago ang pagtataka at halong pagkagulat sa kanyang mukha. Namumutla man at kinakapos na ng hininga, pinilit tumayo ni Mang Marcial sa kanyang kinauupuan at utal utal na nagsalita.

( )

“Lettie…. Eva…. Patawarin ninyo ako… Hindi man ako naging tapat at buo sa inyo… Ngunit mahal na mahal ko kayo at sana… Mapatawad ninyo ako…. Ito na yata ang karma ko….”Niyakap ng mahigpit ni Eva ang kanyang ama kahit puno pa rin ng pagtataka ang isip nito.”Marcial… Alam ko na ang lahat noon pa… Natatakot lang akong harapin ang katotohanan sa paghahangad kong magkaroon ng perpektong pamilya… Ngunit isa lamang ang tiyak sa buhay na ito… Wala ni isa o ni anumang nilikha ang Diyos na perpekto… Kaya’t ating harapin ng magkakasama ang pagsubok na ito.”Hindi makapaniwala si Eva sa kanyang narinig at nasaksihan.Ang puso ng isang butihing asawa…Ang puso ng isang mapagmahal na ina…Ang puso ng kanyang ina… Na walang sawang umuunawa sa lahat ng pagkukulang ng kanyang anak at asawa…Walang pagod magpatawad, magbigay, magsilbi… Kahit wala nang natira para sa kaniyang sarili… Ganito pala talaga ang sakripisyo ng isang ina at asawa..Doon… Sa pagkakataong iyon… Namulat ang mga mata ni Eva sa mura niyang edad kung ano ang kahulugan ng pagiging isang babae… Ina… At asawa… 

Matapos ang araw na iyon ay hinayaan na lamang ng mag-asawa na magdesisyon sina Ronnie at Eva para sa kanilang bubuoing pamilya.Napagkasunduan ng dalawa na magtapos muna ng pag-aaral si Ronnie at pag may sapat na itong kita ay saka sila magpapakasal. Nangako naman si Ronnie na kapag nasa ibang bansa na siya ay magiging tapat pa rin siya kay Eva.Hindi rin naman nagpapigil ang mga magulang ni Ronnie na magpadala ng suporta kay Eva at sa bata. Todo ang suporta nila sa pag home school ni Eva upang hindi ito mahuli sa kaniyang mga ka batch.Lalake ang naging anak nila Eva at Ronnie. Kamukhang kamukha ito ni Ronnie kaya naman hindi na makapaghintay na makauwi ito. 

Matapos ang limang taon, umuwi si Ronnie at mga magulang nito sa Pilipinas upang hingin ang kamay ni Eva sa kanyang mga magulang. Nakatapos na rin ng pag-aaral si Eva. Naging masaya ang kanilang pagsasama at nagkaroon pa sila ng isa pang anak na babae.”Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari. Mahal na mahal kita at ang mga anak natin, Eva.” Malambing na pahayag ni Ronnie sa kaniyang asawa.Maglalapat na dapat ang kanilang mga labi ngunit bigla silang dinumog ng dalawang chikiting sa kanilang silid. Bigla na lamang natawa ang mag-asawa kaya’t pati ang mga bata ay naghalakhakan.

Sang-ayon ba kayo sa naging desisyon ng magkasintahang si Ronnie at Eva na paghintayin ang kasal? Ano ang gagawin ninyo kung kayo ang nasa posisyon nila Aling Letty at Mang Marcial? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.