Minamata ng mga Katrabaho ang Lalaking Ito Dahil Iisa Lamang ang Kanyang Uniporme, Di Nagtagal at Nasa Kanya ang Huling Halakhak
Si Terrence ay isa sa mga ulirang manggagawa ng isang supermarket sa bayan ng Cavite. Isa siya sa mga magagaling na empleyadong hinahangaan at tinutularan ng iba. Ngunit kahit marami ang humahanga sa kanya. Marami rin naman ang naiinggit sa lalaki dahil halos paborito siya ng mga team leader at manager nila. Madalas siyang pag-usapan ng mga ito na madalas niya ring naririnig. Ngunit hindi na naman siya nagpapaapekto sa mga ito dahil siya lang rin ang mamomroblema kung papaapekto siya sa sinasabi ng iba. “Hindi nagpapalit ng uniform ‘yan, tignan niyo ganun pa rin suot na slacks.” Ito ang madalas niyang marinig sa kanyang mga kasamahan. Sa loob kasi ng ilang buwang pagtatrabaho niya sa supermarket, ay aminado naman siyang iisa lang talaga ang pares ng uniporme niya. Madalas ang nanay niya ang nananahi kapag nabubutas na sa tagal ang kanyang slacks o pantalon. Hindi pa kasi siya makabili dahil nanghihinayang siya sa perang gagastusin. Imbes na ibili niya nga naman ng kanyang uniporme ay ibibili niya nalang ng gamot ng maysakit niyang ina. “Anak, hindi ka ba nahihirapan? Palagi kang napapahiya sa trabaho sa tuwing nabubutas ang pantalon mo,” wika ng ina minsan nang tahiin muli nito ang pantalon niyang nabutas. Tumabi ito sa ina at inakbayan, “Huwag mo akong alalahanin, Nay. Ang alalahanin mo ay ‘yung kalusugan mo. Gumaling ka lang, masayang-masaya na ako.” May sakit kasing diabetes ito at halos araw-araw ang gamutan. Tulad nga ng matatag niyang prinsipyo, hindi siya papaapekto sa sinasabi ng iba. Dahil ang mas mahalaga sa kanya ay maging ligtas ang kanyang ina. Sa trabaho ay muli na namang masipag na nagtrabaho si Terrence. Bawat tanong ng customer ay masaya niyang inaassist. Kaya naman tuwang-tuwa rin ang mga ito sa kanya. May isa siyang suking customer na may pinaabot sa kanya mula sa itaas. At dahil dulo na iyon ay kinailangan niyang gumamit ng hagdan upang makuha ang kahon ng gatas. Dahil sa pag-akyat ay hindi sinasadyang mabutas muli ang kanyang pantalon. Tawanan agad ang mga kasamahan niyang nakakita. Hiyang-hiya siya noon dahil nandoon pa man din ang matandang lalaking customer niya sa ibaba. “Ito po, Sir.” Nakayuko siya nang maramdaman niyang tinapik siya ng matanda sa likod, “Nasaan ang clothes section niyo dito?” Nagtataka man ay sinamahan niya pa rin ang matanda. Dahan-dahan na paglalakad dahil sa butas ng kanyang pantalon. “Dito po Sir,” wika niiya dito. “Mamili ka na. Ano bang size ng pantalon mo?” “Po?” gulat na gulat siya. Ngumiti ang matanda sa kanya, “Mamili ka na at magpalit. Kaysa naman pagtawanan ka na naman ng mga kasamahan mo dun.” “S-salamat po, Sir…” nahihiyang tugon niya dito. Sa banyo na siya nagpalit ng pantalon. Nang paglabas niya ay hahanapin niya sana ang matanda upang magpasalamat, ngunit wala na ito. Tinanong niya ito sa counter at sinabing bayad na daw ang pantalon at binigay sa kanya ang isang maliit na sulat. “Magreport ka bukas sa HR, simula bukas Team Leader ka na. Ipagpatuloy mo sana ang pagiging masigasig mo sa trabaho.” — Supermarket Director sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.