Tingi-tingi kung Bumili ng Guyabano ang Batang Ito, Nakakahabag Kung Kanino Niya Ibinibigay ang mga Ito
“Pwede po bang makabili ng bente pesos na guyabano?” tanong ng batang pulubi kay Aling Celia, tindera ng mga prutas sa palengke. Napakamot na lamang sa ulo si Aling Celia. Narito na naman kasi ang suki niyang mahilig bumili ng tingi sa kanya. Hindi niya naman alam kung bakit hindi niya rin mapigilan ang sariling pagbentahan ito kahit pa nalulugi siya sa patingi-tinging bili nito ng mga prutas, tulad na lamang ng guyabano. Maganda rin kasing maging buena mano ang batang ito dahil sa tuwing ito ang unang bumibili sa kanya ay maganda ang daloy ng kanyang negosyo. “Bakit ba patingi-tingi ang bili mo ng prutas ineng?” usyoso ng kapwa niya tindera sa batang pulubi. “Kasi po kung magkano lang ang napapalimos ko, yun lang po kaya kong ipambili ng prutas,” sagot naman ng bata. “Eh bakit nga ba prutas ang binibili mo at hindi ang ibang pagkain?” tanong niya sa bata. “May sakit po kasi ang nanay ko. Narinig ko lang po sa dun sa mga estudyanteng nagkukwentuhan na maganda daw po ang guyabano at ibang prutas para mapagaling ang nanay ko,” mahabang tugon nito. Image courtesy of www.google.com Nagtaka tuloy siya, “Ano bang sakit ng nanay mo?” “Cancer po.” Bahagya silang natahimik. Ngayon niya lang nalaman na may pinagdaraanan pala ang batang pulubing ito. Namangha rin siya dito dahil para sa kanyang minamahal na ina. Kaya naman dahil sa awa niya dito ay binigay niya na dito ang isang buong guyabano, “Ito oh, sana makatulong sa nanay mo ito.” Tuwang-tuwa namang nagpasalamat sa kanya ang bata, “Maraming salamat po. Sigurado pong matutuwa ang nanay ko dito.” Natuwa siya sa naging pagtulong niya sa batang pulubi. Kaya naman kinabukasan ay talagang inabangan niya ito upang bigyan ng libreng mga prutas. Ngunit nagtaka siya nang gabi na’y wala pa rin ang batang pulubi. Pasara nalang siya nang tindahan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hanggang sa makita niya ito sa gilid ng kanyang tindahan na umiiyak. “Anong ginagawa mo d’yan, bata ka? Ang lakas-lakas ng ulan baka magkasakit ka!” “Wala na po ang nanay ko…” umiiyak na sabi ng bata. Gulat siya sa sinabi nito. Kitang-kita sa inosenteng mga mata nito ang sakit na pinagdaraanan. Namalayan niya nalang na nakayakap na siya dito. “Kung wala ka nang ibang makakasama, nandito ako. Pwede kitang alagaan,” naluluhang niyang sabi dito. Wala rin naman siyang ibang kasama sa buhay dahil hindi na siya nakapag-asawa pa. Ilang linggo ang lumipas nang tuwang-tuwa nang makita ni Aling Celia ang batang araw-araw niyang inaabangan. Hindi na ito mukhang gusgusin dahil bagong-ligo at nakabihis nang maayos. Niyakap niya ang bata pagkakita dito. Hindi niya inakalang sa loob lamang ng saglit na panahon ay mapapalapit ang loob niya dito at mamimiss niya ito. “Welcome sa bago mong tahanan,” buong-puso niyang sabi sa paslit. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.