Isang Piping Ina na Mag-isang Tinataguyod ang Anak sa Pamamagitan Lamang ng Pagtitinda ng Pinya, Guminhawa ang Buhay Nila Dahil May Angking Talino ang Bata
Si Maricel ay isang inang gagawin ang lahat para sa kanyang nag-iisang anak. Kahit pa may kapansanan siya ay hindi iyon naging hadlang upang mapalaki niya nang maayos si Lovely. Mag-isa niyang binubuhay ang sampung-taong gulang na anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng pinya sa tapat ng eskwelahan nito. Malaki naman ang kunswelo niya kay Lovely dahil bukod sa mabait ito ay tinutulungan rin siya sa paghahanda ng kanyang paninda. At dahil pipi siya ay hindi niya magawang ipaliwanag sa anak ang mga dapat gawin sa mga bagay-bagay, tulad na lamang ng tamang pagtatalop ng pinya. Sa murang edad nito ay matalino na ang bata kaya naman sa simpleng pagpapakita niya ng proseso at nakukuha agad ito ng kanyang anak. “Wow, tama po ako nay!” masayang ika nito sa kanya. Ngumiti naman siya sa kanyang anak. Sa tuwing nakikita niya ang masayang mukha nito ay agad na naiibsan ang kanyang pagod. Ngunit may mga pagkakataon talaga na hindi niya maiwasang malungkot, lalo na kapag nakikita niya ang anak na may gustong bilhin ngunit dahil sa kahirapan ay hindi niya maibigay. Tulad na lamang ngayon na kasalukuyan niyang nakikita si Lovely na tumatanghod sa tindero ng ice cream habang nagsisibilihan ang mga kaklase nito. Tinignan niya ang kanyang benta. Hindi pa sasapat iyon pambili ng paboritong ice cream ng anak. Kaya naman sa pag-uwi niya ng bahay ay agad siyang may naisip na ideya. Pinagmasdan niya ang natutulog na anak at sa isip ay nagpapasalamat siya dito sa pagiging maunawain na anak. Kailanman ay hindi siya nito pinilit na bilhin ang mga bagay na gusto nito. Nang masigurong tulog na ito ay tumayo siya sa banig na higaan at sinimulang hiwain ang isang pinya, saka nilagyan ng stick sa ilalim. Nilabas niya ang mga piraso ng yelo at inilagay sa cooler. Sa ibabaw noon ay doon niya inilagay ang mga pinyang hiniwa niyang kasing-hugis ng ice cream. Kinabukasan pagkagaling ng anak sa eskwela ay agad niya itong sinalubong at pasurpresang binigay ang sarili niyang gawang ice cream na pinya. Tuwang-tuwa naman iyong tinanggap ni Lovely, “Wow ice cream!” Sinenyasan niya ang anak upang tanungin kung nagustuhan niya ba iyon. Masayang tumango naman ang bata, “Opo nay! Ang sarap po! Bakit hindi po natin ito itinda?” Nagulat siya sa ideya ng anak. May punto ito. Kaya naman nagdesisyon ilako din iyon at hindi naman siya nabigo dahil naging bentang-benta ito sa mga kapwa-estudyante ng kanyang anak. Dahil doon ay dumagdag sa pinagkakakitaan nilang mag-ina ang naisip nilang bagong ideya. Labis ang pasasalamat ni Maricel, hindi lamang sa napakabuti niyang anak kundi pati na rin sa Diyos dahil biniyayaan siya ng isang matalino at mapagmahal na supling. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.