May Hinanakit ang Batang Ito Sa Inang Nag-aalaga ng Ibang Bata, Lingid sa Kaalaman Niyang Mas Masakit Para sa Ina ang Nangyayari
“Ma, family day po namin sa school. Sabi po ng teacher ko, kailangan daw po kasama ang magulang.” Nalungkot ang ina sa kanyang sinabi, “Anak alam mo namang hindi pwede si mama diba?” Agad siyang sumimangot. Alam niya na ang idadahilan na naman nito. “Mas importante pa po ba sa inyo ang mga alaga niyo kaysa sa akin na sarili niyong anak?” naluluha niyang tanong dito. Si Anna ay isang batang hindi naranasan makasama ang ina sa kahit na anong event sa school. At dahil doon ay nakakabuo na siya ng hinanakit mula sa ina. “Pasensya ka na, anak ko. Alam mo namang hindi pwedeng umabsent si mama sa trabaho. Kundi wala kayong babaunin. Para sa inyo din namang magkakapatid ang ginagawa ko, anak.” “Galit ako sayo Mama! Hindi mo kami mahal. Mahal mo lang mga alaga mo!” sigaw ni Anna sabay takbo palabas ng kanilang tahanan. Sinubukan naman siyang habulin ng kanyang ina ngunit napatigil ito nang biglang may bumusinang sasakyan dito. “Adel! Ano pang tinatanga-tanga mo d’yan?! Papasok na kami ng sir mo!” gulat ito nang makita sa bintana ng kotse ang mayamang amo nito. “Late na kami sa trabaho. Puntahan mo na ang mga alaga mo dun!” Napagdesisyunan ni Anna na sundan na lamang ang inang papasok na noon sa trabaho. Pinilit niyang magtago mula dito. Nakita niyang nilakad lang nito ang malayong bahay ng mga amo. “Siguro nasasayangan na naman si Mama sa pamasahe.” Napapansin kasi ni Anna na napaka-kuripot ng kanyang ina sa sarili, ngunit sa kanila namang magkakapatid ay hindi. Nang makarating ito sa tinutumpok na bahay ay nagtago siya sa likod ng puno. Doon ay kitang-kita niya kung paanong binato nang malakas ng limang-taong gulang na alaga ang kanyang ina. Gusto niya sanang lapitan ito ngunit naisip niya ang ina na ayaw magpakita sa kanilang nahihirapan. Kaya naman pinagmasdan niya nalang muli ito mula sa malayo. “Pangit ka, Adel! Late ka na naman, tanda!” “Pangit, Adel! Pangit, Adel!” Kitang-kita niya kung paano sigawan at saktan ng dalawang bata ang kanyang ina. Sa kabila noon ay wala namang magawa ang kaawa-awang Mama Adel niya. Marahil ay sila pa rin ang iniisip nito sa tuwing sasapitin nito ang ganitong hirap. Iyak siya ng iyak habang pauwi ng kanilang tahanan. Simula noon ay hindi na siya kailanman nagdamdam sa kanyang ina. Sa halip ay binigyan niya pa ito ng buong lambing na pagmamahal at respeto. Sa ating mga anak, una nating dapat matutunan ay ang respeto’t pagmamahal sa ating mga magulang. Hindi dahil obligasyon natin iyon kundi para kahit papaano ay maibsan ang pagod nila sa pagbuhay sa atin. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.