Dahil Walang Pera, Tutol ang Nanay sa Pangarap na Maging Doktor ng Dalaga, Hanggang sa Isang Kabayanihan ang Ginawa Nito sa Kanya
Masayang-masaya si Isabela habang naglalakad pauwi. Kung anu-anong dahon ang dala-dala niya. Buti na lang at malapit sa kasukalan ang kanilang bahay kaya marami siyang nakikitang halamang gamot. Pangarap niya kasing maging doktor pero nakukuntento na lamang siya sa pagbabasa ng mga libro tungkol sa medisina na nahihiram niya sa bayan.
Imposible naman kasi iyon, ang nanay niya ang nag iisang kumakayod para sa kanilang dalawa dahil maaga siyang naulila sa tatay niya. Sa pamamagitan ng pagsasaka ng nanay niya ay kumakain sila. Tapos na siya ng high school at hindi na siya makakapag aral pa ng kolehiyo, sabi ng nanay niya ay sayang daw ang pera dahil tiyak namang sa bukid rin ang bagsak niya. Mas mabuti pa raw na mag aral na siyang magsaka ngayon pa lang.
“P*nyeta kang bata ka bakit ngayon ka lang? Sabi ko naman sayo bago mag-alas syete dapat nasa bahay kana diba!” Pagpasok ni Isabela, bulyaw agad ang narinig nya sa kanyang ina, si Aling Gina.
“S-sorry po kumuha lang ako ng mga herbal nay,” nakatungong sabi niya habang dala-dala ang mga dahon sa kanyang kaliwang kamay. Madalas siyang gumawa ng kung anu-anong herbal pero di naman iyon iniintindi ng kanyang ina, naiinis pa nga ito sa kanya.
“Kalat lang yan sa bahay eh! Hindi ba’t sabi ko na sayo hindi matutupad yang pagiging doctor mo. Ni pangkain nga sa araw-araw wala tayo, pag-aaral pa kaya ng medisina?” Sabay hablot sa plastik na dala dala ng dalagita.
“Pero nay-”
“Itigil mo na yang kahibangan mo Isabela. Simulan mo nang magsaing. Bilisan mo!” Hindi na nakapagsalita si Isabela. Malungkot na sumunod na lamang siya sa utos ng kanyang ina.
Kinabukasan ay maagang umalis ang nanay ni Isabela, kakausapin nito ang may-ari ng bigasan na bibili sa kanilang mga naani. Aabisuhan ito na baka magkaroon ng problema sa pagkuha nila dahil maulan ngayon at medyo masukal sa daraanan.
Samantalang inabala naman ni Isabela ang kanyang sarili sa paglilinis, habang nagpupunas siya ng lumang radyo ng kanyang ina ay napansin niya ang pitaka nitong naiwan doon. Alam niya namang maglalakad ang kanyang nanay pero mas mabuti nang may dala itong pera kaya napagpasyahan niya na ring sundan ito.
“Hay nako, hindi ako nakapagdala ng payong. Sana naman ay wag akong ulanin! Tabi-tabi po makikiraan lang,” sabi pa ng ginang dahil puro dahon at lupa ng binabaybay nitong daan.
Pero ganoon na lamang ang paglukso ng dugo nito nang makita ang isang ahas. Hindi makagalaw ang ginang at natulala sa pagkasindak, tatakbo sana siya pero mas sanay at mabilis ang ahas kaya agad siyang nasunggaban nito.
“Diyos ko po!” sindak na sigaw ni Aling Gina.
Dahil sa sigaw na iyon ay napatakbo si Isabela, alam niya kasing boses iyon ng kanyang ina. Pagkakita niya rito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang pinupuluputan ng ahas ang binti nitong may bakas ng tuklaw. Agad siyang kumuha ng tangkay at tinusok-tusok ang ahas, hindi ito namatay pero halatang nasaktan kaya lumayo ito.
“Nay, tumingin ka sa akin, huminga ka ng malalim,” sabi niya rito. Agad niyang pinunit ang laylayan ng kanyang damit at tinalian ang binti nito upang di kumalat ang kamandag, sana ay hindi pa huli ang lahat. Sinubukan niya ring paduguin ang sugat upang lumabas ang lason na dala ng ahas.
Tulala naman si Aling Gina, hanga sa tapang at kaalaman ng kanyang anak.
Akay akay ni Isabela ang kanyang nanay hanggang makarating sila sa ospital sa bayan, buti nalang ay nabigyan ito ng agarang lunas ni Isabela kung hindi ay mabilis na kumalat ang kamandag sa katawan nito at kapag inabutan na ang puso ng ale ay tiyak na sa kamatayan ito hahantong.
“Anak, pasensya ka na,” sabi ni Aling Gina.
“Okay lang mapagalitan nyo ako nay, wala ho iyon sa akin,” sabi naman ni Isabela.
“Hindi doon anak, pasensya kana sa paghadlang ko sa pangarap ko. Kung hindi kita hahayaang tuparin iyon ay para ko na ring pinagdamutan ang mundo na magkaroon ng isang magaling na doktor,”
Napangiti si Isabela sa narinig.
Kahit hirap ay talagang iginapang ni Aling Gina ang pag aaral ng anak. Kung kani kanino sila humingi ng tulong, kahit kasi scholar ang dalaga ay mahal pa rin ang babayaran sa pagkuha ng kursong medisina, dagdag pa na ilang taong ang gugugulin bago tuluyang makakuha ng lisensya at maging propesyonal na manggagamot.
Di nagtagal ay naka-graduate siya, tigib siya ng luha habang nanunumpa na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang doctor. Si Isabela ay isang patunay na walang imposible sa taong may pangarap.
Di nagtagal ay naka-graduate siya, tigib siya ng luha habang nanunumpa na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang doctor. Si Isabela ay isang patunay na walang imposible sa taong may pangarap.