Sumamang Makipag-inuman ang Dalaga sa Nobyong Bulakbol sa Kabila ng Pagtutol ng Kanyang Ama, Ito ang Napala Niya
Third year high school palang si Gen ay nais niya nang maging independent. Pakiramdam niya kasi ay kaya niya na ang kanyang sarili. Naiinis pa nga siya sa kanyang mga magulang dahil ang mga ito ang number 1 kontrabida sa buhay niya tuwing may gagawin siyang desisyon.
“Saan ang camping? Bakit may ganito na ngayon?” sabi ng kanyang daddy habang tinititigan ang parent’s permit na kailangan nitong pirmahan bago siya payagan ng eskwelahan na sumama sa camping.
“Sa school lang din po yan dad, bawal pong pumasok ang mga magulang kasi ila-lock ang gate ng eskwelahan. May mga activities po sila para sa estudyante,” dire-diretsong sabi ni Gen. Praktisado niya na ang linya kagabi pa, inexpect niya na kasing magtatanong ang kanyang magulang.
“Iisipin ko muna,” sabi ng kanyang ama at nagtuloy na sa pag-inom ng kape.
“Dad sige na please, responsible na po ako at bigyan mo naman ako ng chance na patunayan yun. Tsaka, kailangan na po yang ipasa today sa teacher ko, deadline na. Lahat ng classmates ko sasama. Ako lang yata ang hindi,” naglungkot-lungkutan pa siya, tila naman naawa ang daddy niya dahil pinirmahan na nito iyon pagkatapos ay bumuntong hininga.
“Yehey!”
“Siguruhin mo lang Genevieve na camping ito ha,” sabi ng tatay niya at naghihinala pa siyang tinitigan. Tumango naman ang dalaga tapos ay lumabas na upang pumasok sa eskwela.
Sa gate pa lang ay nakita na niya ang kanyang nobyo na naninigarilyo, agad itong nilapitan ni Gen.
“Babe! Pumayag si daddy!” masayang sabi niya.
“Buti naman, akala ko kokontra nanaman yang tatay mong bida-bida eh,” nakangising sabi nito. Hindi iyon inintindi ni Gen at hinawakan ito sa braso, niyaya na itong pumasok sa loob ng eskwelahan. Pinagtitinginan sila ng ibang estudyante dahil ang nobyo niya ay kilalang gang leader sa eskwelahan. Pero hindi gang leader na katulad ng nababasa sa pocketbook na gwapo at badboy.
Ang nobyo niya, bad boy lang. Kalbo ito, maitim at puno ng tattoo ang katawan na tinatago sa uniform. Matanda na rin ito, malapit nang magbente anyos pero dahil bulakbol ay ilang ulit na sa high school.
Pero syempre, dahil mahal niya ito ay gwapong-gwapo rito si Gen, bulag siya sa mga kalokohang ginagawa nito sa eskwela pati sa pagmamarijuana nito. Tingin niya, gwapo ito at kakaiba.
“Papasok ka ba? Wag na kaya, bonding nalang tayo sa tapsihan. Di ba may baon ka naman?” sabi ng lalaki.
“Oo kaya lang kailangan kong i-submit itong permit para sa camping eh,” sabi niya at ipinakita pa ang papel.
“Bakit? Di naman tayo sasama sa camping, paalam mo lang yan sa tatay mo. Syempre, iba ang pupuntahan natin.” sabi nito at inilapit pa ang bibig sa leeg niya. Nakaramdam naman ng kilig si Gen.
Mabilis lumipas ang mga araw. Ang ibang estudyante ay nasa loob ng eskwelahan at nagsisimula na sa camping habang siya naman ay narito, nakakatatlong tagay na sa alak na pilit ipinaiinom sa kanya ng nobyo.
Pitong lalaki ang kasama nila, na pawang kaibigan ng boyfriend niya at dalawa lamang silang babae. Dahil di sanay uminom si Gen ay mabilis siyang nalasing, lingid sa kaalaman niya ay may inihalo pala ang boyfriend niya sa kanyang inumin para mabilis siyang mahilo, ganoon din sa inumin ng isa pang babaeng kasama nila.
Lupaypay ang katawan ni Gen pero gising ang diwa niya nang halinhinan silang gahasain ng mga lalaki.
“B-babe..” sabi niya sa nobyo, halos magmakaawa dito .
“Babe? Uto-uto ka rin talaga,” sabi nito at natatawa pa, yakap nito ngayon ang isang babae.
Hindi namalayan ni Gen na nawalan na siya ng ulirat.
Nagising na lamang siya sa iyak ng babaeng katabi niya, nang silipin niya ito ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya dahil kung anu-anong kababuyan ang ginagawa rito ng mga lalaking lulong sa marijuana.
Alam niyang susunod na siya, mabuti na lamang at nakarinig sila ng sirena ng pulis kaya parang mga kalapating binugaw ang mga ito na nagpulasan. Susunod ay iniluwa ng pinto ang kanyang mga magulang.
Kagabi pala ay bumisita ang mga ito sa eskwelahan at napag-alaman na hindi siya nagsubmit ng permit para sa camping. Wala rin ang pangalan niya sa listahan ng mga estudyanteng nasa loob kaya nag-alala na ang mga ito.
Nang may makapagsabi sa mga ito na may mga kabataang nag iinuman na karamihan ay lalaki at dalawa lang ang babae ay kinutuban na ang mga ito at nagsama ng pulis.
“D-daddy, sorry. Sorry..sorry..” sabi niya, nangangatog ang mga kalamnan niya at tinakpan lamang siya ng jacket.
Ang kasama niyang babae ay pinasukan pa ng bote sa ari.
“Ssh..mahal ka namin anak..”
Nag-echo naman iyon sa kanyang pandinig. Ngayon niya lang naiisip kung bakit naghihigpit ang mga ito sa kanya, dahil mahal siya ng kanyang mga magulang.
Kung nakinig lang sana siya ay hindi siya magkakaganito ngayon.