Sumama ang Dalaga na Magbakasyon Kasama ang mga Kaibigan; Wala Siyang Kaalam-alam sa Plano ng mga Ito

“Trisha, nariyan na sa labas sina Lovely!” sigaw ng tiyahin.

“Opo, lalabas na po!” aniya.

Paglabas ng bahay ay agad nang sumakay ang dalaga sa van at nagpaalam sa kaniyang Tiya Agatha. Mula nang maulila sa mga magulang ay ang kaniyang tiyahin na ang kasa-kasama niya.

“Auntie, alis na po kami!”

“Mag-iingat kayo, ha!”

Matagal na kasi nilang napag-usapang magkakaibigan na mag-outing sa Zambales. Ilang oras ang mabilis na lumipas at narating agad nila ang isang private resort.

“Wow, ang ganda naman ng resort na ‘to. Tahimik at solong-solo natin!” sabi ni Lovely sa mga kasama.

“Nagdala kami ni Janus ng alak at pulutan para mas mag-enjoy tayo mamaya!” hirit naman ni Dennis.

Advertisement

“Oh my… ang lamig ng tubig! Ang sarap mag-swimming. Langoy na tayo!” excited na sabi ni Trisha.

Hindi nagpalit ng panligo si Trisha at agad nang lumusong sa swimming pool. Maya-maya ay lumublob na rin sa tubig sina Dennis at Janus. Si Lovely naman ay mas pinili munang maghanda ng kanilang pananghalian.

Mabilis na nagdaan ang mga oras at sumapit na ang gabi. Nag-umpisa na rin na uminom ng nakalalasing na inumin ang magkakaibigan. Ilang bote rin ng alak ang naubos nila. Hindi namalayan ni Trisha na nakatulog na pala siya sa sobrang kalasingan. Mabilis kasi siyang malasing kapag nakakainom.

Nang sumapit ang umaga ay nagkayayaan na sa pag-uwi ang magkakaibigan ngunit si Trisha ay nahihirapang makabangon sa higaan dahil nananakit ang kaniyang buong katawan at kumikirot din ang kaniyang sentido.

“Aray! Ang sakit ng buong katawan ko pati na rin ang ulo ko. Dami ko yatang nainom kagabi!” nahihilong sabi ng dalaga.

“Ang dami mo kasing nainom, e. Iyan tuloy kung anu-anong nararamdaman mo!” sagot ni Lovely.

Tahimik lang si Janus habang nagliligpit ng mga gamit. Inabutan naman ni Dennis si Trisha ng gamot sa pananakit ng katawan at ulo. Agad na ininom iyon ng dalaga ngunit hindi pa rin mawala ang pananakit ng kaniyang katawan.

Maya-maya ay sumakay na sila sa van at umuwi na.

Advertisement

Makalipas ang tatlong buwan mula nang mag-outing ang magkakaibigan ay may nangyaring kakaiba kay Trisha.

“Anak, ano bang nangyayari sa iyo at kanina ka pa nagdududuwal?” nagtatakang sabi ng tiyahin.

“Hindi ko rin po alam. Nahihilo rin po ako!” aniya.

Sinamahan siya ng ina sa ospital at ipinatingin sa doktor. Nagulat ang dalawa sa sinabi nito.

“Congratulatons, it’s positive! Buntis ka, hija!” bunyag ng doktor.

“Ha, h-hindi po maaari. P-Paanong nangyari ito?” naguguluhang tanong ni Trisha sa sarili.

“Totoo ba ang sinabi ng doktor, Trisha, na buntis ka? Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo? Wala ka namang naikukuwento sa akin na bago mong boyfriend, ah!” tanong ng tiyahin.

“H-hindi ko po alam, auntie. Imposibleng mabuntis ako kung hindi naman ako nakikipag…puwera na lang kung…” may biglang naalala ang dalaga.

Advertisement

“Ano iyon, Trisha?” tanong pa ng kaniyang Tiya Agatha.

“P-puwera na lang kung may nanamantala sa akin.”

“Teka, sinong gagalaw sa iyo, eh, ‘di ba wala ka namang nobyo ngayon?

Naalala ni Trisha na noong nag-outing sila Zambales, paggising niya ay nananakit na ang buong katawan niya. Wala siyang maalala sa nangyari dahil sa sobrang kalasingan.

“Di kaya ginalaw ako nina Janus at Dennis? Na sa sobrang lasing ko ay nagawa nila akong pagsamantalahan?”

Agad nilang pinuntahan ang mga kaibigang sina Lovely, Janus at Dennis. Hinarap niya ang tatlong kaibigan at ipinagtapat ang kaniyang kalagayan.

“A-ano, friend, b-buntis ka?” nauutal na sabi ni Lovely.

“Oo, Lovely, at tiyak kong may kinalaman sa pagdadalantao ko itong sina Janus at Dennis. Magsabi nga kayo ng totoo. Ano ang ginawa niyo sa akin sa resort? Sabihin niyo! Imposible na mabuntis ako dahil wala akong boyfriend, mag-iisang taon na kaming wala ng ex kong si Patrick. Kayong dalawa lang, Janus, Dennis, ang kasama namin ni Lovely nang gabing iyon. Malakas ang kutob ko na may ginawa kayong kahal*yan sa akin. Mga kaibigan ko pa naman kayo, bakit niyo ito ginawa sa akin?” galit at mangiyak-ngiyak na sabi ni Trisha.

Advertisement

“Wala kaming kinalaman sa nangyari sa iyo, Trisha. Inosente kami!” giit ni Janus.

Maya-maya ay hindi na napigilan ni Dennis ang pananahimik.

“Tama na! Hindi ko na kayang itago pa ang nalalaman ko. T-totoong may nagsamantala sa iyo nang gabing iyon, Trisha, at iyon ay walang iba kundi si Janus!” bunyag ng lalaki.

Laking gulat ni Trisha. Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng pinakatahimik at pinakaseryoso niyang kaibigan.

Ang totoo ay plano iyon nina Janus at Lovely. Matagal nang may lihim na galit sa iyo si Lovely dahil sa inagaw mo raw sa kaniya ang lalaking pinakamamahal niya na si Patrick. Dahil matagal na ring may pagtingin si Janus kay Lovely ay nakipagkasundo si Lovely na bibigyan niya ng chance si Janus na maging boyfriend nito kapalit ng gagawing pananamantala sa iyo, Trisha. Ganti raw iyon sa iyo ni Lovely dahil sa ginawa mong pakikipag-break kay Patrick. Alam kong lahat ang plano nila dahil sinabi lahat sa akin ni Janus ang lahat nang nag-inuman kami matapos niyang gawin sa iyo ang kahal*yang iyon habang himbing na himbing ka sa pagtulog dahil sa sobrang kalasingan. Gustung-gusto ko nang sabihin sa iyo ang totoo ngunit binantaan nila ako na idadawit sa ginawa nila sa iyo kaya natakot akong isiwalat sa iyo ang totoo. Patawarin mo ako, Trisha!” hayag ni Dennis.

“Mga hay*p kayo! Huwag kang mag-alala, Trisha, sisiguruhin kong pagbabayaran ng mga kaibigan mong iyan ang ginawa nila sa iyo!” galit na wika ni Tiya Agatha sa mga nalaman.

“Bakit niyo ito nagawa sa akin? Itinuring ko pa naman kayong mga kaibigan, lalo ka na Lovely. Parang kapatid na ang turing ko sa iyo, hindi ako makapaniwala na ikaw pa ang magpapahamak sa akin dahil lang sa isang lalaki!” lumuluhang sabi ni Trisha.

Hindi na nakapagsalita pa sina Lovely at Janus na nagsisisi sa kanilang ginawa.

Advertisement

Ipinaaresto ng magtiyahin sina Lovely at Janus sa ginawang pangbababoy sa dalaga. Kahit pa umamin sa nagawang krim*n ng mga kaibigan ay inaresto rin si Dennis dahil sa ginawa nitong pananahimik.  

Pinagbayaran sa kulungan nina Lovely at Janus ang kasalanan nilang ginawa. Nakalaya naman si Dennis dahil pinatawad ito ni Trisha sa ginawang pag-amin sa katotohanan. Nasira man ang kanilang pagkakaibigan ay itinuloy pa rin ni Trisha ang buhay lalo na at may buhay na nasa kaniyang sinapupunan. Kahit bunga ng karahasan ang kaniyang ipinagbubuntis ay nais niyang maging mabuting ina sa kaniyang magiging anak. Nakahanda niya itong mahalin at alagaan sa abot ng kaniyang makakaya kasama ang kaniyang tiyahin na mahal na mahal siya.