Tumigil sa Pag-aaral ang Dalagita Upang Makapag-aral ang mga Kapatid, Pagdating ng Panahon ay Ito ang Iginanti nila sa Kanya
Malungkot na minasdan ni Edralyn ang mga lumang notebook, alam niya kasing malayo pa sa imposible na muli siyang makakapag-aral. Matalino siya pero kailangan niyang magsakripisyo para sa mga kapatid, dalawa lang ang kayang pag-aralin ng mga magulang nila at nahuhuli na ang mga kapatid niya. Dapat ay dati pa pumasok ang mga ito kaya kahit magaganda ang grado niya at isang taon na lang ay tapos na niya ang high school,tumigil siya. “Diba classmate natin sya dati? Ano nangyari?” narinig ni Edralyn na usap-usapan ng mga dalagitang napadaan sa harap niya minsang nagtitinda siya sa palengke. Hindi naman siya makatingin ng diretso sa mga ito, pero tila nananadya at lumapit pa ang mga dalagita sa kanya. “Edralyn? diba ikaw yan? anong nangyari sayo?” tanong ng mga ito. “Mga kapatid ko naman ang mag aaral kasi, ano, sa isang taon babalik ako.” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay di niya alam kung makakabalik pa siya. “Ay kawawa ka naman, buti pa kami, hindi katulad mo.” sabi lang ng mga ito at umalis na. Buti pa nga sila. Malungkot na sabi ng dalagita. Makalipas ang maraming taon. “Magna Cum Laude, Edralyn Dayap!” sigaw ng guro sa entablado. Maligayang tinanggap ni Edralyn ang kanyang diploma at medalya, pagkatapos ay nagsalita na siya upang magpasalamat sa lahat, lalo na sa kanyang mga kapatid. Matapos ang graduation ay niyakap niya ang mga kapatid. “Salamat sa inyo, kung hindi dahil sa inyo hindi ako makakapagtapos ng college. Kung hindi kayo nagtulung-tulong para sa tuition ko,” naiiyak na wika ng babae. “Ate, wala pa yan sa mga sakripisyo mo. Kung hindi ka rin nagbigay ay hindi kami makakapagtapos. Kaya ngayong may trabaho na kami, tama lang na ibalik naman namin sayo ang kabutihan.” Niyakap niya ang mga kapatid. Maaari ngang may edad na siyang naka-graduate pero magrereklamo pa ba siya? Nakapagtapos silang magkakapatid dahil sa pagbibigayan at pagsasakripisyo ng bawat isa. Kapos man sila sa karangyaan sa buhay, alam niyang malayo ang kanilang mararating dahil inaangat nila ang isa’t isa. Walang inggitan, sa halip ay nagtutulungan upang maabot nilang lahat ang pinapangarap nilang buhay na inaalay nila sa mga magulang nilang naghirap at nagsakripisyo, makapagtapos lamang sila ng kolehiyo. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.