Inday TrendingInday Trending
Ipinagduduldulan ng Tiyahin na Bobo Siya at Hindi Kakayanin Mag-kolehiyo, Pinatunayan Niyang Mali Ito

Ipinagduduldulan ng Tiyahin na Bobo Siya at Hindi Kakayanin Mag-kolehiyo, Pinatunayan Niyang Mali Ito

“Bakit ka ba mag-aaral ng kolehiyo kung bobo ka naman?” ika ng tiyahin ni Jolina sa kanya. Sinabi kasi niya rito na gusto niyang magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo, “Magtatrabaho naman po ako, Tita para po sa tuition fee ko.” “Wala akong pakialam sa kung sino ang magbabayad sa tuition fee mo dahil hindi ko naman babayaran ‘yan para sayo. Ang tanong ko lang ay kung kaya mo ba sa hina ng utak mo?” Kahit nasasaktan na sa mga sinasabi ng tiyahin ay pinili niya pa ring magpakumbaba, “Huwag po kayong mag-alala, Tita gagawin ko po ang lahat upang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko po kasing tuparin ang pangako ko kina Mama at Papa noon.” Ilang taon nang magkasabay na yumao ang kanyang mga magulang. At dahil doon ay naiwan siya at ang kapatid niya sa pangangalaga ng kanyang tiyahin. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na kinupkop lang sila nito dahil sa insurance at pension lumpsum na matatanggap nilang magkapatid mula sa mga magulang. Halos wala silang napala doon dahil wala pang isang taon matapos silang kupkupin nito ay agad sila nitong pinagtrabaho sa maliit na karinderya ng kanilang tiyuhin, ang asawa nito. Ang kinikita nila doon ang nagsisilbing pagkain nila at pambili ng mga gamit sa araw-araw. Pero dahil naisip ni Jolina na hindi sila maaaring ganoon nalang palagi ng kapatid niyang si John-john. Kaya naman naisip niyang ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit hindi lang salapi ang problema niya doon, kundi pati na rin ang kanyang kakulangan sa kaalaman. Tama naman kasi ang tiyahin niya na mahina ang kanyang ulo. Kung kaya’t nag-isip siya ng maaring kurso na babagay sa kanya. “HRM po,” ika ni Jolina sa cashier ng eskwelahang papasukan niya. Masayang-masaya siya dahil bukod sa nakapagdesisyon na siya ng nababagay na kurso sa kanya ay nakapag-ipon na rin siya nang sapat para sa pag-aaral. Wala nang nagawa ang kanyang tiyahin dahil pinakiusapan rin nila ang kanilang tiyuhin na mas mabait kaysa dito. Pinagsabay ni Jolina ang pag-aaral bilang irregular student sa umaga at pagtatrabaho sa gabi bilang waitress. Hindi niya ikinakahiya ang kanyang trabaho dahil doon siya kumukuha ng baon pang-araw araw at pagkain nilang magkapatid. Nagpapasalamat rin naman siya sa kapatid niyang si John-john dahil sa murang edad nito ay naiisip na nitong tulungan siya. Tiniis lahat ni Jolina ang apat na taong paghihirap upang mabigyan kahit papaano ng magandang buhay ang kanyang kapatid. Nang sa wakas ay makagraduate siya ay labis-labis ang kanyang pagluha. Hindi niya talaga lubos-maisip na sa kahirapan nila at pagiging mahina ng ulo niya ay kakayanin niya ang lahat ng pagsubok sa buhay. Sa pamamagitan ng ipon sa pagtatrabaho ay nagdesisyon si Jolina na magpatayo ng isang simpleng bakery. At sa tulong ng kaalaman niya sa kursong natapos ay mas lumago pa ang kanyang negosyo at nakapagpatayo siya ng Cafe Restaurant. Hindi niya kinalimutang tulungan ang kanyang tiyahin at tiyuhin sa nagawang pagkupkop ng mga ito sa kanya. Bukod doon ay nagpaaral rin siya ng tatlong batang ulila sa mga magulang. Nang tanungin siya ng mga madre sa bahay-ampunan kung ano ang dahilan niya ng pagtulong ay narito ang kanyang naging kasagutan, “Gusto ko po sanang ipalaganap ang kabutihan ng pagtulong sa kapwa, Sister. Hiling ko sa mga batang ito na kapag lumaki sila’t naging matagumpay sa buhay ay tumulong rin sila sa mga nangangailangan. Bukod doon ay gusto kong malaman nila ang kalahagahan ng edukasyon kahit ano pang pagsubok ang kanilang harapin sa buhay.” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement