Inday TrendingInday Trending
Malupit ang mga Pangako ng Alkalde Bago Siya Maihalal, Ngunit nang Sumapit ang Trahedya ay Walang Napala sa Kanya ang mga Mamamayan

Malupit ang mga Pangako ng Alkalde Bago Siya Maihalal, Ngunit nang Sumapit ang Trahedya ay Walang Napala sa Kanya ang mga Mamamayan

“Ako po si Henry Enriquez, sa hirap at ginhawa… sa oras ng trahedya, sa oras ng inyong pangangailangan, ako’y inyong maaasahan. Kumakatok po sa inyong mga puso upang inyong ihalal na maging mayor at maglingkod sa ating bayan.” Madalas na marinig ng mga tao noong araw ng eleksyon. Pakikipagkamay sa mga tao, pakikipagbeso at pagngiti sa mga botante ang araw-araw niyang ginagawa upang mahuli ang loob ng mga ito. Ilang linggo pa ang lumipas at sumapit na ang botohan. Kinakabahan na ang kandidatong si Henry kung siya nga ba ang mananalo bilang Mayor. Sinigurado niyang siya ang mananalo. Sa dami ng ginastos niya sa pangangampanya, wala naman sigurong magtatraydor sa kanya. “Congratulations to our new city Mayor Henry Enriquez!” Tuwang-tuwa ang bagong halal na alkalde ng bayan. Sa isip-isip niya’y hindi nasayang ang kanyang pagod, puyat at gastos sa pangangampanya dahil mababawi niya naman ang mga ito sa mga susunod na buwan. Ngunit makalipas lang ang ilang linggo ay dumating ang isang malakas na bagyo kasabay ng habagat sa karagatan ay naging sanhi iyon ng isang disgrasya. May babaeng nalulunod sa karagatan. Sumaktong nag-iikot ang mayor upang silipin ang pinapatayo niyang tahanan. Isang ginang ang nakakita sa nalulunod na babae. Ngunit dahil sa lakas ng ulan ay wala masyadong tao sa paligid. Ang tanging nakita niya lang ay ang kanilang alkalde. Nilapitan niya ito, “Mayor! May nalulunod po sa dagat! Mayor! Ano pong gagawin natin?” Natataranta na ang ginang ngunit tila wala namang pakialam ang alkalde. “Mayor, ano pong gagawin natin? Wala po ba kayong mga tauhan para iligtas ang babae?” Napailing ang Mayor, “Saglit lang Misis, tumawag na ako ng rescue team.” “Eh kayo po Mayor, hindi po ba kayo marunong lumangoy? Imposible naman po sigurong hindi.” “Palalanguyin mo ko dyan? Kita mong ang lakas-lakas ng alon at hangin?!” Gulat ang babae sa naging reaksyon ng alkalde. Iniisip na ito ba ang pinagkatiwalaan at hinalal nilang tagapamuno ng bayan nila? Kaya naman no choice na ang ginang. Konsensya niya kapag namatay ang babaeng nalulunod. Agad-agad siyang naghubad ng sapatos at tumalon sa dagat. Buong-tapang niyang niligtas ang babaeng nalulunod. Pagkaahon niya kasama ang niligtas na babae ay kumpulan na ang mga tao sa tabing-dagat. “Bakit ikaw na babae ang nagligtas sa kanya?” tanong ng isang matandang mamamayan. Walang nasagot ang babae. Tumingin lamang siya sa alkalde na puno ng pagiging dismayado ang mga mata. Inulit niya ang natandaang pangako nito noong nangangampanya, “Ako po si Henry Enriquez, sa hirap at ginhawa… sa oras ng trahedya, sa oras ng inyong pangangailangan, ako’y inyong maaasahan.” Pulang-pula ang alkalde na napayuko na lamang sa sobrang kahihiyan. Tila naintindihan naman ng mga mamamayan ang ibig sabihin ng pagpaparinig ng babae. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement