Sa loob ng lumang bodega ng mga Villalejo ay mayroong nangyayaring kababalaghan.
“Oh, sige pa!” Ungol ni Rebecca.
“Ang bango mo, mahal…” Sambit naman ng katalik nito.
Nang biglang may narinig silang ingay sa labas. Malakas na busina ng sasakyan. Napabalikwas ang babae.
“Si Gaspar, ‘di niya tayo dapat maabutan dito!”
Dali-dali silang nagbihis at sabay na lumabas sa bodega. Pawisan ang mga katawan sa ginawang milagro.
Dumating na sa mansyon si Don Gaspar Villalejo, ang asawa ni Rebecca. Mas matanda ito ng labin-dalawang taon sa babae. Ang matanda ang nagmamay-ari ng pinakamalaking tubuhan sa kanilang lugar. Ipinarada nito ang magarang sasakyan sa labas ng mansyon bago pumasok sa loob.
“B-bumalik ka na pala, s-sabihin ko kay Chedeng na ipaghanda ka ng pagkain.”
Sinamahan ng babae ang asawa papunta sa komedor. Hindi nila namalayan na lihim namang nakamatyag sa kanila ang isang lalaki, ang hardinerong si Vener.
“Rebecca..” Anito.
May halong kaba na inalok ni Rebecca ang asawa na kumain ng hapunan.
“K-kain na! N-nagpaturo ako kay Chedeng na lutuin itong dinuguan. Paborito mo iyan di ba?”
“Wow, mukhang masarap ang niluto niyo, ah!” Ikaw, kumain ka na ba, mahal?” Sabi nito habang hinalikan siya sa leeg.
Malamig naman ang pakikitungo niya rito nang halikan siya nito.
“Ang bango ng misis ko…uhmmm…”
“Huwag dito, Gaspar!” Saway niya sa asawa.
Matapos kumain ay niyaya na siya ng matanda na pumasok sa kanilang silid para magpahinga. Naiilang naman siya habang naka-akbay ito sa kanya.
Di nagtagal ay nakatulog na si Don Gaspar. Samantala, siya naman ay gising pa rin at nakikiramdam.
Maya-maya ay lumabas siya ng silid na nakasuot ng kulay puting kamison. Maingat niyang isinara ang pinto.
Tahimik niyang nilakad ang pinakadulong silid sa ibaba ng mansyon at kinatok ang pinto. Pinagbuksan siya ni Vener na halata sa mukha ang sobrang pananabik sa kanya. Silid pala iyon ng hardinerong si Vener. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na naman ng katuparan ang pananabik nila sa isa’t isa.
“Vener…” Aniya.
“Kanina pa kita hinihintay.” Sagot naman ng lalaki.
Walang saplot na pang-itaas si Vener kaya kitang-kita ni Rebecca ang matipunong katawan nito na kanina pa naghihintay sa kanyang pagkababae.
Mabilis na pinaghahalikan ng lalaki ang mga labi ni Rebecca. Maalab, mapusok.
Hanggang sa humantong sa kama ang mainit na tagpong iyon. Muli nilang pinagsaluhan ang init ng gabi.
Wala silang kaalam-alam na nagising si Don Gaspar. Nakita na wala ang asawa sa tabi nito.
“R-Rebecca? Saan kaya siya nagpunta?”
Bumangon siya sa kama at lumabas sa silid. Bumaba sa hagdan habang hawak ang isang maliit na flashlight.
Gulat na napalingon sa likuran ang matanda dahil sa kalabog na narinig sa kusina.
Kinabahan si Don Gaspar sa narinig na ingay. Inakala niya na baka mayroong nakapasok na magnanakaw sa mansyon. Agad niyang kinuha ang kanyang baril at lakas-loob na tinungo ang kusina.
Hindi niya inakala na ang makikita pala niya ay ang anino ng isang babaeng nakatayo. Inakala ni Don Gaspar na iyon ang asawang si Rebecca.
“Rebecca, ikaw ba iyan?” Tanong niya rito.
Tinutukan niya ng dalang flashlight ang babae sa dilim. Laking gulat niyang hindi pala ang kanyang asawa ang nakatayong babae kundi ang katulong na si Chedeng. May hawak itong baso ng tubig.
“C-Chedeng, anong ginagawa mo rito?”
“Ay, Don Gaspar kayo pala! Kumuha lang po ako ng tubig. Nauhaw kasi ako, e.”
“Aatakehin ako sa iyo! Di ka man lang nagbukas ng ilaw dito? Ang akala ko’y mayroon nang nakapasok na magnanakaw!” Bulyaw ng matanda.
“Naku, patawad po!”
Imbes na magalit ay mahinahon niyang tinanong ang katulong.
“Nakita mo ba ang senyora mo?”
“N-nawawala si Senyora Rebecca?” Gulat na wika ni Chedeng.
Nang may nagbukas ng switch ng ilaw sa kusina. Biglang lumitaw si Rebecca at nakitang nag-uusap ang dalawa.
“Gaspar?”
Napalingon naman sina Don Gaspar at Chedeng sa pinanggalingan ng boses.
“O, saan ka ba galing? Nag-aalala na ako sa iyo!”
Kabadong nakaisip si Rebecca ng idadahilan sa asawa.
“N-nagpahangin lang ako sa veranda.”
Napabuntong-hininga ang matandang lalaki
“Akala ko, hmmm..halina’t matulog na tayo! Magpahinga ka na rin, Chedeng!”
Sa pagkakataong iyon ay nakaligtas na naman sina Rebecca at Vener.
Kinaumagahan ay nagpaalam si Don Gaspar na mayroon itong aasikasuhin sa tubuhan.
“Mahal, alis muna ako, may mga aayusin lang ako.” Paalam nito.
Nagtangkang magbigay ng halik ang matanda sa asawa subalit gaya ng dati, umiwas na naman ito. Sa pag-alis ng asawa ay nakahanap na naman ng pagkakataon ang babae.
Sumapit ang tanghali at nagpasya si Chedeng na maglinis sa bodega. Matagal na niyang hindi nalilinis iyon kaya nagmamadaling pinuntahan ang lumang bodega sa mansyon. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya sina Rebecca at Vener, walang mga saplot sa katawan at nagtatalik.
“Senyora, Vener? Diyos ko!” Hiyaw ng katulong.
Natauhan ang dalawa nang makita nila ang nagulat na si Chedeng na nakahuli sa kanilang ginagawa.
“M-magpapaliwanag kami! Ang totoo niyan ay…” Hindi naituloy ng babae ang sasabihin nang makitang nakatayo rin at nakatingin sa kanila ang asawang si Don Gaspar.
Lingid sa kaalaman ni Chedeng ay sinundan siya ng matanda.
“Siinasabi ko na nga ba!”
Sinugod nito si Vener at sinapak sa mukha ang lalaki.
“Hayop ka, traydor!”
Tinulak ni Rebecca ang asawa at ipinagtanggol si Vener.
“Huwag mo siyang saktan, Gaspar!” Sigaw ng babae na puno ng hinanakit at galit. Napaiyak na ito.
Bumigay na si Rebecca.
“Wala kang karapatan na saktan ang kaisa-isang lalaking minahal ko! Nakalimot ka na ba? Di ba’t pinambayad lang naman ako ng aking mga magulang sa pagkakautang nila sa iyo! Matagal ko nang kasintahan si Vener at siya ang tunay kong mahal at hindi ikaw!” Bulalas nito.
Hindi nakapagsalita si Don Gaspar sa mga sinabi ng asawa. Totoo ang mga inihayag nito. Ginawa lang niyang asawa si Rebecca dahil ito ang ipinambayad ng mga magulang sa malaking utang ng mga ito sa kanya. Dalagita pa noon ang babae nang makuha niya.
“Kahit kailan ay hindi mo ako magiging pag-aari, Gaspar. Kay tagal kong nagtiis. Panahon na para kami naman ang lumigaya!” Wika pa ni Rebecca.
Akmang aalis ang dalawa ngunit hinawakan ng matanda ang braso ng babae.
“Huwag mong gawin sa akin ‘to. Huwag mo akong iwan!”
“Patawarin mo ako, Gaspar ngunit hanggang dito na lang tayo, paalam!”
Palayo nang naglalakad na magkahawak-kamay ang dalawang magkasintahan. Naiwan si Don Gaspar at si Chedeng na nakatanaw sa dalawa.
Ipinaglaban lang nila Rebecca at Vener ang karapatan nilang magmahalan ng malaya at malayo sa kasinungalingan. Sa wakas, wala na silang pagtataguan at paglilihiman ng kanilang walang hanggang pag-ibig sa isa’t isa.
Di naglaon ay natanggap na rin ni Don Gaspar na magiging masaya si Rebecca sa piling ng lalaking mas nauna sa kanya sa puso nito.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!