Inday TrendingInday Trending
Natipuhan ng Manyakis na Taxi Driver ang Kanyang Maganda’t Seksing Pasahero, Nagulantang Ito sa Ipinakita ng Lalaki

Natipuhan ng Manyakis na Taxi Driver ang Kanyang Maganda’t Seksing Pasahero, Nagulantang Ito sa Ipinakita ng Lalaki

Certified manyakis ang taxi driver na si Andoy, kaya naman gustong-gusto niya na mga babaeng seksi at maganda ang nagiging pasahero niya.

Isang araw ay namataan niya ang isang dalagita.

Pauwi na si Yumi galing sa practice nila ng volleyball kasama ang mga kaibigan. Niyaya pa siya ng mga ito na mamasyal sa mall pero tumanggi siya dahil bilin ng kanyang ina na umuwi siya ng maaga.

“Ayaw mo ba talagang sumama sa amin mag-malling? Tara, at magsight seeing tayo ng mga guwapo doon!” Yaya ng kaibigan.

“Pass muna ako! Pinauuwi kasi ako ni nanay ng maaga ngayon dahil nagpapasama siya sa Tutuban.”

“Friday naman ngayon, friend, ang kill joy naman ng mudra mo!”

“Nagpapakabait ako kasi magpapabili ako sa kanya ng bagong cell phone”, aniya.

“Ikaw ang bahala.”

Para mapabilis ang kanyang pag-uwi ay naisipan niyang sumakay ng taxi. Ang hindi niya alam ay kanina pa siya inaabangan ni Andoy.

Matapos makapagpaalam sa mga kasama ay pinara niya ang nakitang taxi. Agad naman siyang hinintuan noon.

“Ma, pakihatid po ako sa Espanya”, sabi niya sa driver.

“Okay, miss. Sige, sumakay ka na!” Mabilis na sagot nito.

Sumakay si Yumi sa harap ng taxi dahil mas sanay siyang umupo roon. Maayos naman siyang nakaupo sa tabi ng driver. Nagpatugtog pa ito ng music para mas lalong marelax ang kanyang pasahero.

Napansin ni Yumi na panay ang sulyap sa kanya ng driver. Sa una ay hindi niya iyon pinansin at itinuon ang sarili sa paggamit ng cellphone.

Maya-maya ay bigla itong nagtanong.

“Ilang taon ka na, miss?”

Kahit nagtataka ay sinagot niya ang driver.

“17 po”, mahina niyang sagot.

Napangiti ang driver at nananatiling nakatitig sa kanya sa rear view mirror.

Napansin niya na tila inaayos nito ang suot na sinturon ngunit hindi pa rin niya iyon pinansin.

Nang binabaybay na nila ang kahabaan ng EDSA ay napansin ulit niya na makahulugan na ang tingin ng driver sa kanya. Kahit ganoon ay hindi pa rin niya ito pinagisipan ng masama dahil baka nagagandahan lang ito sa kanya. Marami kasing nagsasabi na kahawig niya ang artistang si Ryza Cenon.

Ngunit pagdating sa E. Rodriguez ay tinanggal na nito ang sinturon at dahan-dahang inilabas ang pagkalalaki at inumpisahang paglaruan iyon.

Nabalot siya ng takot sa ginagawa ng driver pero nilakasan niya ang loob at tinanong ito.

“M-manong, ano iyang ginagawa niyo?”

Napatigil sa ginagawa ang driver.

“A, e… n-naiihi na kasi ako..” Wika nito sabay pasok ng ari nito sa loob ng pantalon.

Nang bigla nitong ihinto ang taxi sa isang malapit na gasoline station. Bumaba ito ng sasakyan at pumunta sa palikuran ng gasolinahan. Iniwan nito ang dalagita na nakaupo pa rin. Natulala na ito sa matinding takot at kahihiyan.

Buti na lamang at tumunog ang kanyang cellphone. Nahimasmasan siya at doon niya naisip na bumaba ng taxi at umalis sa lugar na iyon. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan niyang iwan sa loob ng sasakyan ang bayad.

“Ano ba itong napasok ko?” Sambit niya sa sarili habang mabilis na naglalakad sa kalye. Hindi naman nagtagal ay pumara na lang siya ng jeep pauwi sa kanila.

Pagdating sa bahay ay agad niyang ikinuwento sa kanyang nanay ang nangyari sa sinakyang taxi.

“Ano? Mapapatay ko ang gag*ng driver na iyon!!!” Galit na sigaw ng ina niya.

“Buti na lang po at wala siyang ginawa sa aking masama, huhu!” Iyak ni Yumi.

Nagkaroon ng matinding trauma ang dalagita sa pangyayaring iyon. Ayaw na nitong lumabas ng bahay at ayaw na ring sumakay ng taxi.

“Hindi ako papayag na makalusot ang taxi driver na nambastos sa iyo, anak. Magsasampa tayo ng reklamo!” Sabi pa ng ina ni Yumi.

Inireklamo ng mag-ina si Andoy na gumawa umano ng kahalayan sa harap ng anak. Isa iyong malaking paglabag sa karapatan ng mga kababaihan. Nagsampa sila ng kaso at ipinakulong ito.

“Parang-awa na ninyo, hindi ko po sinasadya!” Pakiusap ni Andoy sa mag-ina.

“Pasensiyahan na lang tayo pero hindi ko iuurong ang kaso! Pagdusahan mo ang kasalanan mo sa anak ko!” Galit na sabi ng babae.

“Nakakadismaya ka! Ang mga katulad mo ang nagbibigay ng masamang impresyon sa mga gaya mong driver!” Pahabol pa nito.

Samantala, nakatakda ring kanselahin ang lisensiya ni Andoy dahil hindi dapat nagmamaneho ang mga kagaya niyang driver na inilalagay sa alanganin ang mga pasahero, lalo na ang mga kabataan at kababaihan.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement